Benjamin Alves maintains he and beauty queen Janine Tugonon are just friends

Sa bagong teleserye ni Benjamin Alves na Katipunan, kailangan daw niyang pagbutihin lalo ang pagsasalita ng Tagalog. Sabi niya, “Malalalim kasi ang mga dialogues since it is a period drama. I want to learn how to deliver my dialogues without the American twang.”


Huling napanood si Benjamin Alves sa afternoon drama series na Unforgettable.

Pagkatapos niyang mapahinga ng matagal, magsisimula na siyang mag-taping para sa bagong original series ng GMA News TV na Katipunan.

Ang Katipunan ang ikatlong original series ng Kapuso network news channel.

Nauna na rito ang Bayan Ko na pinagbidahan ni Rocco Nacino, at ikalawa ang kasalukuyang umeereng Titser na pinagbibidahan naman ni Lovi Poe.

Makakasama ni Benjamin sa Katipunan sina Dominic Roco at Sid Lucero, na siyang gaganap bilang Andres Bonifacio.

Sabi ni Benjamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m very happy to be part of this project.

“It’s an eight-part documentary-drama that will focus on the life of one of our heroes, Andres Bonifacio, during the Philippine Revolution and how he founded the Katipunan.

“This is one of the biggest projects I will be a part of and I am proud to be part of television history.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin via direct messaging sa Twitter.



AUDITION. Bukod sa Katipunan, naging abala rin si Benjamin sa kanyang pag-audition para sa isang bagong indie film.

Saad niya, “I’ve just auditioned for an indie film and hopefully I get the part.

“I really want to focus on my acting a lot kaya hindi tayo nagpapabaya.

“I take up acting workshops, lalo na when I have a project coming up.

“Tulad nga nitong Katipunan, I want to learn how to deliver the Tagalog lines perfectly.

“Malalalim daw kasi ang mga dialogues since it is a period drama. I want to learn how to deliver my dialogues without the American twang.

“I want to give a good performance in every project na ibigay sa akin, kaya tuluy-tuloy lang ang pagsusumikap natin.”

Ang Katipunan ay isasabay sa 150th birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio. Mula ito sa panulat ni Suzette Doctolero, na nakilala sa kanyang period teleseryes tulad ng Amaya at Indio at sa telefantasya na Encantadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang University of the Philippines history professor na si Dr. Zeus Salazar at ang kanyang staff ang nag-provide ng research tungkol sa istorya ni Bonifacio.



THEATER RUN. Nabanggit din ni Benjamin na ang kanyang indie film na Sana Dati, with Lovi Poe and Paulo Avelino, ay magkakaroon ng commercial release simula sa September 25.

Nanalo ng walong awards sa Director’s Showcase category ng 9thCinemalaya Independent Film Festival ang Sana Dati na mula sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

Sabi ni Benjamin, “We are all excited and grateful that we are given a chance to showcase the movie to a wider audience.

“Very proud kami sa ginawa naming movie na ito. It was unexpected that Sana Dati would win so many awards.

“It only goes to show na kahit simple lang ang kuwento, marami ang magkakagusto at makaka-relate.

“It’s amazing that something so simple can be so great.

“Kaya masaya kami na mas marami ang makakapanood na nito when it opens on September 25 sa mga local movie theaters natin.”



UNCLE PIOLO PASCUAL. Naikuwento rin ni Benjamin na hindi niya pinalagpas panoorin ang pelikula ng kanyang uncle na si Piolo Pascual, ang OTJ (On the Job).

Ang OTJ ay naging entry sa Directors’ Fortnight ng Cannes Film Festival 2013 sa France.

Nanalo rin itong best film sa Puchon International Fantastic Film Festival in South Korea.

“As I have expressed on Twitter, ang galing ng OTJ!” pagmamalaki ni Benjamin.

“I really have to congratulate the whole cast and crew for a great movie, sana makagawa pa tayo ng mga ganitong klaseng movie.

“If given the chance to do a film like this, bakit ko naman tatanggihan, di ba?

“Lalo na if it’s going to get rave reviews from international film critics and maimbitahan sa iba’t ibang film festivals abroad—worth it lahat ng mga hirap ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOVELIFE. Kailan lang ay na-link si Benjamin sa beauty queen na si Janine Tugonon.

Pero diin ni Benjamin, magkaibigan lang sila ni Janine.

“I think Janine and I would be wise to remain friends, as we have always been from the start.

“We still go to the same church [Victory] and may constant communication kami since we have the same management office [Mercator].

“But Janine kasi has other plans… she’s planning to move to the U.S. kaya it’s better that we keep our friendship.

“I wish her well and have no doubt she’ll succeed whatever plans she makes for herself in a different country.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN