Renz Fernandez on Maxene Magalona’s new relationship: "Sana maging masaya sila lagi."

"Hindi ko masyadong calculated, pero siguro one month and two weeks... two months. Pero, habang buhay na nasa puso ko ang mga pangyayaring yun," sabi ni Renz Fernandez nang tanungin kung gaano katagal siya bago naka-move on sa breakup nila ni Maxene Magalona.


Pagkatapos ng dalawang taong kontrata sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, mapapanood na ngayon sa bakuran ng GMA-7 si Renz Fernandez.

Si Renz ang bunso sa dalawang anak ng multi-awarded actress na si Lorna Tolentino at ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Why the big switch? – tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Because nabigyan po ako ng magandang trabaho dito at kukunin ko ang opportunity kung nasaan man,” tugon ni Renz nang makausap namin siya sa pictorial ng upcoming GMA-7 soap na Prinsesa Ng Buhay Ko (dating Prinsesa Ng Masa).

Sa loob ng dalawang taong pamamalagi ni Renz sa Star Magic at ABS-CBN ay dalawang proyekto ang nagawa niya—Your Song at Little Champ.

Pero ginawa raw niya ang Your Song bago pa man siya pumirma ng kontrata.

“Medyo matagal kasi yun ginawa and, for me naman, lahat naman, may matututunan ka," pagtukoy ni Renz sa Little Champ.

“Medyo mahirap lang kasi matagal.

“Tapos, nag-iba-iba ang kuwento, nag-iba-iba ang script, kaya isang malaking challenge para sa akin.

“Pero, thank God na natapos na.”



NEW KAPUSO. Ang Prinsesa Ng Buhay Ko, na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, ang unang teleserye ni Renz sa Kapuso network. Siya raw ang third wheel sa dalawa.

May pagka-kontrabida ba ang karakter niya rito?

“Hindi naman po kontrabida, pero ang nangyari kasi sa tunay na buhay, yung tatlo, love triangle talaga.

“In love ka sa babae, pero in love siya sa iba. Isang masakit na reyalidad ng buhay.”

Kumusta namang katrabaho ang Kapuso stars?

“Ayos,” mabilis niyang sagot.

“Lahat po sila magaling. Pati si Carmi Martin, nandoon. Siya po ang nanay ko.

“Si Emilio Garcia, nandoon din, siya ang tatay ko.”

At home ba siya agad sa GMA-7?

“Opo, at saka ang bait-bait po nilang lahat sa akin, ang GMA. Pareho naman po silang may kabaitan,” pagtukoy ni Renz sa pinanggalingang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May expectations ba si Renz ngayong isa na siyang Kapuso?

“Ang expectation ko, mabigay ko lang ang best ko at makapag-perform ako sa entertainment ng GMA,” sagot ni Renz.

Nasa Kapuso network na muli ang kanyang ina na si Lorna Tolentino, at maging ang kuya niyang si Ralph Fernandez at half-brother na si Mark Anthony Fernandez.



MAXENE MAGALONA. Hindi naman lingid sa karamihan na nakarelasyon ni Renz ang Kapuso actress na si Maxene Magalona. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang mag-break sila.

Kumusta na ang lagay ng puso niya ngayon?

Nakangiting sagot ni Renz, “Maayos na, maayos na ulit. Wala na akong nararamdamang sakit.

“Pero siyempre, yung mga sakit, hindi naman maaalis yun sa buhay. Let’s say sa taping, kailangan mong masaktan, masakit din yun.”

Hindi naman itinatago ni Maxene sa publiko na may kapalit na sa puso niya si Renz—isang non-showbiz guy.

Siya ba ay may ipinalit na rin kay Maxene?

Sagot ni Renz, “Naku, hindi pa, kasi maghahanap nga ako ng magandang babae na mamahalin at mahal din ako.

“Pero, hindi naman ganun kadali yun.”

Ano ang naramdaman niya nang malaman niyang may kapalit na siya sa puso ni Maxene.

“E, di ano, sana maging masaya sila lagi. At saka, good luck sa lahat, sa buhay, yun…”



HEALING PERIOD. Pagkatapos ba ng breakup nila ni Maxene ay nagkausap na sila ulit?

Ayon kay Renz, “Hindi na kami nag-uusap kasi naiisip namin, hindi lang naman kami. So, nag-move forward na kami sa isa’t isa.”

Pero puwede pa rin silang maging magkaibigan?

“Sa akin, okay lang naman sa aking maging friends.

“Siguro kung magkikita kami, maghe-hello kami sa isa’t isa.”

Pero bakit in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Twitter at Instagram?

Ayon kay Renz, “Siguro, ganoon yata talaga. Kapag may ex ka, kailangan ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para ano rin… pero okay lang din ibalik. Hindi naman big deal sa akin.”

Pero nasaktan ba siya sa naging breakup nila?

“Siyempre naman, lahat naman ng relationship,” sagot niya.

Gaano katagal ang naging “healing period” niya?

“Gaano katagal? Hindi ko masyadong calculated, pero siguro one month and two weeks... two months.

“Pero, habang buhay na nasa puso ko ang mga pangyayaring yun.”

Sa panahon na yun, ano ang mga ginawa niya para madaling maka-move on?

“Nakipag-bonding ako sa family, sa mga kaibigan ko, sa mga taong matagal ko nang hindi nakikita.

“Gumagawa ako ng mga bagong kaibigan din at the same time.”

Ano na ang hinahanap niya ngayon sa isang babae?

“Yung simple lang, down to earth, yun, okay na yun.”

Pero natutunan daw niya sa relasyon nila ni Maxene na hindi pala dapat maging all-out.

“Dapat may time rin para sa sarili.

“Mukhang na-focus kami masyado… healthy naman, pero hindi healthy yung all the time kayong magkasama.

“Dapat, naggu-grow ka rin mag-isa.”

May panghihinayang ba siya?

“Wala akong regret. Yung experience na yun, lumakas lang ako dun. So, tama lang,” sabi ni Renz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN