Derrick Monasterio on chances of Barbie Forteza falling for him: “Siguro mga fifty percent.”

May mga paraan daw si Derrick Monasterio para mapalapit lalo sa ka-loveteam niyang si Barbie Forteza. Sabi niya, “Kung kailangan niya ng kasama, kung bad trip siya, pasasayahin mo siya, siyempre—mga simpleng banat na ganoon.”


Patuloy ang mataas na rating na naitatala ng primetime series ng GMA-7 na Anna KareNina, kung saan kasama sa cast si Derrick Monasterio.

Dahil dito, mas nagiging inspirado raw sa kanilang trabaho ang lahat ng bahagi ng programa.

Sabi ni Derrick nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, September 1, “Nagpapasalamat po ako sa mga sumusuporta sa amin.

“Hindi po magiging successful ang show kung hindi dahil sa mga nanonood, e.

"At marami pa po silang aabangan. Mas magiging intense yung takbo ng story, kasi matatapos na rin po kami, e.

“Sinu-shoot na po namin yung week 14 namin at mas kaabang-abang yung mga susunod na episode hanggang sa dulo na.

“Marami po kasing mangyayari doon sa tatlong Anna KarenNina, lalo na kay Karen [Barbie Forteza] na siyang ka-loveteam ko.”



SPECIAL FRIENDSHIP. Ikalawang pagtatambal na nina Derrick at Barbie ang Anna KareNina at dahil dito, mas naging close pa raw sila as friends.

Ani Derrick, “Everytime na magkikita kami, yung samahan namin bilang magkaibigan, parang… getting stronger. Ganoon.

“Stronger ang bonding namin at saka lagi kaming masaya kapag kasama ang isa’t isa. Good times lagi.

"Kumbaga, kapag may problema kami, we text each other, tapos nagiging okay na kami.”

Lumalalim na ba at nagiging special ang friendship nila?

“Malalim naman po talaga, e, medyo matagal na,” sabay ngiti ni Derrick.

“Malalim naman po talaga ang samahan namin ni Barbie, e, yung friendship namin.”



FOR REAL. Karamihan sa kanilang fans ay umaasang mauuwi sa totohanan ang kanilang tambalan. Ano ang masasabi ni Derrick dito?

“Sa akin, okay lang, kasi single naman po ako, single din siya!” sabay tawa niya.

“At saka kami naman po yung loveteam ngayon.

“Pero siguro, as of now, mas magandang mag-focus muna po kami sa career.”

Hindi kaya pinapakiramdaman muna niya si Barbie kaya hindi pa siya makabuwelo na manligaw dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A… oo. Siyempre!

“Kailangan po yun, kasi malay ninyo, hindi pala kayo type!” tawa na naman niya.

So, takot siyang mabasted?

“Oo! Opo, medyo,” natawang pag-amin ng young actor.

Sa napapakiramdaman ni Derrick, ano ang tsansa niya kay Barbie kapag nanligaw siya rito?

“Feeling ko…. siguro mga fifty percent.”



LOVING WAYS. Ano ba ang ginagawa niya para mas lalong mapalapit kay Barbie?

“Ipinapakita ko lang po yung totoong ako, at saka by always being there for her.

“Kung kailangan niya ng kasama, kung bad trip siya, pasasayahin mo siya, siyempre. Ganoon.

“Mga simpleng banat na ganoon.”

Ano ba yung madalas niyang gawin na nakakapagpangiti o nakakapagpasaya kay Barbie?

“Pagkain! Mahilig kasi siya sa mga sweets gaya ng cupcakes—favorite niya yun.”

Yung pagbibigay ba niya ng sweets kay Barbie, parang sumisimbolo kung gaano niya kakakayaning maging sweet sa young actress?

“Barbie is a very sweet person din naman kasi,” sabi ni Derrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN