Eugene Domingo on "Rough Diamond Star" title: "Talaga namang pipinuhin pa ako."

Sa muling pagsasama nila sa pelikula, mas hinangaan daw ni Eugene Domingo si Maricel Soriano dahil sa mga pinagdaanan nito. Sabi ni Eugene tungkol kay Maricel, “Sa totoo lang, mas hinangaan ko siya ngayon, because we cannot deny the fact that she went through ups and downs. And I really admire her. Mas lalo akong naging tagahanga niya ngayon. Kasi nakita ko ang tibay ng isang totoong artista na katulad ni Maricel Soriano."


Masaya si Eugene Domingo na ang comeback movie ni Maricel Soriano ay ang pelikula nilang Momzillas.

First time nila itong pagsasama sa isang proyekto na idinirek ni Wenn Deramas para sa Viva Films at Star Cinema.

“Napakaaga kung dumating si Maricel sa set. Nauuna pa siya sa tent. Nasasaksihan niya ang pagtatayo nito!” natatawang papuri ni Eugene sa professionalism ni Maricel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Eugene sa presscon ng kanilang pelikula kahapon, Tuesday, September 3, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Dati nang magkakilala sina Eugene at Maricel, kahit noong mga panahong supporting roles pa lang ang ginagampanan ng una. Huli silang nagkasama sa pelikulang Bahay Kubo (2008).

Ngayong nagbibida na si Eugene, how was it working with the Diamond Star?

Tugon niya, “Sa totoo lang, mas hinangaan ko siya ngayon, because we cannot deny the fact that she went through ups and downs.

“And I really admire her. Mas lalo akong naging tagahanga niya ngayon.

"Kasi nakita ko ang tibay ng isang totoong artista na katulad ni Maricel Soriano.

“And kumbaga, ang paghanga ko sa kanya ay hindi natapos. Dahil alam naman nating magaling siya sa drama, magaling siya sa comedy... lahat-lahat na.

“If you really get to know her, isa lang ang gusto niyang gawin sa buhay niya—ang mapaligaya ang lahat ng manonood.”

ROUGH DIAMOND STAR. Kung Diamond Star ang bansag kay Maricel, tinatawag naman si Eugene ngayong "Rough Diamond Star." Okey ba ito sa kanya?

“Gusto ko yung Rough Diamond Star,” nangiting sabi ni Eugene.

“Kasi yung Rough Diamond, pipinuhin mo pa.

“E, talaga namang pipinuhin pa ako. Dahil kumpara naman sa karanasan ng Diamond Star na 184 years na sa business, walang-wala naman ako!” biro pa niya.

“Dyusko! Susmaryosep! Sa personal man o sa karera, grabe na ang pinagdaanan ng isang Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sa bawat araw… actually sa bawat pagkakataon na kami ay mag-uusap, tulala lang ako sa kanya.

“Iniisip ko, napakatibay ng babaeng ito! Hindi natutumba! Dating kundoktora!” humahalakhak na pagbibiro ulit niya.

“Ang tibay. Ang tapang.

“Ang sabi ko nga sa kanya, ’With all the... whatever intrigues or whatever people say about you, you continue to keep your silence. And that’s what makes you a real Diamond Star.’”

PERFECT BLENDING. Natutuwa rin daw si Eugene na maganda ang naging rapport nila ni Maricel habang sinu-shoot ang kanilang pelikula. Swak sila sa isa’t isa, kumbaga.

“With Maricel, napakaganda ng blending. Tinginan pa lang o galaw ng katawan.

“Kumbaga, iba ang kanyang flavor, yung kanyang tono, yung boses niya.

“Kung paano siya magbitaw ng linya, e, kabisadong-kabisado natin. At gustung-gusto natin.

“So Direk Wenn gave as the freedom to be spontaneous.

"And every now and then, Maricel and I, we surprise each other.

“Sometimes, nahuhuli nga kami ng reaction, na action na, ’Narinig mo? E, bakit pa tayo nagtatawanan?’

“Kasi pinagtatawanan namin yung aming gagawin sana.

“Pagdating naman ng eksena, ganito pa rin ang lalabas.

“Pagkatapos, sasabihin ni Direk, ’O, pack-up na!’

“’Ha? Pack-up na? Gano’n lang? Pack-up na?’” natatawang kuwento ni Eugene.

Hindi nga raw nila namalayan ang pagtakbo ng kanilang shooting days. Na sa bandang dulo, nagulat na lang daw sila na tapos na pala nilang gawin ang pelikula.

Sabi ni Eugene, “Sa sobrang saya namin sa set.

“At sa araw-araw na shooting namin, ang bungad lagi niya sa akin, ’Hindi mo ba ako na-miss?’

“Gano’n siya. Para kaming magkaklase sa eskuwelahan.”

Suko raw siya sa kadaldalan ni Maricel.

“Kahit sabihin mong ’quiet na tayo,’ daldal pa rin siya nang daldal! Gusto niya, laging magdadaldalan kayo.

“Siyempre minsan, inaantok ka na rin, ‘no?” tawa ulit ni Eugene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sige pa rin siya. Talk show… talk show… talk show!

“Sabi ko, ’Wala siguro itong kausap sa bahay niya!’

“Maya-maya, nalaman ko, wala nga! Yung aso lang niya! Iyon lang ang kanyang kausap.

“Pero hindi ko gustong baguhin niya yung kadaldalan niya. Ano lang… kumbaga, mag-pause lang.

“Kasi nakakaaliw rin, e. Nakakaaliw talaga."

Patuloy ni Eugene, “Gustung-gusto ko naman sa pagiging artista niya, yung malasakit sa co-actor at saka yung respeto.

"Hindi nawawala sa kanya yung respeto, kahit saan pa siya makarating.

“Yung kanyang estado na… siya na nga yung Diamond Star. Yung respeto niya sa co-actor niya, kesehodang bit player o sa main cast, may respeto.”

May mga nagsasabi na si Maricel talaga kung tutuusin ang original na "Comedy Queen." Pangarap din kaya ni Eugene na mabansagan ng ganung titulo?

Sagot niya, “Hindi... wala po akong titulo na gusto.

“Sa panahon ngayon, yung mga titulo minsan, nayayanig!

“Ang gusto ko sana e patuloy lang akong magkaroon ng pagkakataon na makasama sa pelikula yung mga katulad ni Maricel Soriano.

"Kasi maraming-marami akong natututunan sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN