Coco Martin refuses to comment on reported DNA test that reveals he’s not the father of Katherine Luna’s child

Solo na namang dumating si Coco Martin sa taunang Star Magic Ball na ginanap noong Sabado, September 7, sa Fairmont Hotel. Paliwanag ng aktor, "Itong panahon na ito, sabi ko, ito ang time para magkita at mag-bonding kami ng mga kaibigan ko."


Mag-isang dumating si Coco Martin sa Star Magic Ball noong Sabado, September 7, sa Fairmont Hotel, Makati City.

Paliwanag ng Kapamilya actor, “Hindi, wala, sabi ko nga, itong panahon na ito, sabi ko, ito ang time para magkita at mag-bonding kami ng mga kaibigan ko.

“Kung magkakaroon ng pagkakataon, baka may makilala o may makasama ngayong gabi… sana.”

Bakit hindi niya niyayang maging ka-date ang dating kapareha sa Walang Hanggan na si Julia Montes?

Sabi ni Coco, “Hindi, bata pa yun. Huwag muna, huwag muna.

“Bata pa nga… uunahan pa nila ako, wala pa nga.”

Ano naman ang masasabi ni Coco na consistent pa ring mataas ang rating ng kanyang fantaserye Juan Dela Cruz?

Sagot niya, “Masaya, masaya kasi sobrang hirap talaga… kumbaga, sobrang hirap yung pinagdadaanan namin.

“Every day nagte-taping kami kahit may bagyo. Hindi kami halos nakakauwi kasi nga for airing kami.

“Mahirap talaga ang paggawa ngayon ng mga soap opera kaya nakakatuwa pag naa-appreciate ng mga tao, na mataas ang ratings.

“Marami pa silang dapat abangan. Unang-una, pa-start pa lang kami, nandun pa lang ang big revelation, e.

“Tulad ngayon, unti-unti nang nabubuhay ang anak ng dilim. Marami… marami.”

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang aktor tungkol sa balitang napatunayan, sa pamamagitan ng DNA test, na hindi siya ang ama ng sinasabing anak nila ng sexy star na si Katherine Luna.

“Ayoko munang pag-usapan yun. Kumbaga, hinahayaan ko na lang,” sabi ni Coco.

Matagal nang sinasabi ni Katherine sa mga interview na si Coco ang ama ng kanyang anak na babae, ngayon ay walong taong gulang na.

Nanatiling tahimik ang kampo ni Coco tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN