Stef Prescott gives birth to baby boy

Stef Prescott posted her message for Baby Ethan on her Facebook page: “My dearest Baby Ethan Zachary, you were worth every minute of my 58 hour labor. I will thank God everyday for giving you to us. I love you with every breath I have and will ever take. I will forever be thankful to be your Mom. We love you so much little one!”


Nanganak na ang Starstruck 4 Avenger na si Stef Prescott.

Ayon sa mga post ni Stef sa kanyang Facebook account, sa Los Angeles, California niya isinilang ang kanyang healthy baby boy na pinangalanan nilang Ethan Zachary noong nakaraang September 5.

Nasa tabi ni Stef and kanyang boyfriend at ama ng kanyang baby na si JP Yap, isang modelo at businessman, noong siya’y nanganak.

Nai-post na nga ni Stef ang mga pictures ni Baby Ethan para makita ito ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan dito sa Pilipinas.

Sa kuwento ni Stef, 58 hours daw ang kanyang pinagdaanang labor bago raw mailuwal ang pinakahihintay nilang baby boy.

Heto ang mensahe ni Stef sa kanyang Facebook page para sa kanyang newborn baby boy:

“My dearest Baby Ethan Zachary, you were worth every minute of my 58 hour labor.

“I will thank God everyday for giving you to us. I love you with every breath I have and will ever take.

“I will forever be thankful to be your Mom. We love you so much little one!”

Masayang-masaya rin ang boyfriend at ama ng baby ni Stef na si JP at nag-post din siya ng sarili niyang mensahe para sa kanyang baby:

“Dear God please give my baby all that is required for a good way of life and for a good way of living and God please let my baby EZ bring good joy and pride to me and my family and God I will give all that is needed to this child and I will do my best to guard baby EZ against all the evil forces and I will also do my best to go out of the way to protect him and God please grant me a good angel to protect my baby EZ and good lifetime of good baby.”

Noong pagpasok ng taong 2013 nang mapabalitang buntis si Stef kaya matagal itong hindi napagkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin na lang ni Stef ang kanyang kalagayan noong nasa ika-5 month na siya ng kanyang pagbubuntis.

Huling napanood si Stef sa mga programa ng GMA-7 na Captain Barbell, Survivor Philippines, Hiram Na Puso at Spooky Valentine. Nag-end na rin ang kontrata niya sa GMA Artist Center noong nakaraang March ng taong ito.

Wala pa raw munang balak magbalik-showbiz si Stef dahil ang pagiging mother kay Baby Ethan ang kanyang priority.

Tungkol sa pagpapakasal nila ni JP, nasa plano na raw nila iyon, pero mas uunahin daw muna nila ang kanilang mga plano para sa kanilang baby.

At tulad ni Stef, mga mothers na rin ang ibang produkto ng Starstruck tulad nila Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Katrina Halili at LJ Reyes.

Kasalukuyan namang buntis sila Iwa Moto at Chariz Solomon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN