Gloria Romero on being part of the cast of Akin Pa Rin Ang Bukas: “I’m doing this because mahal ko si Laurice.”

Gloria Romero on working again with Direk Laurice Guillen: “When they told me that the director will be Laurice Guillen, aba, natuwa ako at tinanggap ko! I changed my plans again kasi matagal ko nang hindi nakatrabaho si Laurice. Kaya okay lang for me to be in this series. I’m doing this because mahal ko si Laurice. I like the way she works. Ayaw niyang napapagod masyado ang kanyang mga artista at ayaw din niyang magpuyat. Kaya itong teleserye na ito is like my reuni


Plano pala sana ni Ms. Gloria Romero na magbakasyon muna sa ibang bansa pero biglang dumating ang offer ng GMA-7 para makasama siya sa cast ng bagong primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Gusto nga sana ni Tita Glo na magpahinga muna sa pag-arte dahil magkasunod ang ginawa niyang teleserye sa taong ito na Cielo de Angelina at Forever.

“They offered me the role of Cristina Alperos, the mother of Cesar Montano. The role was originally for Liza Lorena.

“Pero nag-resign nga raw si Helen Gamboa sa show, kaya si Liza ang pinalit nila sa role niya. Ako naman ang naisip nilang kunin sa role originally for Liza,” kuwento ni Tito Glo sa press launch ng Akin Pa Rin Ang Bukas last August 29 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

HAPPY WORKING AGAIN WITH DIREK LAURICE. May ibang mga plano na nga sana si Tita Glo pero muling naiba ang planong bakasyon niya dahil sa bagong teleserye.

“Hindi ko nga sana tatanggapin dahil may plano na nga kami ng pamilya ko na magbakasyon muna talaga.

“Since I started working with GMA-7, sunud-sunod ang mga naging trabaho ko.

“It started with Munting Heredera then Makapiling Kang Muli, Andres de Saya, Cielo de Angelina at yung last ko nga was Forever.

“Kaya laging hindi natutuloy ang bakasyon namin dahil biglang may darating na trabaho.

“But when they told me that the director will be Laurice Guillen, aba, natuwa ako at tinanggap ko!

“I changed my plans again kasi matagal ko nang hindi nakatrabaho si Laurice,” masayang kuwento ng beteranang aktres.

Si Direk Laurice ang naging director ni Tita Glo sa kanyang award-winning role sa pelikulang Tanging Yaman noong 2000.

Sa kabuuan ng kanyang makulay na showbiz career, nanalo na ng apat na Best Actress awards si Tita Glo mula sa FAMAS, Film Academy of the Philippines, Gawad Urian at Young Critics Circle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That was 13 years ago pa and lots of people still remember that beautiful film [Tanging Yaman] especially my role as Loleng.

“The last time that I’ve worked with Direk Laurice was in the film American Adobo in 2001 pa.

“But I’ve worked with her in other films before like Kapag Langit Ang Humatol, Sana Dalawa Ang Puso Ko, Kung Mahawi Man Ang Ulap and in her directorial debut, Kasal?

“Kaya okay lang for me to be in this series. I’m doing this because mahal ko si Laurice.

“I like the way she works. Ayaw niyang napapagod masyado ang kanyang mga artista at ayaw din niyang magpuyat.

“Kaya itong teleserye na ito is like my reunion with Direk Laurice,” dagdag pa niya.

ON CESAR MONTANO. Isa pang kinatutuwa ni Tita Glo ay muli niya ring makakatrabaho si Cesar Montano.

“It’s always a joy work with Cesar again.

“I played his grandmother in the film Alfredo S. Lim: The Untold Story and I was his mother-in-law in the sitcom Andres de Saya na ginawa namin dito sa GMA-7.

“Cesar is such a professional. Pero kapag wala ‘yan sa harap ng kamera, he jokes around and makes people laugh.

“I know what he is going through right now at dasal ko na maging maayos ulit ang pagsasama nila ni Sunshine [Cruz].

“Kahit nga may ganyang problema si Cesar, hindi apektado ang trabaho niya.

“He works professionally as if wala siyang iniisip na mabigat na problema,” pagmamalaki niya kay Cesar.

THANKFUL FOR STRESS-FREE WORKING SCHEDULE. Nagpapasalamat si Tita Glo sa GMA-7 dahil pinagbigyan nga raw ang hiling niyang cut-off time para maaga siyang makapagpahinga.

Hanggang alas-diyes lang daw ng gabi puwedeng mag-taping si Tita Glo at binigay iyon ng Kapuso network sa kanya para naman hindi ito masyadong mapagod.

“I appreciated it so much. Naiintindihan ng GMA-7 ang sitwasyon naming mga senior stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I also love how the whole staff take care of us on the set. Lagi nila akong tinatanong kung okay ba ako at kung gusto ko ng magpahinga.

“Kaya ang pakikipagtrabaho ko sa kanila ay maayos and I have no complains,” pagtatapos na pahayag ni Tita Glo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN