Gladys Guevarra’s former live-in partner files multiple complaints against singer-comedienne

Naghain ng mga reklamong Attempted Murder, Grave Oral Defamation, Grave Coercion, at Violation of R.A. 7610 ang musikerong si Joselito “Jojo” Diamse (kanan) laban sa dati nitong karelasyon na si Gladys Guevarra (kaliwa).


Naghain ng mga reklamong Attempted Murder, Grave Oral Defamation, Grave Coercion, at Violation of R.A. 7610 si Gladys Guevarra ng dating kasintahan nitong si Joselito “Jojo” Diamse.

Ang R.A. 7610 ay kilala rin bilang "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act."

Isinumite ni Jojo ang naturang complaints laban kay Gladys sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Edilu Hayag ng Quezon City Regional Trial Court kahapon, September 5, Huwebes.

Kasama ni Jojo na naghain ng reklamo ang abugado niyang si Atty. Jocelyn Gerial Gabriel.

Tatayong witness ni Jojo ang kanyang 12-year-old na anak na si Jomari Curtney Diamse, at ang parking attendant sa tapat ng Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City na si James Ariola.

Si Jojo ang musical director ni Gladys. Nagkarelasyon sila at naging live-in partner sa loob ng halos limang taon.

Ngayon ay nagtatrabaho si Jojo bilang musical director sa ilang programa ng GMA-7.

Ayon kay Jojo, Naghiwalay sila ni Gladys limang buwan na ang nakararaan. Pareho na raw silang nakapag-move on dahil mayroon na silang mga bagong karelasyon.

Ngunit nitong bandang huli ay nanggulo raw si Gladys dahil sa gusto raw nitong makipagbalikan sa kanya.


THE AUGUST 23 INCIDENT. Umabot sa malaking iskandalo ang gulong iyon nang sinugod diumano ni Gladys si Jojo noong August 23, Sabado, ng madaling-araw.

Kuwento ni Jojo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-file ako ng case sa kanya dahil iniskandalo niya ako last August 23 ng five o’clock in the morning.

“Bigla niya kasing binangga ang gate ko, e.

"Pumunta siya sa bahay, na parang nakikiusap na magkabalikan kami sa relationship namin na almost four years and ten months.

“Sobrang iskandalo kasi ang ginawa niya sa akin na nagwala siya, sinagasaan ako...

"In-attempt niya akong sagasaan on the fourth time ng sasakyan niya, buti na lang nakaiwas ako."

Sabi pa nito, “Nang lumabas ang anak ko, bigla siyang na-trauma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, marami rin akong sugat sa katawan, so nag-decide akong mag-file.”

Ayon sa salaysay ni Jojo sa kanyang affidavit, lasing daw si Gladys nang pumunta sa bahay niya nung madaling-araw ng August 23.

Nilabas daw niya at nilapitan si Gladys na nasa loob pa ng kotse nito.

Tinanong daw siya ng singer-comedienne kung doon ba natulog ang bagong girlfriend nito, at sinagot daw niyang hindi.

Sinabi raw ni Gladys sa kanya na magkabalikan na sila dahil nagkasama raw sila sa loob ng halos limang taon, samantalang itong bagong girlfriend daw niya ay halos dalawang buwan pa lamang niyang karelasyon.

Pero sinabi raw ni Jojo kay Gladys na hindi na niya ito mahal. Gusto raw niya ang kasalukuyang girlfriend dahil tinanggap daw nito ang dalawa niyang anak sa unang asawa.

Doon na raw nagmumura si Gladys at biglang pinaharurot ang kotse paalis.

Pero biglang nag-U turn daw ito at binangga ang gate ng bahay ni Jojo. Nag-back up pa raw si Gladys at akmang babanggain siya kaya umiwas na siya.

Patuloy na salaysay ni Jojo, nagising na raw ang mga anak niya kaya lumabas sila. Nakita raw ng mga bata na lumabas si Gladys ng kotse at binato raw ang susi ng kotse nito sa kanilang ama.

Nagkasigawan na raw sila at pinagsisipa at pinagsusuntok raw siya ni Gladys.

Sinubukan daw niyang pigilan si Gladys at niyakap para matigil na ito, pero bigla daw siyang kinagat nito sa dibdib.

Doon na raw humingi ng tulong si Jojo sa kanyang anak at sa caretaker ng bahay na tinitirhan niya.

Pinagsisigawan at pinagmumura pa raw siya ni Gladys. Sinabihan din daw siya ng: "Bakla ka, bakla ka, Jojo!”

Nag-react na raw ang mga bata at sinagot daw nila si Gladys na hindi bakla ang kanilang ama.

Patuloy raw ang paninipa, panununtok, at pagmumura ni Gladys kay Jojo hanggang sa sumakay na raw ito ng taxi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bumalik daw si Gladys at sinabing kukuha siya ng pera sa kotse para pambayad sa taxi.

Kaya binuksan daw ni Jojo ang kotse para makuha ni Gladys ang kanyang bag.

Kinuha raw ni Gladys ang bag at bumalik daw ito ng taxi, pero sinigawan na naman daw niya si Jojo at sinabihan pa itong carnapping na ang ginawa niya.

Pero ilang sandali lang, bumalik daw si Gladys kasama ang pinsan nito at gusto na raw makipag-ayos.

Nagkasundo raw silang ayusin nila lahat sa barangay, pero dalawang araw raw naghintay si Jojo sa barangay ngunit walang Gladys na sumipot.

OTHER INCIDENTS. Bukod sa pangyayaring iyon, may ilang insidente pa raw na pinahiya ni Gladys si Jojo sa harap ng maraming tao. Pero mas malala raw ang ginawa sa kanya ng dating karelasyon noong August 23.

Kaya pursigido si Jojo na ituloy ang kaso. Ayaw na raw niyang makipag-usap kay Gladys kahit ilang beses daw siyang tinatawagan at tini-text nito.

“Sobrang dami na ng ginawa niya sa akin, e. Sobra na talaga,” himutok ni Jojo.

“Tinanggal niya ang pagiging lalaki ko, tinanggal niya ang pagiging musician ko, lahat tinanggal niya sa akin.

"Sinabi ko sa kanya ‘yan personally.

“Kumbaga, lahat na masasakit na ano… pasensiya, lahat na pasensiya ibinigay ko sa kanya.

"Sa lahat na masasakit na ginawa niya sa akin, silent lang ako.

“Pero ngayon, hindi ko na siguro kakayanin kasi sobra na talaga, e.

“The fact na sasagasaan ako… hanggang kailan yun?

"Yung security ko, ang mga anak ko, hanggang kailan yun?”

Ito raw ang dahilan kaya ayaw na niyang sagutin ang mga tawag at text ni Gladys. Sa korte na lang daw sila magkita at magkausap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN