Barbie Forteza on Anna KareNina co-star Derrick Monasterio: “Sobrang nag-level up po yung friendship namin ni Derrick.”

Barbie Forteza on being very open with Derrick Monasterio: “As in wala nang hiyaan. Siguro sa sobrang hindi na kami nahihiya sa isa’t isa, parang, paano ba? Hindi na kami nahihiya na kunyari kung hindi kami nag-toothbrush tapos kami yung magka-eksena, yung ganun, ’Tayo naman ang magkaeksena huwag na tayong mag-toothbrush!’


Taga-Biñan, Laguna ang pamilya ni Barbie Forteza at naging biktima pala ang kanyang mga kamag-anak ng nagdaang bagyong Maring.

“Buti na lang may second floor po kami dun sa Biñan, andun po sila lahat sa second floor. Yun nga lang hindi sila nakapag-store ng mga pagkain, ng mga ganyan,” kuwento niya.

Si Barbie naman at ang kanyang mga magulang at kapatid ay sa isang condo unit sa Quezon City na madalas umuwi.

Sa lola niya sa mother’s side ang naturang bahay na binaha.

“Nung bumaha po, nasa condo po ako, at nag-worry po kami kasi hindi lang po dun sa mother’s side... pati dun sa father’s side ko, binaha din po sila, sa jeep na po sila nag-stay.

“Yung mga kamag-anak ko po sa father’s side, yung mga lolo’t lola ko, tita ko, mga pinsan ko po,” patuloy niya.

Sa ngayon raw ay maayos na ang kalagayan ng kanyang mga kaanak na binaha.

“Opo, okay na sila. Dumaan po kami last week sa Biñan, okay na po sila. Medyo may konting burak na lang pero okay na po,” dagdag pa niya.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie nitong Huwebes, September 5, sa 17th floor ng GMA Network Center para sa drama series na Anna KareNina na pinagbibidahan ni Barbie kasama sina Krystal Reyes at Joyce Ching.

IN PRAISE OF DIREK GINA. Tatlong linggo na lamang at magtatapos na ang naturang show, at ang pinakamami-miss raw ni Barbie ay ang direktor nilang si Gina Alajar.

“Kasi ang kuwela niya, e. Ang kuwela niyang direktor. Bukod sa may natututunan kaming lahat sa kanya, as in lahat, yung pagiging nanay niya sa amin especially sa aming mga tweens, hindi nawala,” kuwento ni Barbie.

Si Direk Gina rin ang direktor nila sa Tween Hearts dati kung saan bida ang mga tween stars na tulad nga ni Barbie at Derrick Monasterio na magkapareha sa Anna KareNina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na nga raw sila nagkaroon ng matinding adjustment dahil second time na nilang nagkatrabaho ng lady director.

DREAMS OF BEING A DIRECTOR. At napag-alaman ng PEP na si Barbie rin ay may aspiration na maging isa ring direktor balang-araw.

“Actually, ’tsaka writer sana. Scriptwriter, parang ganun.”

Kung magiging direktor siya, sino ang una niya gustong idirek na mga artista?

“Siyempre gusto ko yung ano pa lang, yung mga tweens dun sa generation na yun. Ayokong bumig-time agad.

“Gusto ko ring i-share sa mga new generation yung mga natutunan ko sa showbiz,” wika ng dalaga.

Biniro namin si Barbie, gusto rin ba niyang idirek si Dennis Trillo? Vocal si Barbie sa pagpapahayag na crush niya ang mahusay na aktor na bida sa My Husband’s Lover.

“Baka maliin pa ako ni Papa Dennis, mas magaling siya sa akin e,” at tumawa si Barbie.

Tinanong naman namin si Barbie kung sino ba ang tunay na Anna Karenina sa kanilang soap opera…

“Hindi po talaga namin alam... hindi po, pramis... hindi pa po namin alam, wala pa po sa amin yung script.”

Kung siya ang tatanungin, sino dapat ang maging tunay na Anna Karenina?

“Gusto ko sana kaming tatlo para matapos na lang at saka para wala nang isyu,” mabilis niyang sagot.

Gaano kalapit sa tunay na ugali ni Barbie ang ugali ng karakter niyang si Karen sa show?

“Nung mga ano po, first three weeks... nung wala pang mga tragedy na nangyayari, very Barbie, yung as in light lang ang buhay niya, masayahin lang.

“Simula nung namatay si Suzy [ina ni Karen na ginampanan ni Maureen Larrazabal] parang medyo nag-iba na yung character ni Karen.

“Pero ngayon, in fairness naman naibabalik na rin naman ulit yung character ni Karen kasi nakaka-move on na siya sa pagkawala ng nanay niya,” dagdag pa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BARBIE’S “WATER SOLUTION.” Magaling na aktres si Barbie. Kahit wala pa siyang pinagdadaanang matinding krisis sa buhay, nakakahugot siya ng emosyon sa mga heayy drama scenes.

Paano niya iyon nagagawa?

“Sa totoo lang po, hindi ko din po alam,” at muling tumawa ang young actress.

“Siguro base na rin po sa script at saka madaming tubig... as in madaming tubig.

“Kasi minsan pag tuyung-tuyo ka na, ako po pag sobrang feeling ko hindi ako makakaiyak sa eksena, umiinom ako ng dalawang boteng tubig, straight!

“Tapos parang kahit ano lang ang isipin ko, as in kahit hindi heavy, naiiyak ako.

“So malaking tulong din yun.”

Ayon pa kay Barbie...

“Kasi kung motivation, walang malalim. Wala pong paghuhugutan. Kumbaga yung mga iniisip ko, siguro inilalagay ko yung sitwasyon kunwari sa family ko, ganun.

“Pero sasabihing may pinanggalingang history, wala.”

NO MORE SECRETS WITH DERRICK Kumusta na sila ni Derrick Monasterio?

“Okay na okay naman po kami, sobrang okay kami,” saad niya.

Nag-level up na ang kanilang pagtitinginan ni Derrick sa tatlong buwan nilang pagsasama sa Anna KareNina

“Actually compared to Paroa [Ang Kuwento Ni Mariposa], sobrang nag-level up po yung friendship namin ni Derrick.

“As in wala nang hiyaan. Siguro sa sobrang hindi na kami nahihiya sa isa’t isa, parang, paano ba?

“Hindi na kami nahihiya na kunyari kung hindi kami nag-toothbrush tapos kami yung magka-eksena, yung ganun, ’Tayo naman ang magkaeksena huwag na tayong mag-toothbrush!’” at muling natawa si Barbie.

Wala na silang lihiman, wala ng sekretuhan.

“So far wala na po.”

Lahat raw ng sekreto ni Barbie ay alam ni Derrick and vice versa.

Nag-aaway raw sila naman paminsan-minsan.

“Hindi naman sobrang away, minsan lang pag medyo late siya kunwari sa events or sa mall show, iyon.”

Hindi raw nanliligaw sa kanya si Derrick.

LOOKS LIKE DERRICK’S MOM. Kapuna-puna naman na kamukha o kahawig ni Barbie ang mommy ni Derrick, ang dating aktres na si Tina Monasterio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Long lost sister! Isulat natin yan,” at tumawa si Barbie.

Flattered naman si Barbie na masabihang kahawig niya ang ina ni Derrick.

“Weird ang pakiramdam kasi first time pong may nagsabi sa akin niyan.

“Flattered po ako,” pangwakas niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN