Rayver Cruz denies Gerald Anderson requested for him to be part of Bukas Na Lang Kita Mamahalin

Ayon kay Rayver Cruz,kahit break na sila ni Cristine Reyes ay nananatili pa rin silang malapit na kaibigan. Sabi ni Rayver, “Unang-una, walang third party and mutual naman yung decision na hindi na talaga magwo-work—kailangang i-set natin yung priorities natin sa buhay. Nagkasundo naman kami at sinabi naman na nandito kami para sa isa’t isa.”


Muling magsasama ang magkaibigang Rayver Cruz at Gerald Anderson sa bagong primetime series ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Nakadalawang acting projects nang magkasama sina Rayver at Gerald na parehong magkalaban ang role na kanilang ginampanan.

Nauna rito ang kasalukuyang ipinapalabas sa sinehan na pelikulang OTJ (On The Job).

Sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin, magkaribal naman sina Rayver at Gerald sa isang babae na gagampanan ni Cristine Reyes.

Sa totoong buhay, si Cristine ay ex-girlfriend ni Rayver.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver sa grand launch ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin sa Dolphy Theater, ipinagdiinan niya na walang kumpetisyong nangyayari sa kanilang magkaibigan.

Saad niya, “Hindi ko masasabing kumpetisyon.

“Of course, bilang magkaibigan kami ni Gerald, gagawin ninyo ang lahat para magkatulungan kayo upang gumanda yung palabas.

“Yun siguro ang maituturing kong challenge para sa akin, kasi kabaliktaran ito sa serye namin dahil sobrang close ako kay Gerald sa totoong buhay—magkaibigan kami, lagi kaming magkasama.

“And since noong una ko siyang nakatrabaho sa Love Spell, ngayon lang uli kami nagkatrabaho.

“So, challenge yun sa akin na paano ko maipapakita sa tao na, eto, galit ako sa taong ito [sa character ni Gerald], siya ang pinaka ayaw kong tao sa mundo kasi karibal ko nga siya.

“Pero in real life, kaibigan ko siya.

"Pero sa set naman, professional kaming dalawa, lalo na sa mga mabibigat na eksena na nagawa naman namin nang maayos.”



FIRST CHOICE. Totoo bang ni-request siya ni Gerald para sa drama show na ito?

Sabi ni Rayver, “Yung sabi naman sa akin, first choice naman talaga ako. And natuwa nga si Ge [palayaw ni Gerald] noong ako yung ilalagay sa role.

“Iyon yung alam ko talaga na pati si Cristine… hindi naman yung ni-request ako ni Cristine.”

Mali pala ang balitang ni-request siya ng alinman kina Cristine o Gerald para sa project na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, kasi expected ko na may lalabas na, ‘Kaya naman napasama si Rayver diyan dahil best friend ni Gerald, ex ni Cristine, o boyfriend ni Cristine.’

“So, hindi naman bago sa akin na ganoon ang tingin sa akin, sanay naman na ako.

“Pero para ma-clear lang, di ba?” pahabol pa ni Rayver.



REAL FRIENDS. Ano bang meron sa barkadahan nila ni Gerald at naging very solid ito?

Tugon ni Rayver, “Mapi-feel mo yun, e, makikita sa isang tao kung totoo siya o kung hindi siya showbiz na tao kahit nasa showbiz tayo.

“Iilan lang naman silang talagang close sa akin—si Enchong [Dee], si Gerald…

"May mga friends naman ako sa showbiz na maituturing kong kaibigan talaga.

“Siguro nabuo yung samahan na parang magkakapatid kami.

“Every year, umaalis kami sa tour… halos magti-three years na rin yung tour namin—kami nina Xian [Lim], kami nina Gerald, nina Enchong at ako.

“So, talagang iba kapag nagta-travel kayo together, iba samahan na nabubuo, iba yung bonding.”



SAME GIRL. Na-link pareho sa magkakahiwalay na pagkakataon at panahon sina Gerald at Rayver sa Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Kindi kaya dahil kay Sarah kaya sila naging close?

Tugon agad ni Rayver, “Hindi naman, hindi naman, nagkakataon lang yung mga bagay-bagay.

“Pero matagal na kaming close ni Gerald bago ko pa makilala yung tinutukoy mo, pero close na kami.”

Nag-bond ba silang lalo ni Gerald dahil kay Sarah?

“Actually, hindi namin pinag-uusapan ni Gerald yun, hindi namin ginagawang topic yun ni Ge pag magkasama kami,” nangingiting sabi ng Kapamilya young actor.



EX-GIRLFRIEND. Kinumusta rin ng PE kay Rayver ang sitwasyon nila ni Cristine bilang ex-lovers at ngayon ay magkasama sa isang teleserye.

Sabi niya, “Okay naman kami.

"Sobrang happy ako at comfortable na siya ang kasama ko, dahil nga kapag may mabibigat na eksena, comfortable ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gaya nga ng sinabi niya, parang two years na kaming sunud-sunod na magkatrabaho from Kristine series, tapos ‘eto, sobrang naging comfortable ako.”

Paano nangyaring naging magkaibigan sila ni Cristine at hindi umabot sa suklaman ang hiwalayan nila?

“Yun ang ipinagtataka ng mga tao na paano namin nagawa yun na yung breakup maayos.

“E, siguro kasi, unang-una, walang third party and mutual naman yung decision na hindi na talaga magwo-work—kailangang i-set natin yung mga priorities natin sa buhay.

“Nagkasundo naman kami at sinabi naman na nandito kami para sa isa’t isa.

“’Hindi naman natatapos yung relasyon natin, ganoon pa rin naman tayo.’”



STILL SINGLE. Ayon kay Rayver, single siya pero hindi siya loveless.

Nagduda tuloy ang PEP na baka may itinatago siyang kasintahan sa ngayon.

“Hindi!” mariin niyang tanggi.

“Eto na lang, pag may nililigawan ako or may girlfriend ako, sasabihin ko agad.

"Bakit ko naman itatago o idedenay yung babaeng mahal ko or nililigawan ko?”

Pero mayroon ba siyang sinisipat sa kasalukuyan?

Umiiling na sabi ni Rayver, “Marami akong friends na babae ngayon, pero hindi talaga para ligawan.”

Bakit parang huminto na ang mundo niya kay Cristine?

“Hindi naman, doon kami parehas ni Cristine.

“Si Cristine, hindi ko naman ‘yan hinanap, dumating siya, at iyon yung okay.

“Kapag naghanap ng pag-ibig talaga na maayos, nagwo-work, kasi pangmatagalan, dahil hindi mo hinahanap, madaling magkaroon ng relasyon sa isang tao, madaling maghanap ng karelasyon.

“Pero ang mahirap, yung timing para sa iyo, yung ibibigay ng Panginoon para sa iyo.”

Hindi ba siya naiinggit kay Gerald na may lovelife ngayon at masaya sa piling ni Maja Salvador?

“Hindi naman... Masaya ako para sa kanya kasi parehas ko silang kaibigan.

"And actually, parang salitan nga kami… pag wala ako, siya naman ang meron.

"Ayun, nakakatawa lang.”



XIAN AND KIM. Nabanggit ni Rayver si Xian Lim, na kasama nila sa grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naging magkasintahan si Gerald at ang ka-loveteam ngayon ni Xian na si Kim Chiu. Hindi naging maayos ang breakup nina Kim at Gerald at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nag-uusap ang dalawa.

Sa kasalukuyan, nali-link sina Kim at Xian. Hindi ba awkward kina Gerald at Xian na magkasama sila sa grupo pagkatapos ay na-link din sila sa iisang babae?

Ayon kay Rayver, “Hindi naman.

"Iyon yung okay kay Gerald at okay rin sa akin, kasi hindi namin ginagawang conflict yung mga past or sino man ang naging karelasyon.

“Wala tayong magagawa, e, lalo na dito sa industry, na yung dumaan na sa atin parang….

“Pero no choice ka, e, kasi ang liit lang ng mundo natin. Kayo-kayo ang magkikita-kita, kayo-kayo ang magkaka-inlaban.

“Matagal nang sinabi ‘yan ng mga artista na hangga’t maaari, kung maiiwasan, maiiwasan.

"Pero siyempre, hindi mo mapipigilan ang sarili mo na magmahal sa isang tao.”



FAMILY ISSUES. Tungkol naman sa pinagdaanang kontrobersiya ng kanyang pinsan na si Sunshine Cruz, alam daw ni Rayver ang nangyari sa itinuturing niyang ate.

“Siguro masasabi ko lang, nandito lang kaming family niya para sa kanya.

"Nandito kami nakasuporta kung ano ang yung mangyayari.

“Si Ate Shine kasi, medyo malayo yung agwat sa akin… actually hindi, e [nagkakausap], minsan lang sa text, sa Instagram, pero hindi yung para pag-usapan namin kung ano ang pinagdadaanan niya.

“Ayoko na rin simulan dahil baka okay na siya at baka lang ma-trigger siya.

“Basta, dito lang kami.”

Paano kaya kung magkita sila ni Cesar Montano?

“Okay naman kami ni Kuya Buboy [Cesar], e—lagi kaming magka-basketball.

"Pero matagal na kaming hindi naglalaro together, close rin naman ako sa kanya.

“Yun na nga, ayokong mag-take sides kahit pinsan ko si Ate Shine. Hindi naman natin alam kung ano yung pinanggalingan or pinagdadaanang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, pabayaan na lang natin sila.”

Pagdating naman sa isa pa niyang pinsan na si Geneva Cruz, na engaged to be married sa isang non-showbiz guy, masaya naman daw si Rayver para sa singer-performer.

“Sobrang masaya ako sa kanya, nakikita ko yung mga Instagram photos niya na sobrang happy siya.

“And lagi kong kasama yung daddy niya. Sobrang happy rin yung daddy niya para sa kanya.

"So, mukhang in love na in love naman.”

Ayon kay Rayver, nakakasama lang niya ang dalawa niyang nabanggit na mga pinsan sa mga reunion nilang mga Cruz.

“Hindi naman sa sinasabing hindi kami sobrang close, pero ang layo kasi ng age gap namin.

“Parang ang naging close ko, yung mga pinsan kong naging kasing-edad ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN