Kris Bernal denies that GMA-7 kept her from having relationship with Carl Guevara: “No, hindi, bakit naman si Aljur, di ba?”

Kung hindi lamang sa Prinsesa Ng Buhay Ko, handa na sanang gumawa ng isang mature at daring na indie film si Kris Bernal. Sabi niya, “Puwede naman. Sabi ko naman, ready naman ako anytime, hindi naman yung paseksi, pero mas mature kumbaga.”


Siyam na buwan nabakante si Kris Bernal sa paggawa ng teleserye. Ang huling soap niya ay ang Coffee Prince noong isang taon pa.

Pero sa September 23 ay magpa-pilot na ang Prinsesa ng Buhay Ko, kung saan sila muli ni Aljur Abrenica ang bida. Ito ang papalit sa magtatapos nang Binoy Henyo.

Ano ba ang pakiramdam na pagkatapos ng siyam na buwan ay balik-taping siya?

Sabi ni Kris, “Happy, excited... Ang tagal kong hinintay, e, biruin mo, nine months yun.

“Tapos, ang pinagkakaabalahan ko lang, Party Pilipinas every Sunday lang. Nagbakasyon na ako, ang dami ko nang napuntahan. Yun.

“Pero pinaghandaan ko ito. Noong malaman kong papalapit na, hindi naman ako naging relax, nag-prepare rin naman ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kris sa pictorial ng Prinsesa Ng Buhay Ko sa Studio 7 ng GMA Network noong September 2.

Nanibago ba si Kris nang magbalik-taping siya?

“Nanibago,” pag-amin niya.

“Noong nag-taping ako, parang nagpahinga man ako, ang sipag ko rin namang mag-workshop, mag-acting workshop.”

Kapansin-pansin ang "ibang-iba na Kris Bernal" ngayon. Sang-ayon ba siya rito?

Pero natatawang sabi niya, “Huwag namang ibang-iba! Baka naman mapahiya ako. Ni-refresh ko lang kung paano ulit mag-taping.

“Tapos, si Direk Dondon [Santos] naman, talagang gina-guide niya ko.

“Inuulit namin kung mali ang emotion, tinuturuan niya ako kahit sa mga hitsura naming—lahat, tutok siya at saka magaling siya.”



SECOND CHOICE. Alam ni Kris na si Sarah Lahbati ang orihinal na gaganap sana sa karakter niya sa Prinsesa Ng Buhay Ko.

Biniro namin si Kris na kung aktibo pa rin si Sarah, baka hindi lang nine months siya nabakante.

Sabi naman niya, “Actually, matagal nang magsisimula ang Prinsesa Ng Buhay Ko, nagkaroon lang ng conflict sa endorsement ko.

“Kailangan lang hintayin na matapos ang endorsement na yun.”

Ang Prinsesa ng Buhay Ko ay kuwento ng isang Avon representative kung kaya kasabay ng paggawa niya ng teleserye ay naging endorser na rin siya ng naturang produkto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw kaso sa kanya kahit hindi pa siya ang orihinal na choice sa karakter niya bilang si Kate.

Aniya, “Kung para sa akin, para sa akin. Kung para sa kanya, para sa kanya.

“At least, ako yung napili, at least ako yung final choice.

“In fairness naman, maraming puwedeng gumanap sa role na ito.”



MATURE ROLES. Dahil din sa teleseryeng ito kung kaya’t kinailangang mag-backout ni Kris sa isang indie film, kung saan gaganap sana siya sa isang mapangahas na role.

Pagkatapos ba ng Prinsesa Ng Buhay Ko, handa na siyang sumabak sa more mature roles?

Sagot niya, “Puwede naman. Sabi ko naman, ready naman ako anytime.

"Hindi naman yung paseksi, pero mas mature kumbaga.

“Puwede naman, pero siyempre, hinihintay ko lang din ang GMA kung ano ang balak nila sa akin.

“Siyempre, sumusunod lang ako sa kanila, sila naman ang nakakaalam kung ano ang mas maganda para sa akin.”



BASHERS. Sila pa rin ni Aljur ang magkapareha sa bago nilang teleserye.

Naipapareha na si Kris at si Aljur sa iba, pero bumabalik-balik pa rin na sila ang magka-loveteam.

Kumusta naman ang kanilang balik-tambalan?

“Okay naman, ganoon pa rin,” nakangiting sabi ni Kris.

Nakikita na ba niyang posibleng may fans na magalit o mag-bash na naman sa kanya?

“Meron naman talaga, hindi naman nawawala yun.”

Ngayong mapapanood na naman sila, posibleng madagdagan pa?

“Posible, at sana maintindihan nila na nagtatrabaho lang ako at nagtatrabaho si Aljur.”

May pangba-bash na ba sa kanya na nasaktan siyang talaga?

Nag-isip muna si Kris sinabing, “Ang dami na rin, e.

“Minsan, nag-post ako sa Instagram ng paa ko, e, maugat yung paa ko.

“Aba, ang daming nang-aaway sa akin, kasi kadiri raw ang paa ko!

“Pero ang dami kasi, e, pero siyempre, may isang nangba-bash sa akin na may sinasabi na, ‘Nanay mo,’ parang, ‘Nanay mo, pokpok.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang alam naman niya ang nangyayari or may iba, may masabi lang—may ganoon kasi sila.

“Parang lahat, titingnan nila sa iyo. From head to toe, papansinin nila.”



STILL ON CARL GUEVARRA. Kahit na si Aljur ang kapareha ni Kris sa bago nilang teleserye, hindi pa rin maiwasan na tanungin si Kris tungkol kay Carl Guevara.

Binanggit din namin kay Kris na minsan nang umamin si Carl noon na "eight months" na sila.

Pero sabi ni Kris, “Baka naman eight months na magkaibigan.

“Teka nga, tawagan ko nga si Carl. Sabihin ko, ‘Uy, anong sinasabi mo?’”

Totoo bang si Carl ang naghatid at sumundo sa kanya noong pumunta siya sa Europe?

Tugon ng dalaga, “Oo, wala namang mali doon, e.

“Nililigawan niyaa ko, pero parang hindi na ligaw—nae-enjoy namin na magkasama.

“Kapag umaalis naman kami, hindi lang naman kaming dalawa lang. Nandiyan ang mga kapatid ko, nandiyan ang mga common friends namin."

Pinagbabawalan ba siya ng GMA-7 na umamin tungkol sa relasyon nila ni Carl?

“No, hindi, bakit naman si Aljur, di ba?” sagot ni Kris.

Nagkataon naman nang makausap ng PEP si Kris ay mismong araw rin ng kaarawan ni Carl.

Sabi ni Kris, “Niyayaya niya kong mag-dinner kasama ang family niya, kaso may taping pa ako after this, Bubble Gang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN