Julie Anne San Jose gets her big primetime break via Kahit Saan Ka Man

Julie Anne San Jose on being given her first major role for a primetime teleserye: “First time ko kasing magpa-primetime. So talagang… masaya. Ang sarap ng feeling. At saka sobrang excited din po ako. Kasi after ng story con, alam ko na yung story. And… challenging din po yung role. Kasi, parang ang ginagawa ko lang lagi po dati di ba… light drama lang? E ito, may pagka-musical siya. At saka medyo drama talaga. And I’m really really e


Kasado na ang bagong primetime series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Julie Ann San Jose. Ginanap nga ang story conference para rito last Saturday, September 7, sa new building ng Kapuso network compound.

“Actually sobrang blessed ang pakiramdam ko. I’m thankful kasi first time na mabigyan ako ng opportunity na magbida sa pang-primetime,” masayang pahayag ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang TV crew na naroon.

“First time ko kasing magpa-primetime. So talagang… masaya. Ang sarap ng feeling.

“At saka sobrang excited din po ako. Kasi after ng story con, alam ko na yung story. And… challenging din po yung role.

“Kasi, parang ang ginagawa ko lang lagi po dati di ba… light drama lang?

“E ito, may pagka-musical siya. At saka medyo drama talaga.

“And I’m really really excited kasi nga po, makakatrabaho ko yung ibang mga veteran actors. Like halimbawa si Ms. Eula Valdes.

“Maraming magagaling na artistang susuporta sa amin. Yung mga tutulong sa amin. Para magawa nang maayos yung characters namin, yung roles namin at yung mga eksena.”

Nasorpresa nga raw si Julie Anne nang abisuhan siya tungkol sa bagong project niyang ito sa GMA.

“Supposed to be po kasi, nasa Dormitoryo ako,” pagtukoy niya sa isa pang bagong suspense series naman ng Kapuso network.

“Pero ano po… I was told na hindi na raw ako kasali ro’n. And… siguro blessing in disguise na rin po iyon.

“Na kahit natanggal ako sa Dormitoryo, dito naman po ako napunta sa Kahit Saan Ka Man. So ano po… sobrang blessed po ako.

“Although sayang din yung Dormitoryo. Kasi maganda rin daw yung story no’n. Dahil thriller nga siya.”

PAIRED WITH KRISTOFFER MARTIN. Sa mga sumailalim sa isinagawang screen test, si Kristoffer Martin ang napiling gumanap bilang kapareha niya. Hindi kaya mag-react negatively ang mga JuliElmo fans na tagasuporta ng loveteam nila dati ni Elmo Magalona?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam na naman po nila. I would like to believe na alam na rin nila na si Kristoffer ang makaka-partner ko.

“Uhm… I think okay lang naman din po sa kanila. Kasi si Kris [tawag niya kay Kristoffer], wala naman po akong problema sa kanya. At saka okay naman po talaga kami.

“And… ‘yon! Magaling po siyang actor. Sobrang versatile niya.

“At saka… I’m really excited. Kasi first time ko siyang makakatrabaho sa isang soap. Kasi usually nagkikita lang kami sa Party Pilipinas before. Tapos sa Sunday All Stars ngayon.

“So ano… I’m really excited talaga. At saka this is another opportunity na makatrabaho ko yung mga ibang artists dito sa GMA. Gano’n.

“And siyempre parang… bago na rin ‘to, e. Bago na rin.

“At saka ano, parang… mas gusto kong mag-explore pa. And mag-innovate pa. ‘Yon!” masaya niyang kuwento.

Nauna siyang nakilala bilang magaling na singer. Dream project ba niyang masasabi itong bagong soap na kanyang pabibidahan kasi nga pinaghalong musical at drama ang tema?

“Uhm… actually kung dream project talaga, siguro masasabi kong isa nga ito. Pero ang pinakagusto ko talaga, action!” natawang pag-amin ni Julie Anne.

“Action kasi… para maiba lang. Ibang side ko naman.”

NEW FAN CLUB. Hindi pa man sila nagsisimulang mag-taping ni Kristoffer para sa bagong primetime series na magkatambal sila, may nabubuo nang grupo ng fans nila.

Pagpapatuloy pa ni Julie Anne, “Meron na. Nabasa ko sa Twitter, meron nang KrisLie [bansag sa tandem nila ni Kristoffer].

“Dati, nasanay sila sa JuliElmo. At saka sa KrisJoyce [tawag naman sa dating Krisstofer Martin-Joyce Ching tandem].

“A… bago itong KrisLie. Bago.”

Wala naman daw siyang nakikitang problema kay Joyce Ching na girlfriend ni Kristoffer sa totoong buhay.

“Okay naman talaga kami ni Joyce. Malabong magkaroon ng intriga sa aming dalawa.

“At saka I’m here to work. And wala naman po akong balak na manira ng buhay ng ibang tao o relationship ng sinuman!” natawang diin pa ni Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman akong balak na gano’n. Basta ano po… I’m being professional and ano lang talaga… work,” pagtatapos ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN