Steven Silva reveals asking Diva Montelaba for "space"

Para raw sa ikabubuti ng career nila ni Diva Montelaba ang paghingi ni Steven Silva ng space sa kasintahan. Sabi ni Steven, “Ako, focus ako ngayon sa sarili ko: ano’ng kulang sa akin; ano ang kailangan kong gawin to do better in my work.”


Idiniin ni Steven Silva na hindi breakup ang nangyari sa kanila ni Diva Montelaba, kundi humingi siya ng space para makapag-focus sila sa kani-kanilang trabaho.

Nang imungkahi na cool-off ang nangyari sa kanila, sinabi ni Steven, “Hindi naman cool-off… space.”

Paliwanag pa ng StarStruck V Ultimate Male Survivor, “Kasi nung nag-start yung Akin Pa Rin Ang Bukas, si Diva, busy rin sa show nila, Maghihintay Pa Rin.

"So naisip ko siguro [kailangan namin ng] space.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Steven sa presscon ng Akin Pa Rin Ang Bukas noong nakaraang linggo.

Ano ang naging reaksiyon ni Diva nang humingi siya ng space?

Pag-amin ng binata, “Siyempre, medyo ayaw niya, e. It’s kinda hard.

"Hanggang ngayon nag-uusap pa rin kami.

"Syempre nagkikita rin kami every Sunday sa Sunday All Stars at hindi ko rin puwedeng sabihin na si Diva is not one of my close friends sa showbiz, sa buhay ko.”



IT’S WORTH IT. Kinumusta naman si Steven ngayong iba na ang set-up nila ni Diva, his girlfriend for two years.

“I think we’re doing okay. Right now, alam ko na naka-focus siya sa Maghihintay Pa Rin.

“Ako, focus din ako dito [Akin Pa Rin Ang Bukas] kasi medyo challenging.

"It’s really best we focus on what we’re doing,” sabi ni Steven.

Tinanong ng PEP si Steven kung sa tingin niya ay worth it ba ang paghingi miya ng space mula kay Diva.

“Sa tingin ko, oo, it’s for the best… it’s really for the best and we can really focus on what we’re doing.

“Ako, focus ako ngayon sa sarili ko: ano’ng kulang sa akin; ano ang kailangan kong gawin to do better in my work.”

Kuwento pa ni Steven, sa dami ng mga baguhang pumapasok sa showbiz ngayon, kailangan daw talaga niyang mag-focus upang mas maging mahusay siya sa kanyang karera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre laging pumapasok yung mga bagong artists, mga bagong talents. I can’t control [that].

"Ang mapo-focus ko talaga, yung kaya kong gawin, anything I can control, yun talaga ang focus ko.”



CHALLENGING ROLE. Sa Akin Pa Rin Ang Bukas, aminado si Steven na nahihirapan siya sa kanyang role bilang isang “kanto boy” at marami raw ang pumuna na hindi raw bagay sa kanya ang kanyang character.

“Kasi if ever pag nag-deliver ako ng lines sinasabi nila, ‘Ay, hindi dapat gano’n.’ Mas slang, mas bastos, pang-kanto boy, e.

“That’s really what I’m trying to learn, siyempre kung paano ko na-deliver yung line.

"Iba kasi, like you know it’s not pang-kanto boy. It’s not what they’re expecting,” paliwanag niya.

Dagdag ni Steven, gumagawa naman siya ng paraan para bumagay sa kanya ang role niya.

“Nagri-research ako. Minsan pinapanood ko yung movies o yung shows na may kanto boys… talagang naka-focus ako sa kanila—ano yung hitsura nila, ano yung nuances nila, paano sila nakaupo.

"Ayun, ina-apply ko yun sa acting namin.”

Nung unang taping day nga raw niya ay kinabahan siya sa kanilang direktor, ang respetadong si Laurice Guillen.

“Istrikto pero magaling, mabait, very focused siya,” paglalarawan ni Steven sa kanilang direktor.

“Pag nasa trabaho kami, yun ang focus niya na gagawin namin ang trabaho nang maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN