Barbie Forteza reveals crush Dennis Trillo is now her textmate

Isa sa wish ni Barbie Forteza ang makuha ang cellphone numbers ng crush niyang si Dennis Trillo. Kuwento ni Barbie, “Ang hiling ko lang naman noong birthday ko, makuha ko yung number niya. Sobrang kuntento na ako doon, e, natupad, at nag-text! Ayun, okay na yun!”


Sweet sixteen na si Barbie Forteza nang mag-celebrate siya ng kanyang kaarawan nitong July 31.

Dahil sa mura niyang edad, hindi pa rin daw siya binibigyan ng freedom ng kanyang mga magulang.

Sabi niya, “Ang kasunduan po namin ng mga magulang ko, eighteen.”

Bawal pa kay Barbie ang magmaneho ng sasakyan at umalis ng bahay na walang chaperone.

Kaya ba niyang hintayin ang dalawang taon pa para maging independent?

Aniya, “Oo. Gusto ko na nga, e. Gusto ko na.

“Kasi parang ang hirap gumalaw kapag laging, kumbaga, kunwari lalabas ako kasama noong mga kaibigan ko.

“Kailangan ko pang abalahin si Daddy, kasi siyempre, siya po yung magda-drive, ganyan-ganyan.

“Hindi naman puwede iba [ang mag-drive]. So, ganoon.

“Bukod sa gusto ko na ring maging independent, nahihiya ako sa kanila dahil sobrang abala na yung ginagawa ko sa kanila.”

Gusto rin naman ng mga magulang niya na patuloy siyang bantayan at samahan sa lahat ng oras.

“Actually,” kumpirma naman niya.

JOSHUA DIONISIO. Nagawi naman ang usapan sa naudlot na pagiging loveteam nila ni Joshua Dionisio.

Sa ngayon ay si Derrick Monasterio ang ka-loveteam ni Barbie at kapareha sa Anna KareNina ng GMA-7.

Wala ba siyang panghihinayang na hindi nagtuluy-tuloy ang sa kanila ni Joshua?

Sabi ni Barbie, “Wala naman pong panghihinayang dahil hanggang ngayon naman e nandito pa rin ako.

“At feeling ko naman, masaya siya kung nasaan siya. So, iyon.”

Kapag eighteen na ba si Barbie, puwede na ba siyang ligawan at eventually ay magkaroon ng boyfriend?

“Puwede naman po na, e.”

Pero ayaw pa niya?

“Kasi stress! Parang ang daming responsibilities.

"E, hello! Sixteen pa lang ako, ‘no?” bulalas niya.



DENNIS TRILLO. Kung crush naman ang pag-usapan, very vocal si Barbie sa pagsasabing crush niya si Dennis Trillo.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Dennis noon, sinabi ng aktor na payag siyang makapareha si Barbie sa isang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa muna si Barbie bago sinabing, “Nahihiya na nga po ako sa kanya, e, baka nakukulitan na siya sa akin!”

Papayag din ba si Barbie sa isang proyekto with Dennis?

“Opo naman, aarte pa ba ako?” sagot niya.

Makaarte kaya siya sa harap ng kamera kapag si Dennis na ang kaeksena niya?

“Siguro kailangan ko ng ano... ng matinding adjustment!” sabay-tawa ni Barbie.



TEXTMATES. Nadiskubre rin ng PEP. na nagkapalitan na ng cellphone numbers sina Barbie at Dennis.

Noong una ay nahihiya pa si Barbie na aminin ito.

“Ano po ba’ng sabi niya?

“Opo, pero hindi ko alam kung puwedeng sabihin, baka private,” ang natatawang pag-amin ni Barbie.

Nagka-text-an na rin daw sila.

“Ano lang po, hindi masyado, noong dati lang po, noong nagbigay ako ng yema, nag-thank you po siya, ganoon.”

Ipinakibigay raw niya sa mommy niya ang yema para kay Dennis.

“Sa Startalk dati, pinabigay po sa P.A. [production assistant] ni Dennis.”

Ano naman ang tinext niya kay Dennis?

“Sana magustuhan niya po, sabi ko gawang-Biñan [Barbie’s hometown].

“Sabi niya, ang dami ko daw binigay, ang sweet ko daw, ganoon, thank you daw.”

Paano sila nagkapalitan ni Dennis ng number?

“Puwede ko ba ikuwento?” nag-aalangang sabi ni Barbie.

“E, kasi, yung sa yema, parang sa production assistant po ng My Husband’s Lover pinabigay, e, kasi close din po namin noon.

“Tapos, kuwento lang po naman, hindi ko naman po sigurado, na hiningi daw po ni Sir Dennis yung number ko.

“Tapos, tinext po ako. Iyon salamat daw sa yema.”



BIRTHDAY WISH. Bihira na raw silang magka-text ngayon ni Dennis.

Ayon pa kay Barbie, “Actually hindi ko naman talaga, kumbaga ibang usapan na yung magiging textmate kami.

“Ang hiling ko lang naman noong birthday ko, makuha ko yung number niya, so okay na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang kuntento na ako doon, e, natupad, at nag-text! Ayun, okay na yun!”

What if manligaw sa kanya si Dennis?

Tumawa muna si Barbie bago sinabing, “Kukurutin ko muna yung sarili ko, ‘Panaginip ba ‘to?’

“Siguro hindi… get-to-know each other... Wow!

“Kasi siyempre, di ba, ang layo din ng age gap namin, so iba rin naman yung mga gusto namin sa buhay, iba rin yung mga goals namin.

“Kinikilig daw ako!” at muling tumawa ang young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN