The PEP List 2013: Xyriel Manabat on being pitted against Ryzza Mae Dizon, other child stars: "Gagawin ko pa po ang best ko."

Ayon sa nine-year-old child star na si Xyriel Manabat, hindi pa sila nagkakilala ni Ryzza Mae Dizon pero natutuwa siya sa kabila ng pagtatapat sa kanilang dalawa. Nominado si Xyriel sa PEPsters’ Choice 2013 2nd quarter. Upang bumoto, bisitahin ang www.pep.ph/pep-list.


Habang naghihintay ng kanyang susunod na project, ang pag-aaral sa regular school ang pinagkakaabalahan ngayon ng Kapamilya child star na si Xyriel Manabat.

Grade IV na ngayon si Xyriel sa Full House Learning Center.

Ano ang pakiramdam niya ngayong isa siyang normal na estudyante?

"Masaya po, nagkukuwentuhan po kami ng mga classmates ko sabay-sabay po kaming kakain," sagot ng sikat na child star.

Bukod pa rito, proud na sinabi ni Xyriel na tinutulungan niya ang kanyang mommy sa pagbe-bake ng butterscotch cookies na ibinebenta sa kanilang mga kakilala sa subdivision.

Dahil may oras ngayon si Xyriel outside showbiz, bukod sa pag-aaral at pagtulong sa kanyang ina ay naaalagaan din daw niya ang one year and two-month-old baby brother niya. Tinutulungan daw niya ang ina sa pagpapaligo sa kapatid at pagpapakain dito.

CHILD STARS. Si Xyriel ang itinanghal na winner sa Female Child Star of the Year category ng PEPsters’ Choice 2013 1st quarter, at naging mahigpit talaga ang labanan nila ni Ryzza Mae Dizon.

Sa 2nd quarter ay muling nominado si Xyriel sa Female Child Star of the Year category, gayundin si Ryzza.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xyriel ay naitanong namin kung ano ang iniisip niya kapag naikukumpara sa mga kasabayan niyang child stars.

Tugon niya, "Mas natsa-challenge po ako na ipakita yung best ko."

Ano naman ang tumatakbo sa isip niya kapag pinagtatapat sila ni Ryzza Mae?

"Gagawin ko pa po ang best ko," sagot niya.

Dagdag pa ni Xyriel sa pagtatapat sa kanila ni Ryzza Mae, "Natutuwa po ako."

Hindi pa raw sila magkakilala ni Ryzza, pero noong nakaraang taon ay nakita niya ang fellow child star sa float ng pelikulang Si Agimat, Si Enteng at Si Ako, habang si Xyriel naman ay sakay ng float ng Sisterakas.

Makakasama si Xyriel sa pelikula ni Vice Ganda para sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon din siya ng partisipasyon sa isang upcoming teleserye pero hindi pa raw puwedeng magbigay ng detalye tungkol dito.

Recently ay nagkaroon ng special guest appearance si Xyriel sa Juan dela Cruz.

ADVICE TO ASPIRING CHILD STARS. Marami nang ginampanang karakter si Xyriel sa pelikula at telebisyon, pero ano para sa kanya ang pinaka-memorable role niya?

"Lahat naman po, pero parang mas gusto ko po yung 100 Days To Heaven, kasi po marami kang makukuhang moral lesson, tsaka parang nadadalian po ako sa pagiging mukhang matanda."

Nagsusulputan din ngayon ang mga batang gustong maging artista. At dahil may napatunayan na si Xyriel, ano naman ang maipapayo niya sa mga batang gustong sumikat?

"Sundin po lagi ang sinasabi at maging close at makipagkilala, at sana po lagi silang makisama sa mga kasama," pagbabahagi ni Xyriel.

Para maiboto si Xyriel sa Female Child Star of the Year ng PEPsters Choice 2013 2nd quarter at upang makita ang iba pang kategorya, bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN