Ervic Vijandre on courting beauty queen Ariella Arida: "Worth it naman ang paghihintay ko."

" data-url="https://www.pep.ph/news/40212/ervic-vijandre-on-courting-beauty-queen-ariella-arida-worth-it-naman-ang-paghihintay-ko" data-desc="Ervic Vijandre wants his relationships to last: “Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e622ca32f.jpg">

Puro may katangkaran ang mga nauugnay kay Ervic Vijandre, maliban kay Marian Rivera. Paliwanag ni Ervic, “Hindi naman ako namimili ng height. Ang ano naman, ang pag-ibig, hindi mo naman alam kung saan mapi-feel yun, di ba?”

Hindi alam ni Ervic Vijandre na hanggang nine weeks lang nakaplano ang kanilang early primetime series sa GMA-7 na Binoy Henyo.

Ang final airing ng teleserye ay sa September 21.

Sabi ni Ervic nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 31 sa taping nila sa isang barangay hall sa Quezon City, “Actually, akala ko nga mag-e-extend kami kasi tumaas ang rating namin.

“Niloloko ko nga sila kasi lumaki yung role ko, dumami ang eksena ko.

“So, niloloko ko sila, ’Nakita ninyo na ang lucky charm ninyo!’ Pero joke lang naman.

“Sabi ng mga P.A. [production assistant] rito, sabi sa akin, ‘Lucky Charm, ikaw na ang kukunan.’

“Tapos, sinasabi nila, ‘O, ‘eto na ang charm mo na maging dramatic actor.’

“Kaya binibiro ko naman sila na, ‘Huwag ninyo nang pansinin ang arte ko, pansinin ninyo na lang ang pagkasuwerte ko sa show!’

“Actually, biru-biruan lang, pero nagkatotoo na umakyat daw talaga ang rating namin.

“So, siyempre, umaasa pa rin ako na ma-extend pa rin kami, at saka sobrang okay kami, ang bilis nga raw ng taping.

“At saka, sayang naman ang pagka-lucky charm ko!” biro pa rin niya.

EX GIRLFRIEND. Ang kapareha ni Ervic sa Binoy Henyo ay ang ex-girlfriend niyang si Rich Asuncion. Kumusta sila on-cam?

Tugon ni Ervic, “Okay naman kami ni Rich. Kung mapapansin ninyo, palagi kaming magkasama sa mga eksena.”

Off-cam, kumusta sila?

“Magkaiba kami ng tent, e, magkaiba ang babae at lalaki.”

Hindi ba sila nag-uusap?

“Nag-uusap naman kapag bago magkaeksena, ganyan... professional kami,” aniya.

Dahil marami pa rin ibinabatong tanong kay Ervic sa talagang nangyari sa kanila ni Rich, sinabi nitong nag-usap na silang dalawa.

“Napag-usapan namin ni Rich na huwag nang ungkatin ang mga ganyan, nag-usap na kami about that.

“Kasi, parang tinutukso rin kami rito sa taping, so para hindi maapektuhan ang trabaho, baka may lumabas pa, so huwag na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiilang ba silang dalawa kapag natutukso?

Tugon ni Ervic, “Hindi naman sa naiilang, pero parang siya ang napapahiya kapag natutukso.

“Yung paghihiwalay naman namin, okay naman, mutual naman ang paghihiwalay namin.”

Kapag nakikita niya si Rich ngayon, wala na talaga siyang nararamdaman?

Natatawang sagot niya, “Okay naman! Magkaibigan naman kami, bago pa naman mag-eleksyon kami naghiwalay.”

FRANK AND HONEST. Ang isang magandang katangian ni Ervic ay hindi siya nagtatago o nagde-deny kapag natatanong.

Tulad ng panliligaw niya kay Miss Universe Philippines 2013 na si Ariella Arida.

Sabi niya, “Nanliligaw pa rin, magsi-six months na this September at maghihintay talaga ako.”

Ang tiyaga pala niya?

“Worth it naman, worth it naman ang paghihintay ko.”

Binigyan na ba siya ng assurance?

“Hindi naman kailangan ng assurance, basta ako, ginagawa ko siya, gusto ko siya.”

Hindi rin naman itinanggi ni Ervic na plano niyang suportahan at panoorin si Ariella kapag lumaban na ito sa Miss Universe, na gaganapin sa November 9 sa Russia.

“Basta wala akong work at aayusin ko muna ang passport ko, kukuha ako ng visa.

“At saka, meron akong kaibigan sasama, kaya po.”

Masasabing malaki talaga ang pagmamahal niya kay Ariella para puntahan niya ito at suportahan hanggang sa Russia.

Sabi naman ni Ervic, “Kasi, yun nga ang sinabi ko, susuportahan ko siya.

“Kaya kung yung pag-cheer ko ang last na pagsuporta ko para sa pageant na ito, bakit hindi, di ba?

“At saka, first time ko yun kung sakali na makapanood ako ng international pageant.”

ALL BEAUTY QUEENS. Kung si Ariella ay nanalo sa Binibining Pilipinas, si Rich naman ay naging runner-up noong 2009. Mahilig ba talaga si Ervic sa mga beauty queen?

Nakangiting sabi ng aktor, “Nagkakataon lang siguro.

"Siyempre matangkad ako, parang mas bagay, parang ganoon.

“Sabi ko na nga ba, e! Parang alam ko ang ibabatong tanong sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Ervic ay ang ex-girlfriend niyang si Marian Rivera, na hindi kasing-tangkad ng ibang nauugnay sa kanya ngayon.

Paliwanag niya, “Hindi naman ako namimili ng height.

“Ang ano naman, ang pag-ibig, hindi mo naman alam kung saan mapi-feel yun, di ba?”

Nahigitan na ba ang pagmamahal niya noon kay Marian sa mga sumunod na nakarelasyon niya?

Ayon kay Ervic, “Kasi para sa akin, iba-ibang klase naman ang nagiging pagmamahal ko.

“At saka, hindi ko puwedeng i-compare kung paano kami ni Marian—iba-iba naman lagi.

“At saka ako, kapag nasa isang relationship, hindi ko kinu-compare.

“Pero siyempre, nandoon sa tao lang tayo.

“Maaalala mo, pero ako, pinipilit ko na iba naman ang atake ko.

“Siyempre, every relationship, mas nagiging better ako dahil sa mga naging experience ko.

“Yung kay Marian, hindi ko puwedeng i-compare, basta iba yun.”

Kapag meron naman daw siyang nililigawan, ang gusto raw niya hangga’t maaari ay yun na ang makakatuluyan niya.

“Siyempre, kapag may nililigawan ako, gusto ko sana, siya na, siya na ang last ko.

“Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.

“Hindi naman ako magmamahal para sabihin ko na hanggang five years lang tayo, one year lang tayo.

“Siyempre, yung gusto ko lagi, long-term, gusto ko, siya talaga.

“Actually, may nakita nga akong quote for her: ‘If she’s amazing, she won’t be easy. If she’s easy, she won’t be amazing. If she’s worth it, you won’t give up. If you give up, you’re not worthy. Truth is, everybody is going to hurt you. You just have to find the one’s worth suffering for.’"

Sa yumaong singer na si Bob Marley raw nakuha ni Ervic ang quote na ito.

" data-url="https://www.pep.ph/news/40212/ervic-vijandre-on-courting-beauty-queen-ariella-arida-worth-it-naman-ang-paghihintay-ko" data-desc="Ervic Vijandre wants his relationships to last: “Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e622ca32f.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40212/ervic-vijandre-on-courting-beauty-queen-ariella-arida-worth-it-naman-ang-paghihintay-ko" data-desc="Ervic Vijandre wants his relationships to last: “Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e622ca32f.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40212/ervic-vijandre-on-courting-beauty-queen-ariella-arida-worth-it-naman-ang-paghihintay-ko" data-desc="Ervic Vijandre wants his relationships to last: “Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e622ca32f.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40212/ervic-vijandre-on-courting-beauty-queen-ariella-arida-worth-it-naman-ang-paghihintay-ko" data-desc="Ervic Vijandre wants his relationships to last: “Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e622ca32f.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40212/ervic-vijandre-on-courting-beauty-queen-ariella-arida-worth-it-naman-ang-paghihintay-ko" data-desc="Ervic Vijandre wants his relationships to last: “Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e622ca32f.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40212/ervic-vijandre-on-courting-beauty-queen-ariella-arida-worth-it-naman-ang-paghihintay-ko" data-desc="Ervic Vijandre wants his relationships to last: “Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e622ca32f.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40212/ervic-vijandre-on-courting-beauty-queen-ariella-arida-worth-it-naman-ang-paghihintay-ko" data-desc="Ervic Vijandre wants his relationships to last: “Kapag nagmahal kasi ako, gusto ko, siya na talaga.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e622ca32f.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN