Jose Manalo thankful to fans of his "loveteam" with Eugene Domingo; refuses to comment about Wally Bayola’s sex video scandal

Nagsimula lang sa biro ang nabuong "loveteam" nina Jose Manalo at Eugene Domingo sa kanilang weekly game show na Celebrity Bluff, ngunit ngayon ay may sarili na silang hukbo ng tagahanga.


Hindi nag-taping si Wally Bayola para sa weekly game show ng GMA-7 na Celebrity Bluff kagabi, Miyerkules, September 4.

Sabi ng mga natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na production staff ng show, hindi totoo ang kumakalat na balitang indefinitely ay pinagbabakasyon daw muna ang komedyante sa mga regular shows nito, kabilang na ang Celebrity Bluff at Eat Bulaga!.

Matindi kasi ang kontrobersiyang nilikha ng sex video ni Wally at ng isang miyembro ng EB Babes. Mula nang pumutok ang isyung ito, hindi na mahagilap ang komedyante.

(Read: Wally Bayola’s alleged sex video with EB Babes dancer goes viral)

Walang anumang pahayag o paglilinaw mula sa kanyang kampo. Kahit ang TAPE office o ang Eat Bulaga!, wala pang anumang reaksiyon o statement hinggil dito.

Si Allan K ang pansamantalang humalili kay Wally sa Celebrity Bluff kagabi bilang miyembro ng “Gangnam,” kasama nina Jose Manalo at Brod Pete.

Umiwas si Allan na magpa-interview o mag-comment tungkol sa sex video scandal ni Wally.

Ang manager naman ng main host na si Eugene Domingo, ayaw ring pumayag na matanong ang komedyana tungkol sa usapin.



JOSE MANALO. Si Jose, na ka-tandem ni Wally, ayaw ring mag-entertain ng tanong tungkol dito.

Nakipagkuwentuhan lang si Jose sa PEP nang ang maging paksa ng usapan ay ang tungkol sa nabubuong "loveteam" nila ni Eugene sa Celebrity Bluff.

“May gusto talaga sa akin ‘yon!” seryoso ang mukha ngunit pabirong sambit ni Jose nang mausia kung paano ba nagsimula ang tuksuhan at biruang ligawan nila ni Uge.

Pero bawi niya, “Hindi… kabiruan ko naman talaga ‘yong si Uge, e.

“And since naghahanap kami kung ano ang puwede naming gawin dun sa show, para mas relaxed panoorin, yung paiba-iba naman.

"Hindi puro yung game show na ganyan na… seryosohan.

“Ito naman, iba, e. Puro biruan, kalokohan.

“So, sinubukan ko minsan. E, hindi rin naman alam ni Uge. Dyinu-joke ko lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, marami nang feedback na maganda raw. Kinikilig sila.

“Tumakbo yung buong Season 3 ng Celebrity Bluff na… dun nag-umpisa ‘yon.

“Nagtuluy-tuloy lang hanggang itong nasa Season 4 na kami.”



ONSCREEN PAIRING. Since marami ang naaaliw at kinikilig sa biruang tuksuhan at ligawan nina Jose at Eugene sa game show kung saan sila magkasama, may mga nag-aabang din kung kailan naman sila magtatambal sa pelikula.

Ayon kay Jose, “Alam ko, dati may binubuo na. Pero hindi ko alam kung bakit parang naudlot at hindi natuloy.

“Basta parang may pinaplano na dati. Gawa na yung script, date na lang ng shooting ang aayusin.

“Hindi ko lang alam kung ano na ang nangyari at hindi natuloy.”

Baka dahil naging busy si Eugene sa shooting ng MomZillas, ang pelikula nito with Mariclel Soriano at idinirehe ni Wenn Deramas?

“Puwede. Pero looking forward pa rin ako na matuloy yung pagsasama namin ni Uge sa isang pelikula,” sabi ni Jose.

Tapos may kissing scene sila gaya ng iba pang nagiging magka-loveteam?

“Wala naman! Ang pangit! Kami ni Uge, magki-kissing scene? Di ba?” nangiting sabi ni Jose.

“Si Uge, puwede mong pahalikin sa guwapong lalaki na yung mga nagiging leading man niya. Cute tingnan ‘yon!”

Kung siya ang hihingan ng suggestion, ano sa tingin niya ang story ng movie na babagay sa kanila ni Eugene?

“Yung ordinaryong nangyayari lang sa buhay ng tao. Hindi lang yung… parang puro pa-tweetums nang pa-tweetums.

“Yung alam mong nakakadiring panoorin na… sa edad nila naggaganunan sila. Yung mga pa-cute-cute.

“Na siguradong sa tingin mo, magugustuhan ng tao. Na parang alangan na panoorin pero okey naman. Nakakatuwa.”



FANS CLUB. May nabuo nang grupo ng fans sina Jose at Eugene na may banners pang dala-dala kapag nagpupunta sa taping ng Celebrity Bluff. Ito ang supporters ng nabuong tandem nilang JoGe (pinagsamang Jose at Eugene).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam ni Jose na “magka-loveteam” na nga sila ni Uge at may fans club pa?

“Binayarang lahat ni Uge ‘yon!” biro na namang reaksiyon ni Jose.

“Pero nakakatuwa! Nakakatuwa.

“Kasi akala nila, totoo na, e,” na may romantic angle na talaga sa kanila ni Uge ang ibig niyang sabihin.

“Salamat sa kanila. Masarap na may sumusuporta.”

Single si Uge. Si Jose naman ay nananatili ring walang bagong special someone pagkatapos nilang maghiwalay ng asawa niyang si Annalyn.

Posible kayang yung biruang ligawan nila ni Uge ay mauwi sa totohanan?

“Hindi. Sa edad niya, kukuha siya ng mas matanda sa kanya. Walang magkakagusto kay Uge na bata!” biro na naman ni Jose.

“Ako kasi, may batang magkakagusto sa akin. Mukhang bata pa ako.”

Bakit nga ba zero ang lovelife niya ngayon?

“Huwag muna, pahinga muna,” nangiting sabi ni Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN