Gary Estrada receives Outstanding Local Legislator award; says PDAF abolition will adversely affect provincial projects

Re-elected Quezon board member Gary Estrada shares the dismay of taxpayers over the abuse of public funds or the ill-famed PDAF (Priority Development Assistance Fund) by top legislators. One the one hand, the Outstanding Local Legislator awardee, says that the abolition of the pork barrel, if approved, will adversely affect the impending projects in his district.


Sa kanyang ikalawang termino bilang provincial board member ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon, ginawaran ang actor-turned-politician na si Gary Estrada ng Outstanding Local Legislator award, Miyerkules ng umaga, September 4, sa Mandarin Oriental Hotel sa Makati City.

Kabilang si Gary sa anim na opisyales ng pamahalaan na tumanggap ng parangal ng Superbrands Marketing Inc.

Kabilang din dito sina Pangasinan Vice Mayor Earl James Aquino, La Union Councilor Joseph De Guzman, Batangas Vice Governor Jose Antonio “Marc” Leviste II, Masbate Vice Governor Vicente Homer Bajar Revil, at Catanduanes Vice Governor Jose “Bong” Joson-Teves Jr.

“It is an honor for me to receive this award,” masayang saad ni Gary sa isang panayam matapos ang awarding.

“At least, kahit papa’no, nakikita yung paghihirap na ginawa natin sa ating termino.

“Napapansin na, unti-unti, yung inyong paghihirap…

“Malaking karangalan talaga.”

Isang re-electionist si Gary noong nakaraang May mid-term elections, bagay na nagsasabing nakuha niya ang tiwala ng kanyang mga kababayan sa Quezon.

“Nakakatuwa nga po dahil sa dami po naming mambabatas ay umangat kahit papa’no yung mga accomplishment namin sa aming lalawigan,” dagdag pa nito.



PDAF. Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang usapan at diniretso na ng mga miyembro ng media si Gary ukol sa maaaring pagtanggal ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) at kung paano ito makakaapekto sa kanyang trabaho bilang board member.

Bagamat isa si Gary sa mga nadismayang Pilipino dahil sa pang-aabuso ng ilang mambabatas sa pork barrel fund, naniniwala ang actor-politician na mayroon ding ilang mabubuting proyektong nasuportahan ang PDAF.

Kabilang na rito ang four school buildings, 10 water supply systems, at five farm-to-market roads na naipatayo at makikita ngayon sa distritong nasasakupan ni Gary.

“Kung tatanggalin po natin ito, yung Priority Development Assistance Fund, ng bawat legislator na nakaupo ngayon, magkakaro’n po ng imbalance,” pagrarason nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man daw siya kokontra sa pagtanggal ng PDAF sakali mang itong ay maipatupad, malaking panghihinayang ang kanyang nararamdaman para sa maaaring maitulong nito sa mga proyekto.

“Kasi most of my projects are coming from that side of the funding of the government.

“May mga magandang naidulot rin naman po ang PDAF.

“Sa karamihan pong hindi nakakaalam, meron po tayong tinatawag na hard and soft projects. Ang masakit nga lang po talaga, yung soft project ay inaabuso.”

Ipinaliwanag pa ni Gary, “Mawawala na yung ibang proyekto na nahihingi natin sa mga senador at sa mga party list, sa mga congressman at sa aming congressman.

“So, malaking kakulangan ito sa amin. Kawawa naman yung aming distrito….

“Ang pondo po namin sa lalawigan ay hindi naman po sapat para ma-meet yung growing demands at growing population ng aming lalawigan.”

Parte ng trabaho ni Gary bilang Quezon board member ang humingi ng pondo sa mga senador, congressman, at mga partylist upang maisagawa ang mga proyekto.

“Siguro kaya rin nabigyan ng ganitong award, dahil yung mga pagsusumikap natin na namamalimos, kumbaga in our part, sa aking panunungkulan, aside from the resolutions, yung mga naipapasa natin, tayo po’y nagsikap.

“Ako po yung nanlimos sa mga kaibigan, mga kamag-anak, para tayo’y magkaroon ng mga proyekto.”



PROUD WIFE. Kasama ni Gary sa pagtanggap ng Outstanding Local Legislator Award ang kanyang asawa na si Bernadette Allyson.

Saksi si Bernadette sa mga proyektong naipatayo ng asawa.

Saad ng aktres, “Like what Gary said, his only projects are infrastructure projects. So nandun, makikita.

“Actually, lahat ng senator at lahat ng nahingan namin, lahat naman sila, ini-invite namin for the ribbon cutting.”

Ayon pa kay Bernadette, ang pondo para sa mga soft projects tulad ng mga medical mission ay nanggaling sa tulong na ibinibigay ng mga pribadong indibduwal kabilang ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapaliwanag ni Gary, “Yung mga medical mission, kami po kasi’y hindi humihingi ng ganyan, e

“Kumbaga, ito [Bernadette] kasi member ng Rotary Club. Dun ko na lang po hinihingi yung mga gamot.

“Medical mission, scholarship, umaabot kami sa ganun, sa puntong nanghihingi kami.

“Mas maraming kaibigan niya, mga classmate niya ang nahihingan para sa proyekto.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Gary sa suportang ibinibigay ng kanyang asawa.

“Nakakatuwa nga po kasi kami ay working tandem talaga,” banggit din nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN