Arci Muñoz believes Ogie Alcasid made the right decision to move to TV5

Arci Muñoz on Ogie Alcasid’s transfer to TV5: “I think tama lang naman yung desisyon niya, although hindi ko alam what’s the reason behind that. I respect that and I know naman na aalagaan siya rito sa TV5 at hindi naman siya pababayaan, just like the rest of us na nag-transfer from the other station. Wala naman na masama as long as maayos ang pag-alis sa dating network at wala kang naging kasamaan ng loob.”


Kasama si Arci Muñoz sa kauna-unahang primetime series ni Ogie Alcasid sa TV5, ang The Gift.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci sa storycon ng The Gift noong nakaraang linggo, sinabi niyang natutuwa siya na magsisimula na silang mag-taping sa mga susunod na araw.

"Heto, nagsisimula na nga kami, pero hindi ko pa talaga alam yung flow ng story. Kung ano ang character ko… wala pa.



"I feel very blessed na I have this opportunity na you can’t say ’no.’

“So, I’m really thankful [sa TV5] na hindi pa rin nila ako nakakalimutan.

"This time, I think, kakaiba na naman ang character na gagampanan ko kasi meron akong konting hint na kontrabida yata ako dito.

"Na-miss ko din yun kasi yun yung naumpisahan ko sa GMA at yun naman lagi ang ibinibigay nila sa akin na part.

"So I’m really excited with the whole cast, especially kay Kuya Ogie—such good actor and I really can’t wait."



OGIE ALCASID. Matagal na raw kakilala ni Arci si Ogie kaya hindi na siya maiilang na makatrabaho ito sa mga susunod na araw.

Pahayag ng 24-year-old actress-singer, “Hindi naman kasi lagi naman kami nagkikita ni Kuya Ogie.

"Kasi I have a band, di ba? I am the vocalist of a rock band, ang Philia.

"Tapos siya ng President ng OPM [Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit]. Kaya kapag may events sila, lagi niya akong inaasar kasi ang mga kanta ko nga ay metal.

"Pero si Kuya Ogie ay masyadong humble, laidback, cool at wala akong masasabi sa taong ’yan.

"Kahit alam niya na sobra siyang famous, pero hindi mo yun mararamdaman kapag kasama mo siya.

“Ipararamdam niya sa iyo na, ’O, pantay-pantay tayo.’

“Tapos magbibiro pa ‘yan na, ’O, mas mataas ka pa nga sa akin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun siya… makikita mo naman kahit hindi mo siya nakakausap, napakabait na tao."



RIGHT DECISION. Para kay Arci, tama lang ang desisyon ni Ogie na lumipat sa TV5 mula sa GMA-7 katulad niya. Lumipat ang StarStruck alumna sa Kapatid network noong 2010; si Ogie naman ay kalilipat lang nung nakaraang buwan.



Sabi niya, “Yeah, everyone naman has a reason to decide on things.

“I think tama lang naman yung desisyon niya, although hindi ko alam what’s the reason behind that.



"I respect that and I know naman na aalagaan siya rito sa TV5 at hindi naman siya pababayaan, just like the rest of us na nag-transfer from the other station.

"Wala naman na masama as long as maayos ang pag-alis sa dating network at wala kang naging kasamaan ng loob.”



Dagdag ni Arci, "Kaya siguro nag-iisip din ang iba na lumipat sa TV5 ’coz there’s more opportunities na the network can offer.

"Kaya ako, yun ang naging basehan ko, kasi nga dahil sa bigger opportunities at hindi naman pinagsisihan yun.

"Sa pinanggalingan ko [GMA 7], hindi naman ako nabigyan ng ganitong break, so I feel na dito [TV5] ay naalagaan talaga ako."



REINVENTION. Speaking of career plans, aminado si Arci na handa na siyang i-reinvent ang sarili niya into a more mature actress, tulad ng pagtanggap ng sexy and daring roles.

Nangingiting sabi niya, "It comes with age. Yeah, I’m open to that possibilities.

"Pero, para sa akin, not yet soon kasi marami pa namang reinventions ang puwedeng gawin sa sarili, di ba?

"But if my character asks na kailangan kong maging ganyan, okay lang, but not too much. I sitll have my limitations.

"Marami nga nagtatanong sa akin kung may nag-offer na raw sa akin na mag-pose sa FHM, tapos nagugulat sila kapag sinabi ko na ’wala pa… never.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro dahil wala sa character ko, para akong bata, e. Hindi ko nai-imagine ang sarili ko na doing it now.

“Pero ayaw kong magsalita, baka mamaya kainin ko rin ang salita ko, di ba?"

Dagdag pa niya,"Marami naman ngang nangyayari every day but, right now, I couldn’t imagine myself doing it.



"Kasi, rock star ang peg ko, di ba? Pero ang FHM naman ay ano... depende kasi naman talaga sa concept na gagawin nila.



"But it really also depends sa aking daddy kasi we’re like a conservative family. We grew up like in a Christian environment.”



ROCKER CHICK. Rakista ang dating ni Arci pagdating sa pagiging singer niya.

Marami ang nagsasabi na kakaiba ang hilig niya sa musika kung ang pagbabasehan ay ang malamya at maamo niyang personalidad.

Natatawang pahayag ni Arci, "Oo, ’yan ang aking mask.

"I want people na mapa-wow na everytime I step on stage, gusto ko yung reaksiyon nila na, ’Ba’t ganun?’

“Everytime I got that reaction, I’m satisfied.



"Iba talaga kasi ang dating ng rock, e.

“Hindi naman lahat ay loud music ’yan, e. We also have soft one.

“Kaya kapag nagsusulat nga ako ng lyrics for my music, parang tungkol sa buhay ko. It really sounds good."



ARCI’S BOYFRIEND. Sa personal naman niyang buhay, aminado ang Kapatid star na happily in love siya ngayon sa kanyang boyfriend na si Bones Frankensteins ng bandang Mr. Bones and the Boneyard Circus.

Kumikislap-kislap ang matang pahayag niya, "Hmmm.... yeah, magkasundo kami kasi underground music siya, e.

"Nagkakasundo kami kasi pareho ko siyang twin… lalaking version.

"I’m proud of him… I’m so proud.

“We have so much in common kaya nga siguro smooth sailing ang aming relationship.

“Otherwise, baka matagal na rin kaming nagkahiwalay.

"So far, we’re sailing a good one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit naman nasa showbiz ako, he respects that.

“Kahit minsan, kapag isinasama ko sa siya sa showbiz functions, parang nagugulat pa siya. Ini-explain ko naman sa kanya.

"At saka, alam naman niya na cowboy ako.

“At saka, hindi naman new sa kanya ang showbiz kasi ang career naman niya ay parang showbiz din."

(Ed’s Note: Sa naunang report ng PEP ay nabanggit ang pangalan ni Kelvin Yu ng Itchyworms bilang boyfriend ni Arci. Bagamat nakarelasyon ng aktres ang nasabing musikero, nag-break ang dalawa "six months ago." Nagpapasalamat ang website na ito sa mga PEPsters na tinawag ang aming pansin tungkol sa nasabing pagkakamali; gayundin, sa publicist ng Itchyworms na si Chuck Gomez sa maagap na pagbibigay-linaw at pagpapadala ng statement sa PEP. Lastly, nais naming humingi ng paumanhin sa mga nagulat, nagtaka, at naabala ng nasabing report.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN