Bea Binene admits Ken Chan helped her to move on from breakup with Jake Vargas

Bea Binene on ex-boyfriend Jake Vargas: "You don’t have to forget your past, you just to move on. Ayaw ko siyang kalimutan kasi he became naman part of my life."


Hindi itinanggi ni Bea Binene ang closeness nila ngayon ng kapwa niya Kapuso talent na si Ken Chan.

Pahayag ni Bea, "We’re good friends, we enjoy each other’s company.

"Pero wala kami dun sa relationship… siguro ano, we’re getting close to each other.

"Hindi naman niya sinasabi kung nagpaparamdam siya, pero sa ngayon, friends pa lang kami.

“Ayaw ko munang isipin ang lovelife."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa mall show nila ni Ken sa SM Clark, Pampanga kahapon, September 8.

BOYFRIEND-MATERIAL. Kabi-break lang ni Bea kay Jake Vargas noong July 28, kaya parang ayaw na raw muna ng 15-year-old actress na ma-involve romantically ngayon.

Pero ang tiyaga-tiyaga raw ni Ken sa kanya. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Pabirong sabi ng Kapuso tween star, "Malay ko diyan!

“Nagulat ako, bigla na lang siyang sumulpot sa taping ng Vampire Ang Daddy ko... na-surpirse talaga ako.

"Kalurkey! Wow, nakaka-touch! Nakaka-touch.

"I appreciated it a lot, like every single thing that he does.

"At saka si Ken kasi, napaka-edukadong tao, may values, at maraming bagay kaming napagkakasunduan."

Sa tingin ba niya ay boyfriend-material si Ken?

Tugon ni Bea, “Siguro naman, pero ako kasi ngayon, hindi ko pa iniisip yun.

"Basta na-appreciate ko yung kanyang attitude, yung pakikipag-ano niya sa tao.

"Yung family niya, sobrang bait sa akin. Parang ang turing nila sa akin ay isang anak kaya sobrang nakaka-touch talaga."

Masasabi ba niya na si Ken ang pinakamalapit na lalaki sa buhay niya ngayon?

Mablilis niyang tugon, "Yeah, I can say that. Siya ang pinaka-close ko talaga."

Exclusively dating na ba silang dalawa?

"No, hindi," pagtanggi niya.

"We’re getting to know each other.

"Hanggang dun muna yun... yun na yun."

MOVING ON. Aminado naman si Bea na malaking factor ang closeness nila ni Ken ngayon para mas mabilis siyang makapag-move on sa breakup nila ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman... oo naman. He helped me... he helped me a lot.

"Sobrang supportive siya... tinulungan niya ako.

"Ngayon, may mga nababasa ako sa Twitter na comments ng fans na, ’Ano ba ’yan... agad-agad!’ Mga ganyan.

"Gusto kong sabihin sa kanila na, ‘Hindi pa po.’ It’s not what they think.

"Ako, I’m just enjoying his company. We’re just enjoying each other’s company.

"Tinulungan niya talaga ako."

Naniniwala ba siya na para makapag-move on ang isang taong mula sa isang failed relationship ay kailangang makahanap siya ng iba?

Sagot ng Sunday All Stars mainstay, "No, hindi naman... yung para gagamitin mo ang isang tao para makalimutan mo yung before.

"Ayokong gagamit ka ng isang tao para makalimutan mo yung past mo. Ayoko ng ganun.

"Kasi, you don’t have to forget your past, you just to move on.

“Ayaw ko siyang kalimutan kasi he became naman part of my life."

May nagsasabing baka ginagamit lamang siya ni Ken at nakiki-ride on lang ito sa kanyang popularity.

Pagtatanggol naman ni Bea sa binata, "Ako, hindi naman ako naniniwala.

"Kasi ako, marunong naman akong tumingin ng tao, especially ang kanyang family.

"Yung parents niya, ang buong family niya at si Ken mismo, sobrang ang babait nila at hindi ko naman iisipin na ganun kasi alam ko naman ang nararamdaman ko.

"Kasi, mararamdaman mo naman kung ginagamit ka lang, di ba?

"May values si Ken at alam kong hindi niya magagawa yun."

Kung sakaling manligaw sa kanya si Ken, may pag-asa kaya ito?

Saad ni Bea, "Sa ngayon kasi ay ayaw kong magsalita nang patapos. Siguro... tingnan natin.

"Ang gusto ko sa kanya dahil gentleman siya at edukadong tao.

"Ayoko kong i-close ang doors kasi everybody deserves a chance, pero ako, kikilalanin ko pa rin siya."

Malapit ba sa puso niya ngayon si Ken?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, he is an important person ngayon sa buhay ko.

"Oo naman, malapit sa puso,” sagot niya.



JAKE VARGAS. Tungkol naman sa kanyang ex-boyfriend na si Jake, balitang nakapag-move na ito totally sa kanilang breakup at wala na raw itong pakialam kay Bea.

Ano ang reaksiyon dito ng young actress?

Parang nagulat si Bea at sinabing, "Ha... talaga?

“Ako naman, ayaw ko namang maging walang paki sa kanya and I would always care for him.

"Wala ako sa point na parang kebs ko sa kanya.

“Pero he can do whatever he wants. Masaya na siya at puwede na niyang gawin ang lahat ng gusto niya.

"Pero ako, I would always care for him."

Sa tingin ba niya ungentleman para kay Jake na sabihing wala na siyang pakialam sa kanya, kung sakaling totoo ngang sinabi niya ito?

Pahayag ni Bea, "To be honest, yes. I think it’s rude for a guy to say those words.

"Pero ako, wala akong something and wala akong hinanakit sa kanya.

“If he wants to say that, e, di okey. Basta ako, wala po akong regrets.

"He’s free… bahala siya kung ano ang gusto niya, sige.

"Ako, okay naman na ako. Masaya na ako sa buhay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN