Derrick Monasterio admits “bromance” with Kristoffer Martin: “Ma-touch kami sa isa’t isa, tapos, mayakap, ganun.”

Derrick Monasterio on "bromance" with his good friend Kristoffer Martin: “Kasi siya yung tropa-tropa ko talaga ’tsaka medyo may bromance kami nun, e. Hindi, hindi kami maiilang, kami pa? Hindi po kami maiilang. Hindi po kasi kaya nga po kami nagbu-bromance kasi ganun kami ka-comfortable sa pagkatao namin, e. Hindi po kami natatakot. Brotherly love, para kaming magkapatid po. Para sa amin, iyon yun, e. Ma-touch kami sa isa’t isa, tapos, mayakap, ga


Tinanong namin kay Derrick Monasterio kung napansin din ba niya ang napansin ng iba na magkahawig sina Barbie Forteza na leading lady niya sa Anna KareNina ng GMA-7 at ang kanyang inang si Tina Monasterio, na dating sikat na aktres.

“Kasi si Mama maputi din, tapos maputi din si Barbie, tapos malaki mata ni Mama, malaki rin ang mata niya,” at tumawa si Derrick.

“Puwede oo, kita naman po, nung bagets si Mama very ano talaga... voluptuous.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick nitong Huwebes, September 5, sa 17th floor ng GMA Network Center para sa pocket interview ng cast ng Anna KareNina.

Ang pagkakahawig ba ng dalawa ang isa sa mga naka-attract kay Derrick kay Barbie?

“Opo. Kasi siyempre di ba, ang tagal din naming magka-loveteam, tapos naging mas close po kami sa bawat show na ginagawa namin. Kaya siyempre dati pa lang attracted na ako,” pag-amin ni Derrick.

Hindi naman daw nila napag-usapan pa ng mommy niya ang pagiging magkamukha nito at ni Barbie.

Sa tatlong buwan na nilang pagsasama ni Barbie sa Anna KareNina, mas lalo silang naging close…

“Yung tipong lahat po ng sekreto namin, alam na namin. Wala ng tago,” kuwento pa niya.

At dahil tatlong linggo na lamang mapapanood ang Anna KareNina, ang mami-miss ni Derrick sa show…

“Siguro yung staff po namin. Si Barbie hindi, kasi magkikita pa naman kami pagkatapos ng Anna, siyempre po lalabas-labas kami.

“Si Direk Gina [Alajar], mami-miss ko. Yung ano po niya yung pagiging nanay po niya sa amin sa set.”

Ang natutunan niya mula sa kanilang direktor pagdating sa pag-arte...

“Ano po yung pagiging versatile po pagdating sa mga scenes, kung paano lagyan ng ibang timpla yung bawat eksena. Ayun po.”

Nilinaw naman ni Derrick ang mga tsismis na minsan ay nali-late raw siya sa taping ng kanilang drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, ah. Minsan lang po. Actually mas madalas po akong maaga kasi pag maaga ako, like one ako dumadating, five nandun sila, ganun.

“Pero minsan lang po ako na-late siguro dahil traffic, ganun-ganun, o late nakagising,” paliwanag niya.

Sa Anna KareNina, may isang eksena kung saan naligo si Derrick sa swimming pool na naka-shorts lamang, at dahil basa siya sa eksena, may mga nakapansin na tila wala siyang suot na underwear sa naturang eksena.

“May underwear po ako dun!” mabilis niyang sagot.

Bakit ang naging dating ay tila wala siyang suot bukod sa shorts niya?

“Hindi ko po alam, siguro po e…” at tumawa ang young male star.

“Hindi ko po alam.”

Hindi pa raw siya kumportable sa ganoong eksena na nakahubad siya.

“Nahiya nga po ako dun kaya nga po hindi lumabas yung arte ko dun, e. Nakakahiya po. Nakaka-conscious po, hindi po ako sanay,” bulalas ni Derrick.

Kahit sa isang epsiode ng Sunday All Stars na kung saan Eyptian ang theme ng production number nila ay nakahubad si Derrick which led many to think na nagiging matapang na siya ngayon sa pagpapakita ng katawan.

“Ano po kasi kailangan po e, kumbaga yung sa Sunday All Stars kailangan Egyptian, di ba nakahubad, ganun.”

Marami rin ang nakakapansin na nagiging hunky na ang katawan ni Derrick.

“V, naka-V,” at tumawa ang binata.

Ang sekreto ng gumaganda niyang katawan...

“Work-out lang po, ’tsaka basketball, naa-achieve ko naman yung katawan na yun.”

Pero hindi pa raw siya handang rumampa ng nakahubad sa isang event na tulad ng Cosmo Bash.

“Siguro mga ano, two years pa. Eighteen pa lang ako.

“Kasi gusto ko po sana, mapakita ko muna yung bukod dun, kumbaga pang-climax yun, ganun.

“Kumbaga ano po, hindi pa po ako ready, kulang pa po yun, kulang pa,” pag-amin niya.

Twice a week raw siyang mag-work out sa sarili niyang gym sa bahay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BROMANCE. And speaking of being daring and sexy, kung sakaling ma-offer-an si Derrick ng isang project na mala-My Husband’s Lover, papayag daw siya.

Aniya, “Okay lang po, okay lang. Basta makakatulong po sa career ko, sisikat ako lalo, ganun, okay lang.”

Kahit next year ay may ganoong klase ng offer na ialok sa kanya?

“Okay lang, okay lang kahit nga ngayon, e. Oo, okay lang.”

At kung siya ang papipiliin ng makaka-partner sa isang gay-themed project…

“Siguro si Kristoffer.”

Kaibigan raw niya kasi si Kristoffer Martin.

“Kasi siya yung tropa-tropa ko talaga ’tsaka medyo may bromance kami nun e,” at tumawa si Derrick.

Hindi raw sila maiilang.

“Hindi, hindi kami maiilang, kami pa? Hindi po kami maiilang.”

Hindi rin daw siya nag-aalala na baka kuwestiyunin ang gender nila dahil may bromance sila ni Kristoffer.

“Hindi po kasi kaya nga po kami nagbu-bromance kasi ganun kami ka-comfortable sa pagkatao namin, e. Hindi po kami natatakot,” pagmamalaki niya.

Ang deskripsyon niya sa bromance nila ni Kristoffer…

“Brotherly love, para kaming magkapatid po. Para sa amin, iyon yun, e. Ma-touch kami sa isa’t isa, tapos, mayakap, ganun.”

Sa ngayon, ang kotse niya ang pinakamalaking investment na maituturing niya mula sa mga kinikita niya sa showbiz.

Isa itong kulay itim na Montero na binili niya noong January.

“Utang, loan,” at tumawa si Derrick.

Bahay raw ang susunod niyang planong ipundar.

“Gusto ko po yung townhouse para may mapapaupahan ako, parang business ko na rin.”

Ang ina raw niya ang humahawak ng kanyang kinikita at binibigyan siya nito ng weekly allowance.

INDECENT PROPOSALS? Muling nadako ang usapan sa kanyang paghuhubad sa Anna KareNina at sa Sunday All Stars; dahil ba sa maganda niyang katawan ngayon ay nagkaroon siya ng indecent proposals mula sa mga gays?

“Meron! Bago lang. Nagte-text sa akin, e. Hindi ko kilala, feeling ko bading,” pagkumpirma niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Deretsahan raw kung mag-offer sa kanya thru text ang naturang tao at inalok siya ng one hundred thousand pesos para sa isang gabi ng kaligayahan sa piling ni Derrick.

Hindi raw sinagot ni Derrick ang naturang text, at muli raw nag-text ang naturang tao at itinaas sa one hundred fifty thousand ang offer.

Hindi pa rin ito sinagot ni Derrick kaya huminto na ito.

Biniro namin si Derrick; kung five hundred thousand na ang offer, magre-reply na ba siya?

“Hindi po! Hindi po talaga.”

Kung one million pesos?

“Hindi, hindi pa rin po,” giit niya.

Ayon pa sa binata...

“Kaya ko naman pong kitain iyon, e. ’Tsaka straight po kasi akong lalaki kaya ini-imagine ko na lang yung halimbawa nakabili ako ng gamit galing dun, parang magi-guilty ako dun sa gamit, parang hindi…

“Halimbawa may mamahalin akong bagay na nakuha dahil dun, parang hindi ko siya mae-enjoy as much as pag pinagtrabahuhan ko siya.”

Bukod dito, hindi gagawa ng kalokohan si Derrick dahil Ambassador siya ng National Youth Commission kaya kailangan siyang maging role model para sa mga kabataan.

Sa Anna KareNina, wala raw silang patalbugan nina Hiro Peralta at Julian Trono pagdating sa pag-arte at sa paguwapuhan.

Sa tingin ba niya ay sino ang pinakaguwapo sa kanilang talo?

“Ako,” sabay tawa ni Derrick.

Ano ang lamang niya sa dalawa?

“Malaki… malaki po yung lamang ko! Hindi, joke lang!

“Siyempre sarili ko ito, bubuhatin ko po yung sarili ko pong bangko, di ba? Ano siguro para sa akin po, mas matangkad ako.

“Sa acting? Siguro mas nabibigyan po ako ng role na medyo drama. Pero sa tingin ko kaya din po sila na bigyan ng break na bonggang drama, kaya din po nila.”

CRUSH ON SOLENN HEUSSAFF. Bukod kay Barbie, ang gustong makapareha ni Derrick in the future ay si…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Solenn Heussaff! Uy! Crush ko po siya, e.”

Ang nagustuhan niya kay Solenn…

“Lahat, ang ganda, perfect.”

Pinagpapantasyahan niya si Solenn?

“Hindi naman,” at muling tumawa ang binata. “Siguro ano idol ko lang po, napaka-talented po kasi, e. Make-up artist na, magaling mag-paint.

“Ayun ano lang, napaka-talented ’tsaka mabait, humble.”

Nag-bonding na sila ni Solenn?

“Sa mga dressing room lang po [sa Sunday All Stars]. Pumupunta po ako dun minsan kasi humihingi ako ng pagkain sa grupo niya.

“Mabait siya, hindi siya snob,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN