Zia Quizon wants her own identity: “Hindi yung every time na makikita ka, sasabihin anak ni Dolphy at Zsa Zsa and kapatid ni Karylle.”

Kaila sa karamihan, magkakasamang nagko-concert minsan ang mag-iinang Zsa Zsa Padilla, Zia Quizon, at Karylle. Kuwento ni Zia, “Meron na kaming concerts na magkakasama pero mostly sa abroad to entertain some OFWs there… We have our own styles and personalities while performing, kaya sana mapanood din yun ng mga kababayan natin dito sa Pilipinas.”


Bukod sa pagkanta ay hindi naman daw isinasara ni Zia Quizon ang posibilidad na umarte siya sa telebisyon at pelikula.

Pero kung mapadpad man siya sa pag-arte, kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), gusto niyang subukan muna ang isang musical.

Ito raw ay sa dahilang wala talaga siyang experience sa purong acting, ngunit meron siyang nalalaman sa pagkanta.

“Kahit nga sa school, mag-play nang ganoon, mas talagang music talaga ako 100 percent. Pero baka sa musical, since musically inclined naman ako, baka puwedeng umarte rin naman doon, di ba?" ani Zia.

Ganunpaman, sigurado raw siyang kakailanganin niyang paghandaan nang husto ang pag-arte.

“Di ko pa po kasi nata-try, kahit sabihin nila na nasa dugo naman. Baka kasi ilang workshops pa ang kailangan bago ako matuto umarte!” tawa niya.

“Ayoko naman kasi mag-close ng door sa possibility na baka nga dumating yung time na aarte rin ako katulad ng ate, mommy, at daddy ko.

“Let’s see, tingnan na lang natin. Baka, who knows, di ba, one of these days, nasa acting na rin ako?

“Kasi, kuwento ng mommy ko at ate ko, ganoon din sila noong nagsisimula pa lang, mas gusto nilang kumanta lang more than acting or hosting.

“Pero pagtagal-tagal, sinubukan din nila nag-hosting at acting, that’s why ayoko magsalita nang patapos.

“Pero right now, singing lang siguro muna ako naka-focus, katulad right now, I’m promoting my second album."


SECOND ALBUM. Sino ang nag-compose ng mga songs sa second album niya?

Aniya, “Four of them, ako yung nag-compose, and then yung iba, si Sir Jungee Marcelo. Siya rin yung nagsulat noong first single ko, yung ’Ako Na Lang.’

“Then, si Sir Kiko Salazar, he wrote me a song. Tapos, dalawang revival lang siya [album] out of ten songs, walo yung original.

“Bale ang title noong album ko is A Little Bit of Love, Zia Quizon under Poly East Records."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag nagko-compose si Zia ng songs, saan niya binabase yung mga kantang ginagawa niya?

Sagot niya, “When I compose songs, minsan base yun, pag feeling ko napupuno na ako, doon ko nilalabas sa pagsusulat ng kanta.

“Yung mga kanta, nasusulat ko about something or about lovelife, heartbroken, ganoon. Para malabas lang, kasi ayoko din kasi na masyado nagdu-dwell sa ganoong feeling.

“So yung ibang composition ko, I wrote din for Avon ad campaign, na included na rin siya kasi sa album ko. It’s a nice kind of light romantic song.”

Anong genre ng songs niya?

“Bale jazz yung genre ko. Happy nga ako kasi hindi ko akalain na makakapasok ako sa showbiz.

“Since iba nga yung kinakanta ko, which is jazz, hindi ko alam noon kung magugustuhan ng mga tao.

“Pero happy to say naman na nagustuhan nila, kaya I’m thankful sa mga taong nagugutuhan yung type of songs ko.”


SONG FOR DADDY. May na-compose na ba siya para sa daddy Dolphy niya?

“Wala pa, it’s hard, e, kasi lalo na pag medyo fresh pa yung wounds...

“Pero I’m sure, one day, it will be a big source of inspiration for me to compose songs for him.

“Kasi isa siyang big part of my life, and I’m taking care of him and things like that, so hopefully makagawa ako.”

Anong masasabi niya na malapit nang maging National Artist ang daddy Dolphy niya?

“Yun nga, it would be nice din na he will be recognized, pero he really felt the love of the Filipino people especially in his last couple of weeks and couple of months.

“Yun pa lang, parang award na for my dad, the love of the people sa kanya.”

FAMILY CONCERT. May plano ba siyang mag-concert with her mom Zsa Zsa and her ate Karylle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron na kaming concerts na magkakasama, pero mostly sa abroad to entertain some OFWs there.

“Pero, hopefully, madala na rin dito sa Pilipinas kahit provincial man lang muna, para yung mga kababayan naman natin dito sa Pilipinas ang makapanood.

“Makita nila kung anong show meron kaming tatlo pag magkakasama sa concert.

“Tsaka we have our own styles and personalities while performing, kaya sana, mapanood din yun ng mga kababayan natin dito sa Pilipinas.”

How about a solo concert?

“I had one. Thankfully, nakapanood yung dad ko before he passed away. I also have one this coming September 26, my birthday concert.

“Parang it’s a small tradition namin na, pag birthday, may concert na gaganapin sa Music Museum.”

Magiging guests ba ni Zia ang mommy at ate niya?

“Hopefully, pag she’s not tired that day, kasi busy din siya, pero I know she’ll be there, and, of course, my sister to support me.

“Gloc 9 also will gonna be there to perform with me, kasi meron kaming duet sa album ko ngayon na cool lang about anti-bullying.”

Ano naman ang birthday wish ni Zia?

“Ang birthday wish, mas family time, kasi medyo busy-bisihan din kami ngayon especially pag dumarating na ang ’ber’ months.

“Sana lang, magkaroon kami ng mas maraming oras sa family despite na medyo busy kami.”

Sino ang gusto niyang dumating sa concert niya?

“I guess yung ibang hindi pa nakakapunta o nakakanood ng concert ko, I guess yung iba nakakapanood lang ng ASAP or something.

“Hopefully, they watch my concert, they are the ones kasi na supporting me every time na nagpe-perform ako sa show.

“Yung gig kasi naming gagawin ngayon, yung event sa September 26 is something different, like big production numbers na napapanood nila sa ASAP.

“Basta, mag-e-enjoy sila when they come and watch the show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


OWN IDENTITY. Anong pakiramdam na nakikilala na siya bilang si Zia?

“Iyon din naman yung gusto ng bawat artist like me—na magkaroon ng sariling identity.

“Hindi yung every time na makikita ka, sasabihin anak ni Dolphy at Zsa Zsa and kapatid ni Karylle.

“So glad na hindi ganoon yung tingin ng tao sa akin, na anak lang ni ganoon ‘yan, kapatid lang ni ganoon.

“I’m glad na naa-appreciate nila yung ino-offer kong music and nakikilala nila ako bilang si Zia Quizon,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN