Gabby Eigenmann does not regret losing Prinsesa Ng Buhay Ko over Mundo Mo’y Akin extension

Hindi raw pinanghihinayangan ni Gabby Eigenmann kung hindi man siya natuloy sa Prinsesa Ng Buhay Ko dahil sa ilang beses na pagkaka-extend ng Mundo Mo’y Akin.


Ngayong gabi, September 6, na ang finale ng primetime series ng GMA-7 na Mundo Mo’y Akin.

Ilang araw bago ang finale ng kanilang teleserye ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby Eigenmann.

May nakahanda na ba siyang programa pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin?

Sagot ng aktor, “Hindi ko alam, I think, kung meron man, for next year na yun.

"Usually naman, kapag ganoon, start na ng trabaho late this year.”

Marami naman ang nakakapansin na kapag kasama siya sa teleserye ng GMA-7, madalas ay mahaba ang nagiging airing nito at nai-extend.

Feeling ba niya ay siya ang "lucky charm" ng mga programang kinabibilangan niya?

Sagot ni Gabby, “Hindi, natutuwa lang ako kasi kahit paano, yun nga, I feel blessed.

"O baka nga nagkakataon lang na lahat ng proyektong nasasali ako, humahaba.

"Sana mapansin na ganoon pala. Para sa next, kung meron man, kung balak nilang pahabain, nandito ako!" tawa pa niya.

PRINSESA NG BUHAY KO. Dapat sana ay kasama si Gabby sa cast ng upcoming primetime series na Prinsesa ng Buhay Ko, bilang ka-love triangle nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Pero dahil na-extend ang Mundo Mo’y Akin, hindi siya natuloy rito. Sa halip, ang bagong Kapuso na si Renz Fernandez ang pumalit sa kanya.

Sabi ni Gabby tungkol dito, “Yun nga, sabi ko, this one is a blessing itself dahil humaba ng seven months.

"Kung natuloy man ako sa Prinsesa, ang haba pa nito, mahirap.

"Nakakausap ko rin naman sina Aljur, Kris, LJ [Reyes], akala nga nila, makakasama ako.

"Pero sabi ko naman, okay lang, maybe sa next.”

May panghihinayang ba sa kanya na hindi siya natuloy?

Sagot niya, “A, hindi, this show, honestly, it had a good run.

"Ratings-wise, we’re at par. It came to a point na nag-number one sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutuwa naman kami, kasi kahit papaano, yung mga tumangkilik, hindi nagbitiw and I just hope hindi magbibitiw until the end.”



MOM AND STEPMOM. Nagkaroon ng special participation sa Mundo Mo’y Akin ang ina ni Gabby na si Irene Celebre.

Isa naman sa main characters ng soap si Jaclyn Jose, ang ina ng stepsister ni Gabby na si Andi Eigenmann.

Sina Gabby at Andi ay mga anak ng aktor na si Mark Gil.

Nag-usap ba sa set ang kanyang ina at ang kanyang Tita Jane (Jaclyn)?

Sabi ni Gabby, “Oo naman, inaasar ko nga sila.

"Sabi ko, ’Uy, kukuhanan ko kayo ng picture, papadala ko kay Mark Gil!’

“Nagtatawanan lang naman sila. Tapos sabi nila, ’Sira-ulo talaga ‘tong si Gabriel!’

"Okay naman sila... small talks, kamustahan. Okay naman sila, wala naman silang grudges.

“Sabi ko nga, kulang na lang si Bing Pimentel para nanay ni chu-chu sana, sama-sama,” biro pa niya.

Si Bing naman ang ina nina Sid Lucero at Max Eigenmann.

Nang tanungin naman kung may ideya siya kung nagkabalikan na ang kapatid niyang si Andi at si Jake Ejercito, ito ang sagot ni Gabby: “Hindi ko alam. Kahit naman sabihin kong hindi o oo, maniniwala ba kayo? Wala akong alam, I swear.”

GETTING FIT. Kapansin-pansin naman ang pagpayat ngayon ni Gabby. Aminado si Gabby na nagsisipag siya sa pagdyi-gym ngayon.

Kuwento pa niya, kahit ang pinsan niyang si Geoff Eigenmann ay malaki na ang ipinayat.

“You have to see him. Sobrang sipag niya ngayon.

"Ang laki na ng ipinayat niya, magugulat kayo.

“Sabi ko nga, hindi ko kakarerin ‘to na ako lang mag-isa, we help each other.

"We came to a point na sa first few weeks, ako ang nagyayaya. Tapos, yung mga sumunod na linggo, siya na ang nagyayaya sa akin.

"Sabi ko, ’Teka lang, matatapos na kami, sunud-sunod na ang taping!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think ha, kung madedesisyunan ng kataas-taasan at makikita nila ang resulta, I won’t be surprised if he’ll get a new show before the year ends.

"Kahit na next year ipalabas, he’ll be ready. Ako, confident ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN