Rich Asuncion on going into relationships: “Marami pang panahon para diyan.”

Umaasa si Rich Asuncion na makagawa pa siya ng indie films at gumanap sa iba’t ibang klaseng roles. Aniya, “Magaganda kasi ang mga stories ng mga indie films at kakaiba siya. Gusto kong ma-experience lahat ‘yan sa tamang panahon.”


Malungkot ang buong cast at crew ng early primetime series ng GMA-7 na Binoy Henyo dahil matatapos na ito sa September 20.

Isa sa mga naging emosyunal sa nalalapit na pagtatapos ng Binoy Henyo ay si Rich Asuncion.

Gumaganap si Rich bilang si Teacher Josie, ang masungit ngunit mapagmahal na guro ng bidang si Binoy.

Mami-miss daw ni Rich ang child stars sa show dahil ito raw ang parating kasama niya sa mga eksena niya.

Kahit sinabihan na raw sila sa umpisa pa lang na good for nine weeks lang ang show, pakiramdam nila ay higit pa sa three months ang pinagsamahan nila dahil sa kanilang magandang samahan.

Saad ni Rich “Una ko talagang mami-miss ay ang mga bagets.

“Kasi since noong magsimula kami mag-taping, ang mga bata na ang nakakasama ko.

“Feeling ko nga, teacher na nila ako talaga.

"Kapag may nagkakamali sa kanila, nagtatawanan lang kami. Nandiyan din yung nakikipagkulitan sila sa akin.

"So, hanggang sa huling taping namin, mga bata pa rin ang mga kasama ko.

“But of course, mami-miss ko sina Tita Nova [Villa], si Sheena [Halili], at ang ibang cast at staff na naging close na sa akin.

“Kapag nasa set kasi kami, walang dull moment, lagi kaming nagtsi-chikahan.

“Hindi namin namamalayan na ang dami na pala naming natatapos na mga eksena.”



EX-BOYFRIEND. Mami-miss din ba niya ang kanyang ex-boyfriend na si Ervic Vijandre since sila magkapareha sa Binoy Henyo?

“Si Ervic pa rin talaga?” natatawang sabi ni Rich.

“Okay naman na kami ni Ervic. At first, I will admit na medyo awkward kaming dalawa sa isa’t isa.

“Nandoon yung nagkakailangan kami sa first few days ng taping namin. Pero hindi ko naman siya dinededma, civil naman ako sa kanya.

“Habang tumatagal ang pagtatrabaho namin, nawala na rin yung ilangan namin sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya mas naging okay ang pakikipagtrabaho namin.

“Siyempre, kasama rin siya sa mga taong nami-miss kong makatrabaho.”



WISH FULFILLED. Ayon kay Rich, napagsasabay niya ang trabaho sa TV at ang kanyang pag-aaral ng kursong Tourism sa University of the Philippines.

“Actually, may one to two years pa naman ako sa Tourism course ko, pero this early ay inaayos na rin namin yung yearbook.

“Siyempre, masaya ako kasi malapit na rin matupad ang pangarap ko at ng parents ko na makatapos ako ng pag-aaral kahit na in between ay nagtatrabaho ako.

“Ipinangako ko naman sa sarili ko na kahit anong mangyari, tuluy-tuloy lang ang studies ko.

“Kaya nakakatuwang isipin na konti na lang at mararanasan ko nang umakyat ng stage para matanggap ang diploma ko.”



INDIE MOVIE. Sa pagiging abala ni Rich sa Binoy Henyo at sa pag-aaral, naisingit pa niyang magawa ang indie film na Lauriana.

Kasama ang Lauriana bilang entry sa Sineng Pambansa National Film Festival 2013: All Masters Edition ngayong September. Mula ito sa direksiyon ni Mel Chionglo.

Kasama ni Rich dito sina Allen Dizon at Bangs Garcia.

Sabi ni Rich, “Natuwa naman ako na isinama ako sa cast ng Lauriana.

“I play the wife of Allen Dizon na isang sundalo, pero magkakaroon siya ng relasyon with Bangs Garcia who plays a dancer sa isang club sa probinsiya.

“Maraming mga magugulat sa pelikulang ito kaya hindi nila dapat ma-miss—daring pareho sila Allen at Bangs sa mga eksena nila.”

Umaasa si Rich na mas marami pa siyang indie films na gawin at kapag handa na siya ay iba’t ibang roles ang kanyang magampanan.

Aniya, “Isa ‘yan sa mga goals natin, paisa-isa muna tayo.

“Kapag natapos na tayo sa school, puwede na tayo mag-full time sa paggawa ng indie films.

“Magaganda kasi ang stories ng mga indie films at kakaiba siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong ma-experience lahat ‘yan sa tamang panahon.”

Walang karelasyon si Rich ngayon at desisyon daw niya iyon para hindi siya mawala sa concentration niya sa work at school.

“Mahirap pagsabayin ang maraming bagay, kailangan balanse lang.

“Mas importante sa akin ang school at ang trabaho.

“Tsaka na lang muna ang pakikipagrelasyon dahil marami pang panahon para diyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN