Zia Quizon reveals love advice from the late Comedy King

Zia Quizon on being part of showbiz like her celebrity parents: “Sa totoo lang, I didn’t really expect na magkaka-career ako sa showbiz, e. Of course, growing up, I saw what would be expected of people, the drawbacks of not having so much privacy and things like that. So I really had to come to terms with those things before I decided na maybe I’m strong enough for it, [na] kaya ko ‘to. My parents were always wary of making sure if kaya ko na.&qu


Sa patuloy na pagganda ng music career ni Zia Quizon, naiisip ba niya minsan na sana ay nasaksihan ng amang si Comedy King Dolphy ang tagumpay niya ngayon?

Sagot ng singer, “Yeah, but I’d like to think that he can still see me, somewhere, somehow.

“I’d like to think that everything I do is also in his memory na lang din, as opposed to this will make him proud, this will make him happy.

“It’s nice to see that may guardian ka sa ganon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak ni Zsa Zsa Padilla at ng yumaong Comedy King sa Avida Towers Asten launch na ginanap sa Greenbelt 5 Gallery noong Biyernes, September 6.

SHOWBIZ ROYALTY. Ang advantage daw ni Zia bilang anak ng showbiz couple ay maaga niyang nakita kung ano ang magiging buhay niya kapag pinasok niya ang showbiz.

“Sa totoo lang, I didn’t really expect na magkaka-career ako sa showbiz, e.

“Of course, growing up, I saw what would be expected of people, the drawbacks of not having so much privacy and things like that.

"So I really had to come to terms with those things before I decided na maybe I’m strong enough for it, [na] kaya ko ‘to.

“My parents were always wary of making sure if kaya ko na."


THE INTROVERT. Nakapag-adjust na ba siya sa mundo ng showbiz?

Ayon kay Zia, “I’m still adjusting.

"It’s something that is hard for someone like me dahil introvert ako.

"Yung mga interes ko [are] a bit more eccentric, my style is a bit eccentric.

"But I think the Filipino people appreciate that na rin, lalo na [with] the Internet.

“We’re getting so exposed to different musical styles and for free.”

Ayaw raw magsalita nang tapos ni Zia Quizon kung susubukan din niya ang pag-arte in the future, pero mas nakikita raw niya ang sarili na nagtatrabaho behind the camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi akong tinatanong kung mag-aartista ba ako or if I have plans.

"Mahirap lang kasi hindi talaga ako nag-training o may experience sa [musical or theatre] play.

“Kahit [nung] bata ako, hindi talaga ako mahilig [sa pag-arte], unless graded.

“Pero I don’t wanna to close any doors, if some things come my way din naman.”

LESSONS FROM PARENTS. Kung mayroon man daw siyang mahalagang natutunan mula sa kanyang mga magulang pagdating sa trabaho, ito ay ang laging tatandaan ang saysay ng trabaho.

Kuwento ni Zia, “I think yung pinakaimportante din [is] to remind yourself why you’re working.

"Talagang it’s nice to remind yourself na, ’These are my dreams, ito yung gusto ko, this is what I want to do in my life, I want to send positive message sa mundo.’”

So what’s next for Zia in the years to come?

“For me, baka mas talagang behind the scenes.

"I’m more cerebral na tao, so parang hopefully doing film or something I’m really interested in, pero from behind the scenes, like directing and writing.”

LOVE ADVICE. Bukas din naman daw si Zia pagdating sa pag-ibig, pero marami raw siyang ikinukunsiderang mga payo mula sa mga magulang.

Paliwanag niya, “I think it’s important lang din to experience new things in life.

“Kaso lang, of course, I was raised by somebody who is very experienced in things about love,” pagtukoy niya sa yumaong ama.

“He’s been around, di ba?

“So growing up, talagang naririnig mo yung, ‘O, basta bring back a good boy home who won’t lie to you. Ganito kasi ang mga babaero ganyan-ganyan.’”

BIRTHDAY CONCERT. Sa September 26 ay magkakaroon ng birthday concert si Zia sa Music Museum.

Ayon kay Zia, tila tradisyon sa kanilang pamilya na magkaroon ng birthday concert.

Zia was born on September 23, 1991 and will turn 22 years old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aasahan naman daw ng kanyang mga fans na mae-enjoy nila ang kanyang nalalapit na concert.

“Hopefully they can expect mga bagong songs from me, na baka hindi nila expect na i-perform ko.

“They can expect na lang to be surprised kasi madami kaming production numbers na maganda,” paniniyak pa niya.

Kamakailan din ay ini-launch na ni Zia ang kanyang second album na A Little Bit of Lovin’.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN