Mediation talks between Neil Arce and entertainment editor Joey Sarmiento fall through; Joey breaches "gentlemen’s agreement"

Radio and entertainment columnist Jobert Sucaldito on Joey Sarmiento’s (right) breach of the "gentlemen’s agreement" that Jobert had initiated in order to patch things up between Joey and Neil Arce (left): “Hindi ko siya tinawagan. Nagagalit na ako e, sinabi ko sa radyo, wala kang isang salita. Binanatan ko siya sa kolum ko. Sabi ko, ’hindi ka gentleman kausap.’ Sabi ko kasi, may nagsusulsol siguro sa kanya, may naamoy kasi, may pera


Ayos na pala sana dapat ang hidwaan sa pagitan nina Neil Arce at ang entertainment editor na si Joey Sarmiento, kinagabihan ng Martes ng August 27, ilang oras matapos ang paghain ni Joey ng kasong Physical Injuries at Grave Threat sa Quezon City Regional Trial Court.

Pero nag-iba daw ang kuwento nito dalawang araw matapos ang naturang “pagkakaayos.”

Ito ang exclusive na ikinuwento ni Jobert Sucaldito, veteran radio and entertainment columnist, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, September 7, sa presscon ng kanyang alagang si Michael Pangilinan sa Zirkoh, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Sa pakikipag-usap ng PEP kay Jobert, sinabi nitong namagitan sana siya sa dalawa para lang matapos na ang gulo at makaiwas sa abala sina Joey at Neil.

Lunes, August 26, isang araw bago pa man siya magsampa ng kanyang kaso laban sa boyfriend ni Bella Padilla, nag-guest si Joey sa radio show nina Jobert at Ahwel Paz na Showbiz Mismo ng DZMM Teleradyo.

Kuwento ni Jobert, “Una kasi, Joey called me tapos sabi niya kung puwede siyang ma-guest sa Mismo, sa DZMM, dahil dun sa kanyang ordeal.

“So, ginuest ko siya, nag-guest sa program tapos sinabi niya yung kanyang ordeal.”

“In fairness, nagalit ako siyempre kay Neil, sabi ko he shouldn’t do that to any members of the press kasi that’s not fair kasi kami nagtatrabaho lang.

“Nung kinukuwento ni Joey, parang damang-dama ko na para bang api siya... inapi, binugbog... pero tingin ko wala namang pasa.

“Same thing, nagalit pa rin ako, sabi ko walang karapatan ang kahit sino na manakit ng kapwa.

“Kung may issue puwede pag-usapan, mali or tama man ang tao, members of the press o hindi, dapat hindi sinasaktan. Nagalit talaga ako, nag-comment nga kami ni Papa Ahwel dun sa show.”

Dagdag pa niya, “Right after that, may nakarinig pala sa interview ni Joey na kaibigan ni Neil, so ngayon tinawagan ’ata ni Neil si Jun Nardo. Si Jun kasi ang publicist ng film nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon Jun texted me na if it is okay, na magpapaalam sayo kung puwede daw ba akong tawagan ni Neil.

“Right after the show ha, that time kasi may appointment kami ni Richard Pinlac kay Governor ER [Ejercito] sa Club Filipino.”

“So on our way there, tumawag si Neil, sabi niya, ‘Tito Jobs, actually nag-meet na tayo before, kaya lang sabi niya baka hindi mo na ako matandaan.

“But you know, sabi niya, ‘puwede ba kitang makita ngayon. Can I go to you now?’

Sabi niya, ‘Kasi gusto ko lang marinig mo yung side ko. You don’t have to write about it, you don’t have to mention it, basta ang gusto ko lang marinig mo lang ang side ko.’

“So that night mismo, from Alabang he went to Club Filipino, kasama namin si Jun Nardo, tapos nagkuwento siya ng kanyang side. He’s very consistent, very clear, tapos sabi ko, ah talaga.

“Ako naman sabi ko, ‘in fact pinapagalitan kita sa radio e,’ sinabi ko talaga sa kanya.

“Sabi ko kasi hindi maganda na nanakit ka, e. Sabi niya, ‘hindi ko siya sinaktan. Nagka-scuffle kami so siyempre I really have to drag him out of the house because nagshu-shooting.

“’Live sound ang ginagamit ni Robin [Padilla] so para hindi magka-commotion, para diretso yung shooting, I dragged him literally out, para lang palabasin [siya] kasi binabastos na niya ako sa sarili kong bahay.’

“’You’re extorting me in my own house,’ sabi niya, andaming nakarinig noon. So ngayon, sabi ko, okay. So in short, yun ang side niya, alam mo na naman yung other [Joey’s] side.”

SETTLED. Dagdag pang kuwento ni Jobert, “Ngayon nagkayayaan kami na pumunta dito sa Zirkoh, right after that sa Club [Filipino], pupunta talaga kami ni Richard dito sa Zirkoh, so sumama siya, kami nina Jun Nardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Boy 2 sumunod, si Dos Quizon. Nag-inuman kami dito. Ako, ang naglalaro sa isip ko, you have both sides, regardless kung sinong tama, na ako, honestly, in my heart I believed Neil more.

“Kasi mas logical e, ang iniisip ko kung paano sila pag-ayusin, being a writer at since itong bata namang ito mukha namang mabait naman at mukhang makikinig, so susubukan ko.”

Paliwanang pa ng matapang na showbiz scribe, hindi daw talaga sila personal na magkakilala ni Neil. Pero ang pakay daw niya ay maayos ang gusot between Neil at Joey, na kasamahan sa showbiz industry.

Aniya, “Na-meet ko na siguro siya prior. When I listened to him, he was very respectful, napakagalang, napaka-diretso naman, honest naman, even if I throw in questions na mga small doubts ko, sinasagot niya at maayos.

“So nung nandito na kami, umiinom kami, siya nga hindi umiinom e, pinipilit kung uminom, yung isang bote kaunti lang yung bawas.

“Tapos gumawa ako ng paraan para lang maisingit ko, sabi ko, ‘Anak maayos pa ba natin to? Kasi yun lang naman ang magiging role natin kasi may kanya-kanya silang paniwala e, so sabi ko papa’no?’

“Sabi ko pa, puwede ko ba kayong… may possibility ba na mapagbati namin kayo? Baka puwede niyong pag-usapan kung ano yung differences niyo.

“Sabi niya, ‘okay lang po ako.’ Sabi ko rin, can I air your side, yung kinukuwento mo sa akin on radio the next day?

“Sabi niya, ‘Opo.’ kasi siyempre gusto [ko] lang malaman kung puwede [i-air].”

Patuloy pa niya, “Tuesday night, I aired his side. Right after I aired his side, na si Joey was listening pala, he [Joey] texted me.

“‘Papa Jobs, sabi niya, baka puwede tayong magkape, my treat. Nagkita kami sa Figaro, diyan sa tapat, kami ni Richard, kasama niya [Joey] yung wife niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So nagkuwento, nagkuwento, nagkuwento. Ito ngayon ang sabi ko, possible bang mag-ayos kayo ni Neil, kasi ako pinakiusapan ko si Neil kung puwede ba siyang makipag-ayos sayo, kung puwede kayong mag-usap, magkita.

“In short, na-convince ko si Joey. Pero actually, ang gusto sana niya, huwag naman sana ngayon. Kasi si Neil was scheduled to fly for Amsterdam Saturday, the closest na puwede si Neil was Thursday.

“Pero may meeting siya ng seven o’clock ng gabi sa Alabang. So, earlier puwede kami wherever here sa Quezon City.”

“Biglang nag-text si Neil, sabi niya, ‘Kuya Jobs, ba’t hindi na lang ngayon, saan kayo, puntahan ko kayo.’ Napaka-gentleman niya at saka practical.

“Sabi ko sige. Sabi ko, ‘Joey, sandali, puwede ba ngayon pumunta si Neil? Kita tayo sa Zirkoh, usap tayo.’

“Na-stunned kaagad si Joey, sabi niya, ‘parang hindi pa ako kuwan e.’ Sabi ko, ‘Joey, walang kaibahan yung ngayon at saka yung Huwebes, I know that it’s harder now pero since andiyan na, if you are ready with your heart, madali na lang yun, e.’

“Ganito na lang ang magiging deal natin, mag-uusap tayo for you to settle, are you willing to settle?

“Sabi niya, okay naman daw sa kanya. So ngayon ito ang deal ko sa inyo, I also told Neil, since you stand by your own version, let’s not talk about details.

“Kasi walang mapupuntahan, let’s talk about settling, usap na you may not become the best of friends pero magkakayos kayo. Okay, deal. Deal din si Neil.”

Lahad pa niya, “So dumating. Late dinner kami ni Joey dito, after radio na yun, e.

“Dumating si Neil kasama niya si Dos [Boy 2 Quizon] ’tsaka si Barretto [Cholo], kasama yung brother niya galing sa States, so si Cholo pinapunta ko dito sa loob ng Zirkoh para hindi naman sila maki-miron doon [sa pag-uusap sa labas].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Dos ang pinaupo ko para may witness naman si Neil, si Joey kasi may witness din... yung asawa niya, si Richard.”

Paglalarawan pa ni Jobert sa naging pag-uusap nila, “Nasa gitna ako, magkaharap sina Joey at Neil, ’tsaka si Dos at asawa ni Joey. Nagsasabi si Joey na, ‘nasasaktan ako e, may galit pa ako e,’ sabi ni Joey.

“Tapos sabi ko, ako na lang sumasalo for Neil kasi nga baka kung ano yung sagot ni Neil baka mapasama.

“Sabi ko, ‘Joey, natural may galit din naman sa puso din niya e, hanggang ngayon e, hindi naman ito as if ikaw lang may galit, pareho naman kayo.’

“So, ang inaano natin dito is that, ay ang abala na aabutin niyo because you sued him for slight physical injuries at saka grave threat.

“Ang grave threat ang papatunayan, ang slight physical injury sabi ko dyusko, pam-barangay yan Joey, di ba?

“Sabi ko, papatunayan pa sa court yung abala niyan. Neil will sue you for extortion and trespassing and whatever and he has 84 thousand witnesses.

“So kumbaga, its gulo sa inyo pareho e, abala sa inyo pareho e, kung, may marating man yang kaso, o wala, abala pa rin sa inyo yan.

“You have to wake up at 8 in the morning, 6 in the morning to attend hearings tapos gastos at saka na baka puwede nang pag-usapan.

“Magkakaharap na tayo ngayon. So in short, okay na, magsasalita yung isa na may kaunting details, sabi ko, ‘Uy, don’t talk details, ha?”

“Tapos sabi niya, ‘Papa Jobs, ang sama ng tingin niya sa akin e,’ sabi ni Joey.

“Sabi ko, sabi ni Papa Neil, ‘Hindi, nakangiti nga ako, e.’

“Tapos sabi, ‘E, sarcastic e.’ Sabi ko, ’Tama na.’

SEALED WITH A HANDSHAKE. Kuwento pa ni Jobert, “So in short, okay na. Okay, okay na. Sabi ni Neil, I’m not seeking for your approval, but I’m also asking for a guarantee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang worry lang ni Neil kasi pinagalitan siya ng nanay niya, tinalakan siya ng nanay niya, ‘Ano na naman to,’ parang ganyan, ‘Ano ito? Ba’t nasa headline ka at negative, nambugbog ka raw.’ Siyempre nanay yun, e.

“So si Neil para lang sa ina niya, ayusin na lang niya para hindi na lumaki, kasi para hindi magalit sa kanya ang pamilya niya, ayaw nilang masusuong sa gulo.

“Sabi ni Neil, ’you guarantee me that you desist your cases, I will not push through with mine. Kasi pag hindi mo i-desist, itutuloy ko yung kaso ko.

“‘Ako talaga,’ sabi ni Neil, ‘kampante ako because I have witnesses to attest, to testify by my cases.’

“Sabi niya [Joey], okay na daw, idi-desist na niya. “

Dagdag pa ni Jobert, “Sabi ni Joey, ‘E, paano yun Papa Jobs, may mga press na kasi na nakaalam, okay lang walang problema yan, Neil ganito lang yan, sa mundo naming ito hindi namin kontrolado yung nangyari kahapon at hanggang kanina.

“Yung pinag-usapan natin ngayon until the next day wala nang magsasalita sa inyo. Yung mga lalabas pa lang given na yun kasi hindi na [ma] pull-out yan, e.”

“So okay, call siya doon. Sabi ni Joey, ’anong sasabihin ko kina Benny Antiporda [National Press Club], ni ganito.

“Sabi ko, simple lang, kahit sinong press ang magtanong sayo, what happened to the case, we’re settled. Nag-usap na kami. Huwag ka nang mag-detalye, kasi mangungulit sila.

“Okay, nagkaayos na kami, salamat sa suporta, ganyan ganyan. Pero at least nalaman kong andiyan kayo. Okay na kami, wala nang problema, wala nang kung anik-anik pa. So clear.

“Sabi ko, ’will I be asking too much kung puwedeng mag-shakehands kayo. Kasi ayos na kayo e, gusto ko makitang ayos kayo.’

“Si Neil pa nga ang nagbigay ng unang kamay niya e, para mag-shakehands. Tapos okay na. Tapos na. Naghiwalay, maayos na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFTER TWO DAYS. Biyernes, August 30, sa pag-aakala daw niyang ayos na ay muli raw nagsalita si Joey sa kanyang radio program.

Kuwento pa ni Jobert, “Two days after, nag-text sa akin si Neil.

“Sabi niya, ‘Tito Jobs, may tumawag sa aking isang uknown na texter, may nag-text sa aking unknown na texter na babanatan daw ako sa radyo niya [Joey]. Sa program niya.

Sabi ko, ’talaga, hindi ko alam.’ Sabi ko pakinggan mo, kasi hindi ko alam yung program niya, kasi nasa labas ako. Sabi ko, kapag ginawa niya yan, gulo ’to. Magagalit na talaga ako sa kanya.

“Tuwang-tuwa nga si Atty. [Ferdinand] Topacio e, that night na nalaman niyang nagkaayos na, nung kinuwento ko na ayos na kasi siya ang lawyer ni Joey sabi ni Atty, ‘E di maganda yan naman talaga ang purpose natin e, even the judges, baka magkaayos, may amicable settlement. So ayos na, happy siya.”

“Tapos, pinakinggan ni bagets [Neil], sabi niya, ‘binanatan kami ng todo ni Bela, binanatan daw sila na halos hindi mo daw talaga masikmura yung banat niya. Akala ko ayos na kami.’

“Sabi niya, ‘Kaya Tito Jobs pasensiya na ha, hindi ko na mapagbibigyan to, tutuloy ko na yung kaso. At sabi rin ni Joey, itutuloy niya yung kaso niya.’

“Sabi ko kay Neil, “Anak, you have my blessings.”

After daw nung banat ni Joey sa radio program nito, hindi na daw tinawagan ni Jobert si Joey.

Aniya, “Hindi ko siya tinawagan. Nagagalit na ako e, sinabi ko sa radyo, wala kang isang salita. Binanatan ko siya sa kolum ko.

“Sabi ko, ’hindi ka gentleman kausap.’ Sabi ko kasi, may nagsusulsol siguro sa kanya, may naamoy kasi, may pera, akala siguro makikipag-areglo sa pera.”

Kasalukuyang nasa Amsterdam pa si Neil at kasama sina Robin Padilla para sa shooting ng pelikulang 10,000 Hours. Pagkabalik daw ni Neil, makikipag-set daw ito ng meeting sa Philippine Movie Press Club (PMPC) kung saan miyembro si Joey para daw masabi niya ang kanyang panig sa kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdidiin pa ni Jobert, tuloy daw ang binabalak na kasong isasampa ni Neil laban kay Joey na extortion at trespassing.

JOEY REACTS. Sa pamamagitan ng text messaging ngayong gabi, hiningi ng PEP ang panig ni Joey tungkol dito. Sinabi nitong nagkausap na nga sila ni Neil at nakapagpatawaran pero as of the moment, tuloy daw ang kanyang isinampang kaso.

Text pa ni Joey, in full:

“Hi, I’m in Malaysia right now. Yup, through Papa Jobs nakapagusap na kami at nakapagtawaran. But when he asked me to pull the case out, I said I will not move a day in order for me to talk to NPC, PMPC and the lawyer. And that was what happened. I did talk to them. The case is pushing through. And luckily, the digital recorder which was turned on when I was about to interview Robin was not turned off. “Tol, wag na tayo mag-recorder,” Robin told me. Two hours of memory of the digital recorder from the time I was talking to Robin up to the time I went to Quezon City General Hospital for medico legal. As of the moment, the case is pushing through with NPC and PMPC supporting me. Atty. Mike Mella, NPC lawyer is at the helm of the case. Thanks.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN