Cherie Gil on directors Peque Gallaga and Lore Reyes: “They’re the masters, I’m just the actor.”

Cherie Gil on her debut as movie producer: “This time, I was lucky because I put in my risk into a project that I believed in and with people I fully trust and with friends, and I know I will be in good hands. How can I naman make pakialam kina Peque Gallaga and Lore Reyes? Takot ko lang! That’s why I said I wouldn’t do something unless I don’t have full trust in the right people. They’re the masters, I’m just the actor.&rd


Puno ng kasiyahan si Cherie Gil na natupad na ang kanyang dream project sa pamamamagitan ng pelikulang Sonata.

Siya mismo ang nagprodyus nito sa pamamagitan ng kanyang My Own Mann Productions katulong ang Film Development Council of the Philippines, Central Digital Lab, Wild Sound at Ruby’s Arms Production Services.

Ang Sonata ang film entry nina Direk Peque Gallaga at Direk Lore Reyes sa Sineng Pambansa National Film Festival All-Masters Edition.

Ang anak naman ni Peque na si Wanggo Gallaga ang nagsulat ng istorya at script. Mapapanood ang Sonata sa lahat ng SM Cinemas nationwide sa Setyembre 11-17.

Ayon nga kay Cherie, bukod sa pagiging dream come true nitong pelikula para sa kanya, career-defining din daw ang proyektong ito.

Sabi nga niya, “Yes, of course. May shift na sa papel na ginampanan ko, something I have not done in the past in any form—not on TV, not on stage nor film.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherie sa presscon ng Sonata noong Setyembre 5 sa Café Romulo sa Scout Tuason, Quezon City.

Bukod sa pagiging producer, si Cherie din ang bida sa Sonata. Ginagampanan niya ang role ng isang opera diva na si Regina Cadena, na tila nawalan na ng dahilang mabuhay matapos mawala ang kanyang boses at hindi na makakanta.

Pero magbabago ang kanyang pananaw sa buhay at muling magkakaroon ng pag-asa sa pagdating ng isang bata, si Jonjon, na ginagampanan ni Chino Jalandoni, apo ng beteranong aktor na si Joel Torre.

Kasama rin sa cast sina Richard Gomez, Ricky Davao at mga local artist galing sa Negros Occidental, kung saan kinunan ang kabuuan ng pelikula.

DEBUT AS PRODUCER. Ayon kay Cherie, humigit-kumulang limang taon na nilang naisip na gawin ang pelikulang ito pero ngayon lang sila nagkaroon ng kinakailangang budget at nahanap din nila ang tamang venue sa Sineng Pambansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang karanasan sa kauna-unahang niyang pagpuprodyus ng pelikula?

“It’s an exciting ride but at the same time of course, no risk, no gain. Kailangang mag-evolve and this is a new learning process for me.

“This time, I was lucky because I put in my risk into a project that I believed in and with people I fully trust and with friends, and I know I will be in good hands,” pagmamalaki ng beteranang aktres.

Ayon kina Peque at Lore, si Cherie daw ang producer na hindi nakikialam sa mga direktor. Ano ang masasabi niya rito?

“Salamat naman at nagsabi si Peque ng katotohanan. Hindi... joke!” biro niya. “Kasi si Peque he jokes around, right? ‘I’m the producer, I want to see my movie.’

“Well, sanay na ako kay Peqs when he makes jokes. How can I naman make pakialam kina Peque Gallaga and Lore Reyes? Takot ko lang!

“That’s why I said I wouldn’t do something unless I don’t have full trust in the right people. They’re the masters, I’m just the actor.”

Tuluy-tuloy na ba ang pagiging producer niya?

“Oo, malapit na yung aking pinaplano. Right now it’s all in the works. The next one is with my brother, Mark Gil, and [his son] Sid Lucero.

“It’s time to show a movie about men going through the problems and issues of father and son relationships. Astig ang pelikulang ito. And I have Erik Matti to direct it and I asked Sarge Lacuesta to write it.”

Ang working title ng pelikulang ito ay Unfinished Business, na co-produced ng My Own Mann Productions at Reality Entertainment.

Isang two-hour one-woman play titled Gallop ang nakatakda ring iprodyus at pagbidahan ni Cherie sa March 2014.

Kahit nagpoprodyus na si Cherie, hindi niya raw iiwanan ang pagiging artista niya. Biro pa nga niya, saan daw siya kukuha ng ipangpoprodyus kung hindi na siya mag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon napapanood si Cherie sa primetime teleserye ng ABS-CBN na Muling Buksan Ang Puso.

STILL FRIENDS WITH EX-HUSBAND. Samantala, nabanggit din ni Cherie na kabilang sa nagbigay ng kontribusyon para mabuo nila ang Sonata ay ang kanyang ex-husband at internationally-renowned violinist na si Roni Rogoff.

“Si Roni kasi very supportive iyan ever since. I wanted to make a play sana before... yung Sunset Boulevard. E, hindi namin naituloy dahil nga yung rights hindi pa ready.

“Sabi ko, in relation to that, puwede ko bang i-propose ito na lang pelikulang ito which is very much close to the story of Sunset Boulevard?

“Basta pagdating sa music at pagdating sa pinaniniwalaan niyang makakabuti para sa akin, at dahil kay Peque din... magka-birthday yung dalawa, e.

“And of course, kay Lore, he [Roni] knows how much I look up to both of them. Without question he puts it in, walang kontrata,” kuwento pa ni Cherie.

Pagkatapos ng dalawampung taong pagsasama bilang mag-asawa nina Cherie at Roni, naghiwalay sila noong 2008. Paano nila napanatili ang pagiging magkaibigan nila at ngayo’y nagkakatulungan pa?

“Because when we separated it was a mutual decision for the best of everyone. Hindi kami nag-away.

“I mean, we just understood that it’s the best thing for everyone and we continued talking and I would visit, and he lives up to our agreement.

“I think the bottom line is because we both share the same interests and intentions in bringing up our children in terms of love and respect for one another.

“Makikita mo sa pelikula, executive producer nakalagay doon Cherie Gil-Rogoff, ginamit ko pa rin yung married name ko because officially I’m still married,” pagklaro niya.

HER CHILDREN. Sa New York naka-base si Roni habang nasa Pilipinas naman si Cherie. Kanino nakatira ang mga anak nilang sina Bianca at Raphael?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa kanya… nasa akin at nasa kanya. Well, physically and geographically we’re far apart. Of course, they’re more with him.

“We never made an issue about it. My kids are okay, he’s a doting dad. He’s been there all the time, he has not traveled as much as he used to do and he’s almost in semi-retirement.

“Talagang dinesisyunan niya na ibigay ang lahat ng oras niya para sa mga bata. I can’t thank him enough for that. And without that I won’t have this freedom to do what I want to do at this point.

“So, iyan ang pamilya ko, and that’s the thing I will keep carrying with me for the rest of my life no matter what happens.

“It’s a very unconventional situation, right?

“But dahil sa may pagmamahal naman e, nagkaroon lang ng issues about logistics, geography and stuff like that kasi he’s a foreigner and I live here and I work here and this is where I love to be.

“Hindi naman kami nawalay sa isa’t isa emotionally. He has them in the morning and I have them at night on Skype,” dagdag pa niyang kuwento.

Gaano kadalas niya bisitahin ang mga bata?

“Three times… I’m going in October. I go three times a year.

“It’s harder for them to come kasi now Bianca is heading for college and she’s in the process of application.

“By the way she’s gonna take up acting. She’s going to be an actress and that’s her own decision,” pagmamalaki ni Cherie.

Proud nga si Cherie na sa kanyang mga anak ay may sumusunod sa yapak niya bilang artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN