PEPtalk. Jake Cuenca and Joem Bascon talk about love scene in Lihis, one-night stand, drinking and drugs, and girls

Jake and Joem admitted to feeling scared before doing their love scene.

But Jake kept on telling himself, “We’re actors, so it’s part of the job."

Jake and Joem on PEPtalk part 1


Binisita ng Lihis stars Jake Cuenca and Joem Bascon ang set ng PEPtalk.

Ang akala nilang usapan tungkol lamang sa kanilang bagong pelikula ay nauwi sa isang matinding bukingan.

Hindi na nagpaawat ang mga hosts ng PEPtalk na sina Jocelyn Dimaculangan at Demai Granali, na ang bungad na tanong ay tungkol sa love scene ng dalawang aktor sa batis.

Paano ba nila pinaghandaan ito?

Pabirong sagot ni Jake, “Practice!”

Dugtong ng Kapamilya leading man, “Alam naman namin yung pinasukan namin, e.”

Sa parte naman ni Joem, inamin niyang medyo nagdalawang-isip siya nang i-offer ang role. Nagbago ang kanyang isip pagkatapos basahin ang script at nakitang maganda ang istorya.

Ang sagot niya sa tanong, “Hindi namin siya iko-consider na sex scene, e. Love scene siya, talagang nagmamahalan kasi yung tao, e."

Maganda man ang kinalabasan ng pelikula na idinerek ni Joel Lamangan ay nakaramdam pa rin daw ng takot ang dalawa.

Inisip na lang ni Jake, “We’re actors, so it’s part of the job.”

Umabot daw sa halos isang buong araw ang shoot para sa kanilang love scene, na kinuhaan ang bawat anggulo nito.

Pagkatapos, saka na nagsimula ang bukingan tungkol sa mga usual issues na ibinabato sa mga hunk actors na gaya nila— one-night stand, drinking and drugs, gay benefactors, at iba pa sa #JakeandJoemonPEPtalk!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN