Valerie Concepcion prefers older men: “At least, five years older than me.”

Sa pagtatapos ng Anna KareNina, mami-miss daw ni Valerie Concepcion ang co-stars niyang sina Derrick Monasterio at Joanna Marie Tan. Aniya, “Niloloko lang kasi ako lagi ni Derrick na, ‘Miss Val, o, ang ganda-ganda talaga, fresh!’ Tapos, si Joanna naman, nagkukuwentuhan kami, kasi kami lagi ang magkaeksena.”


Marami ang naiinis o nagagalit kay Valerie Concepcion sa pagganap niya bilang kontrabidang si Ruth sa Anna KareNina ng GMA-7.

Kuwento ni Valerie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kapag naglalakad siya sa pampublikong lugar, ang pakiramdam niya ay mayroong gustong sugurin siya.

“Gusto nilang putukin yung boobs ko, mga ganoon, personalan na ito!” natatawang bulalas ng aktres.

Nakapanayam ng PEP si Valerie noong Huwebes, September 5, sa pocket interview ng cast ng Anna KareNina sa GMA Network Center.

Nabanggit din ni Valerie na per project ang kontrata niya sa GMA-7 kaya freelancer siyang maituturing bilang artista.

“Pero sabi nila meron na daw po akong next soap [opera] pero November pa.”

Kahit salbahe ulit ang role niya, papayag siya?

Tugon ni Valerie, “Bakit hindi? Oo naman.”

Hindi ba siya nag-request sa GMA-7 na pabaitin naman siya sa susunod niyang proyekto?

“Para maiba naman doon sa ibang nagawa ko? Puwede, di ba?

“Hindi naman, ako naman, ayoko namang mamili po ng roles as of the moment, so...

“Di ba, dito nga [Anna KareNina], may anak akong teenagers?

"Ibig sabihin, five years old pa lang ako, nanganak na ako!

“Di ba, hindi ko tinanggihan?

"So, ayoko pong mamili ng roles as of the moment, parang gusto kong i-explore yung pagiging aktres. Iyon.”

Twenty-five years old pa lang ngayon si Valerie, ngunit may anak na siya mula sa pagkadalaga.

Nae-enjoy naman daw niya ang pagiging kontrabida sa Anna KareNina.

“Ay super, super, sobra po!” bulalas ng aktres.



SERYE ENDING. Sa pagtatapos ng Anna KareNina in three weeks, ano ang pinaka mami-miss ni Valerie?

“Hmmm… sa lahat ng cast? Yung mga bagets, yung dalawang anak ko, si Joanna [Marie Tan] tsaka si Derrick [Monasterio].

“Si Derrick kasi, nakakatawa, e, nilalandi ako ni Derrick!” sabay-tawa ni Valerie.

Sabay bawi ng, “Hindi, joke lang, joke lang!

“Niloloko lang kasi ako lagi ni Derrick na, ‘Miss Val, o, ang ganda-ganda talaga, fresh!’ Ginaganoon niya ako lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, si Joanna naman kasi, nagkukuwentuhan kami, kasi kami lagi ang magkaeksena.”

Speaking of Derrick, may chance ba na magkagusto si Valerie sa mas bata sa kanya?

Sagot niya, “Wala, hindi.

"Ang type ko yung older than me, e. Gusto ko, at least five years older than me.”

Kung si Valerie ang tatanungin, sino sa palagay niya ang dapat na maging tunay na Anna KareNina sa kanilang teleserye—si Krystal Reyes bilang si Anna, Barbie Forteza bilang si Karen, at Joyce Ching bilang si Nina?

"Kasi sa original, si Anna yung totoong Anna Karenina, di ba?

“So para maiba, para ma-surprise ang mga tao, siguro puwedeng si Karen.

“Kaya lang, ang problema naman, ang iniisip ko, pag si Karen, baka anak ko sa labas si Derrick para maging loveteam sila, di ba? Parang complicated.

“So ano na lang siguro ulit, di ba? Hindi ko alam!

“Si Joyce kasi, okay din, kaya lang na-establish na siya na anak ni Abel [Neil Ryan Sese], di ba?”

Ayaw raw i-reveal ng kahit na sino sa production kung sino ang tunay na Anna Karenina.

“Kahit kami, tinatanong namin kung sino, ayaw nilang sabihin.

“Ayaw daw nilang ilagay sa script dahil gusto nila pag nandoon na, tsaka sasabihin.”

Kaya ang may alam lang ay ang writer.

“At saka yung mga staff.

"Wala, e, bina-bribe ko na nga, e, ‘Halika kain tayo! ‘Sino ba talaga?’

“Wala talaga e, ayaw sabihin.”



SUITORS. Kinumusta naman namin kay Valerie ang manliligaw niyang doktor.

Sabi niya, “Okay naman siya, nanliligaw pa rin siya.

“Actually, intern pa lang siya, next year pa siya magbu-board.

"Gusto niyang maging anaesthesiologist.”

May pulitiko ring napabalitang nanliligaw kay Valerie.

“Wala na yun, wala na, friends na kami!” tili ni Valerie.

Binata naman daw ang naturang pulitiko, pero mas masugid lang manligaw ang medical intern.

“I just felt like it’s not gonna go anywhere, so iyon, I chose to be just friends with him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARRYING AGE. Ano ang ideal age para kanya para mag-asawa?

Sabi ni Valerie, “Basta ako, may go-signal na ako kay Heather, pagdating niya ng ten years old.”

Magna-nine years old na sa October ang anak ni Valerie na si Heather Fiona.

What if wala pang ten years old si Heather ay umibig na si Valerie at may magyayang magpakasal sa kanya? Sino ang susundin niya, ang puso niya o si Heather?

“Si Heather,” pagsisiguro niyang sagot.

So, pipigilin niya muna ang sarili niya na magmahal?

“Hindi... I mean, if talaga namang meant kami noong papakasalan ko, alam mo yun, we could wait ng isang taon.

"Ano ba naman ang one year, di ba?

“So I have to respect the… minsan na nga lang makialam yung anak ko, so I have to respect that.”

Papayagan ba naman siya ng parents niya?

“Feeling ko naman oo. Kasi ngayon lately, parang the past two years, mas nagiging independent na ako, e.

“I’m handling my own money, tapos parang, ayun, nagiging independent na ako.”



ORIGINAL LOVETEAM. Hiningan naman namin ng reaksiyon si Valerie na pag-alis niya sa ABS-CBN ay lumipat naman doon si JC de Vera.

Sina Valerie at JC ay orihinal na magka-loveteam sa teen show ng GMA-7 noon na Click. Halos pareho pa lang silang nagsisismula sa showbiz noon.

“Sayang nga, e, hindi kami nag-abot! E, wala, ganoon talaga.

“Malay mo sa susunod, siya din babalik ng GMA!” at muling tumawa si Valerie.

Nagkita na raw sila kamakailan ni JC.

Kuwento ni Valerie, “Nagkita kami sa mall siguro bago siya nag-ABS, tapos sabi ko, ‘Sobra mong payat!’

“Hindi naman niya sinabing mag-e-ABS na siya.”

Baka naman ang ending, sila pa rin ulit ni JC ang magka-loveteam?

“Kami ang loveteam pa rin, parang Dawn Zulueta at Richard Gomez, di ba?” at muling tumawa si Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



IN BUSINESS. Bukod sa pag-aartista, tuloy pa rin ng tatlong negosyo ni Valerie.

May franchise siya ng Posh Nails sa McKinley Hill, AquaQuest water refilling station, at LaundryQuest laundry shop.

Pero hindi na raw siya hands-on sa pagma-manage ng mga nabanggit na negosyo.

Ang mga magulang na niyang sina Mommy Mayette at Daddy Rudy ang nagma-manage ng mga ito.

“Mommy ko po ang hands-on sa Posh Nails, tapos ibinigay ko naman sa Daddy ko yung laundry tsaka yung water station. Kaya sila po nag-aasikaso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN