Benjie Paras shrugs off negative comments from the public over estranged relationship of his sons with Jackie Forster

“Well, may mga bagay lang po na hindi nila masasabi, may mga nangyari. May mga incident na nangyari, nag-trigger lang po... Yun po, yun po ang sinasabi ko na we decided not to open it up to the public,” pahayag ni Benjie Paras tungkol sa hindi pa rin pagtanggap ng mga anak niyang sina Andre at Kobe sa kanilang tunay na ina na si Jackie Forster.


Aminado si Benjie Paras na mas open ang kanyang mga anak na sina Andre at Kobe sa kanilang stepmom na si Lyxen Diomampo pagdating sa usapin tungkol sa mga babae.

“Well, yes, actually, they are more open with my wife right now. Mas open sila dun,” sabi ni Benjie sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo, September 1.

Bakit mas open sina Andre at Kobe sa kanilang stepmother kesa sa kanya pagdating sa babae?

“Makulit ako, e, alaskador ako,” sagot ng PBA player turned comedian.

Sina Andre at Kobe ay mga anak ni Benjie sa dati niyang asawa na si Jackie Forster, samantalang may dalawa na rin silang anak na lalaki ng second wife niyang si Lyxen.

Kumusta ang relasyon nina Andre at Kobe sa kanilang mga kapatid?

Ayon kay Benjie, “Ay, naku, ang gulo namin!

"Dahil yung dalawang anak ko rin, 4 and 2, mga lalaki. So, imadyinin mo na lang, lima kami [na lalaki].

"Kaya nga yung misis ko, kapag nagagalit sa amin, ’Ano ba kayo, lima kayo! Lima kayong pinapalaki ko!’

“Sabi ko, ’Bakit lima?’

"’Kasama ka, promotor ka, e!’

“Ang maganda lang dun, nagkakasundo sila.

"Yung isang anak ko kasi, yung panganay [Andre], nagda-drive na. Minsan, siya ang sumusundo sa mga bunso niyang kapatid.”

May napapansin ba siyang sibling rivalry sa kanyang mga anak?

“Sibling rivalry, wala," sagot ni Benjie.

"Pero yung nagkakapikunan dahil makulit yung isa minsan, meron. Hindi maiwasan.

"Pero grabe sila ka-supportive sa isa’t isa.”

Hini-hero worship ba siya ng mga anak niya?

Ayon kay Benjie, “Well, hindi nila sinasabi, pero naririnig ko lang.

"Kasi, every time na meron silang homework, nakikita ko, ’Who do you look up to? Sino ang favorite ano mo?... nandoon ang pangalan.”

ISSUE WITH JACKIE. Pagkatapos nito ay diretsuhang tinanong ni Boy si Benjie tungkol sa isyu ng kanyang dating asawa na si Jackie at ng dalawa nilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang gusto niyang sabihin sa usaping ito?

“Well, ang sa akin lang po, ang pinaka-importante sa akin, masaya po kami ng mga anak ko. Alam namin ang totoo.

"Marami pong negative comments, pero alam namin ang totoo.

"And we decided not to comment anymore or to say anything dahil hahaba lang po.

“So, yung iba po kasi, hindi naman naiintindihan.”

Noong maliliit pa ang mga anak nina Benjie at Jackie, may relasyon ang mga ito sa kanilang ina. Ano ang nangyari?

Saad ni Benjie, “Siguro dumating po yung time na nangyayari sa buhay ng mag-asawang naghihiwalay, dumarating ang time na mari-realize mo na you’re not meant for each other.”

Paano naapektuhan ang mga anak niya from a good relationship to a strange relationship?

“Ako po ang naapektuhan, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila.

"Pero, sa awa po naman ng Diyos, naging matibay ang mga bata, naintindihan nila.

“Ang naging affected dito, si Andre, because he saw everything.

"Si Kobe kasi, bata pa. Until now, halos wala siyang matandaan.”

Bakit ayaw nina Andre at Kobe sa kanilang ina?

Sabi ni Benjie, “Well, may mga bagay lang po na hindi nila masasabi, may mga nangyari. May mga incident na nangyari, nag-trigger lang po.”

Masyadong personal na mga insidente?

“Yun po, yun po ang sinasabi ko na we decided not to open it up to the public.”

Hindi ba nila tinuturuan ng kanyang asawa ngayon ang mga bata na lumayo sa kanilang ina?

“Ay, hindi po, ang sinasabi ko lang kasi, hindi po lahat ng oras ang magulang ang nasusunod lagi sa pagpapalaki ng mga anak.

"Kailangan pong pakinggan natin ang mga anak natin. And, ako po, ganoon po ako.

“From the start, pinapakinggan ko po sila. And, doon ko po bine-base kung ano ang gagawin.

"So, ang nangyari po, nag-decide po sila na hindi po sila pupunta doon. Hindi po sila sasama and nirespeto ko na lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At sinasabi ko lang na, ’Huwag ninyong isarado ang pinto dahil darating ang time na male-let go n’yo ito at maaayos ang lahat.’

"So, palaging yun po ang sinasabi namin.”

PROTECTIVE STEPSONS. Sinang-ayunan ni Benjie ang obserbasyon ng ilan na very protective ang dalawa niyang anak kay Jackie sa kanilang stepmom na si Lyxen.

Sabi niya, “Lumaki na po sila dun. Since yung wife ko ang nag-alaga sa kanila.

"Kapag may trabaho po ako, sila ang sumasama sa kanila.

"Yung wife ko ang nagtuturo sa kanila kapag may homework sila, kapag may mga problema sila.

"Mas nauunang nakakaalam ang wife ko.”

Aware ba siya kung ano ang sinasabi ng misis niya tungkol sa relasyon nina Andre at Kobe sa kanilang tunay na ina?

“Opo, kami po,” sagot ni Benjie.

Napag-uusapan ba nila ang pagpapatawad?

“Oh, yes, ang sinasabi po namin sa kanila, yun nga, ’Huwag ninyong isasara ang pinto.’

"As of now, diyan lang kayo. May sama ng loob, natural po yun. Pero, kalalakihan niyo po yun.”

Humihingi na ng tawad si Jackie sa kanyang mga anak. Ano ang masasabi ni Benjie dito?

“Siguro po it’s between her and my kids. Wala na po kaming kinalaman dun.

"Kung anuman ang desisyon na narinig niya mula sa mga bata, ang maganda po sana, just respect the decision of my kids—our kids.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN