Kristoffer Martin thankful for being cast in new GMA-7 primetime soap, Kahit Saan Ka Man; grateful for KrisLie fan club’s support

Kristoffer Martin on KrisLie, the newly-formed fan club of his loveteam with Julie Anne San Jose: “Oo nga! Nagulat ako, e. Nagulat ako, ha! Meron nang KrisLie fans! Do’n sa Twitter, ha! Nung tiningnan ko, ilang oras pa lang within the day, meron na kaagad mahigit 600 followers. So nagulat ako. At the same time, natuwa ako. Kasi… kahit papa’no may mga sumusuporta na sa una pa lang.”


Matapos mag-story conference para sa bagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Saan Ka Man, excited na ang leading man ni Julie Anne San Jose dito na si Kristoffer Martin para sa pagsisimula ng taping nila. Hindi nga raw niya akalaing siya pala ang bagong makaka-loveteam ng singer-actress.

“Natutuwa ako kasi sunud-sunod ang project para sa akin, e,” masiglang bungad ni Kristoffer nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, September 8.

“From Luna Blanca, tapos Pahiram Ng Sandali, and then Kakambal Ni Eliana, at ngayon nga ay itong Kahit Saan Ka Man.

“Sobrang nararamdaman ko yung blessing ni Lord sa akin every day, every night… lagi.

“So, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Kanya.

“Nung katatapos pa lang ng Kakambal Ni Eliana, wala pa akong alam. Hindi ko pa alam kung ano ang kasunod na soap na gagawin ko.

“Tapos parang may sinabi nung handler ko na… ’attend ka sa screen test na ‘to.’

“So, um-attend ako ng screen test. Tapos two days after, sinabi… nakuha ko na yung role.

“Hindi agad ako naniwala. Akala ko niloloko lang ako ng handler ko. E… confirmed nga pala talaga.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin yung project, e. Hanggang nag-story conference na nga kami nitong Saturday [September 7].

“And… ang ganda ng story. Sobrang kakaiba. At bago rin sa akin. Bilang ako na bagong artista na gumawa ng ganitong klaseng soap.

“Kasi musical, e. So… kakanta-kanta. Iba-ibang tira na naman ng arte. Excited ako para sa project na ito.”

DRAMA MUSICAL. Unang beses pa lang siya masasabak sa isang serye na drama nga pero may halong musical. Masusubok ngayon ang talent din niya sa pagkanta. Paano siya naghahanda para rito?

“Sa banyo, kumakanta ako. Habang naliligo!” natawang biro ni Kristoffer.

“Uhm… hindi ko alam kung magbibigay sila ng parang workshop. Pero… kaya naman siguro ng boses ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May tiwala naman ako sa boses ko kahit papano. Kahit hindi siya gano’ng kaganda. Okay lang.

“Pero… hindi ko pa kasi alam ang genre ng musical dito, e. Hindi ko alam kung pure musical ba o… iba-iba.

“Feeling ko naman, iba-iba ng tipo, e. So… ’yon. Tingnan natin.”

NEW LOVETEAM WITH JULIE ANNE. Hindi pa man sila nagsisimula na mag-taping ni Julie Anne para sa bagong soap na una nga nilang pagtatambalan, napag-uusapan na ang kanilang pagiging magka-loveteam sa Twitter.

“May nabasa nga ako na… ’umaasa kami na JuliElmo [tawag sa naunang loveteam nina Julie Anne at Elmo Magalona].’

“Na… ’iiiyak ko na lang ‘to dahil hindi pala JulieElmo.’ Gano’n.

“Trabaho lang naman. Siguro hindi naman ito ibibigay sa amin kung hindi dapat.

“At saka hindi rin naman siguro talaga paghihiwalayain yung JuliElmo na loveteam.

“Hindi naman kasi laging nakadikit doon sa loveteam, e.

“Malay mo, sina Julie Anne at si Elmo, may mga sarili nang path ng career nila. At iyon siguro ang ipina-prioritize ng network.

“So… sana maintindihan naman ng mga followers ng JuliElmo. At sana suportahan nila yung soap. Hindi nila ba-bash-an!” medyo natawa ulit na sabi pa ni Kristoffer.

“But so far, wala pa naman akong bashers dahil sa pagtatambal namin ni Julie Anne. Ewan ko lang sa mga susunod na araw!” tawa na naman niya.

“Nung nalaman ng fans na kami ni Julie Anne, may mga nababasa ako sa Twitter na… mas maganda pa raw sana kung JuliElmo.

“Pero wala pa naman yung… ’hindi ka bagay kay Julie Anne, Kristoffer!’

“Wala pa naman. Check ko ulit sa Twitter! Ha-ha-ha!”

KRISLIE.” Pero meron din naman daw fans na agad-agad ay aprub ang tambalan nila ni Julie Anne at willing na sumuporta sa kanila. May tawag na nga sa tandem nila: KrisLie.

“Oo nga! Nagulat ako, e. Nagulat ako, ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron nang KrisLie fans! Do’n sa Twitter, ha! Nung tiningnan ko, ilang oras pa lang within the day, meron na kaagad mahigit 600 followers.

“So nagulat ako. At the same time, natuwa ako. Kasi… kahit papaano may mga sumusuporta na sa una pa lang,” pasasalamat niya.

Balitang kasama sa mga ini-screen test din para sa magiging kapareha ni Julie Anne ang dati ngang ka-loveteam nito na si Elmo Magalona.

“Ang alam ko lang kasi na nag-screen test din, si Lucho Ayala. Siya ‘yong lumabas na rin sa Endless Love at saka sa Indio. Siya bale ang magiging ka-love triangle namin ni Julie Anne,” sabi niya.

Hindi niya alam na nag-screen test din si Elmo?

“Alam ko ‘yon. Natuwa nga ako kasi… gusto ko ring makasama si Elmo sa trabaho.

“Tinawagan ko pa nga siya [Elmo] na… ’Pare, mukhang magkakasama tayo, a!’

“Sabi naman niya… ’oo nga, e.’”

Bakit hindi napasama sa cast si Elmo?

“Hindi ko kasi alam ang reason, e. Dapat nga, sa pagkakaalam ko, ako yung character ni John, yung napunta kay Lucho Ayala.

“Nagulat na nga lang ako na sa akin napunta yung role as Leandro,” na inaasahan naman daw niyang para kay Elmo.

“So, hindi ko talaga alam yung reason o kung ano ang nangyari. At ayoko nang alamin.

“Kasi ayoko naman ding makialam kung… ano ba ang dapat na desisyon nila,” patungkol niya sa mga taong nasa likod ng production ng soap.

“Ako… trabaho lang nang trabaho.

“At natutuwa ako na may fans na sumusuporta agad sa pagtatambal namin ni Julie Anne. Alam din naman siguro nila na magkaibigan naman kaming dalawa.

“Kaya siguro yung mga fans ni Julie Anne, gustong sumuporta na rin. Kesa i-bash nila, ayawan, o siraan yung gagawin nga naming soap… susuportahan na lang nila,” dagdag pa ni Kristoffer.

GOOD BREAKS. Tuluy-tuloy na nga yata ang pagbibigay ng magagandang break sa kanya ng GMA. Hindi kaya magkaroon ng professional jealousy ang ibang Kapuso youngstars sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E… dumaan din naman ako sa stage ng paghihintay ng tamang panahon na ako naman ang mabigyan ng ganitong break.

“At saka sa industriyang ito, pagtatrabahuhan mo talaga, e. Okay yung boom kaagad...

“Pero maganda rin naman kung step by step din. Gaya nga ng nangyayari sa akin… dahan-dahan. At okay ako sa ganito,” pagtatapos ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN