The PEP List 2013: Zaijian Jaranilla talks about the consequences of fame

Nawalan daw ng oras sa pamilya si Zaijian Jaranilla nang sumikat siya, pero nakapagpundar naman siya ng bahay at sasakyan para sa kanila. Nominado si Zaijian Jaranilla para sa Male Child Star of the Year sa second quarter ng PEPsters’ Choice 2. Bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list para bumoto.


It is safe to say na si Zaijian Jaranilla ang "child wonder" ng kasalukuyang henerasyon.

Bukod kasi sa mga nakamit niyang acting awards, nagmarka rin ang mga karakter na ginampanan niya at nagbida na sa ilang teleserye.

Ano nga ba ang mga technique na ginagamit ng 12-year-old actor para maging epektibo sa kanyang mga pagganap?

“Kasi po pag sa bahay, hindi ko po nababasa ang script ko.

"Pero pag nasa taping ako, yung focus ko nandun na lang sa script, tsaka inaaral ko po yung script kung paano ko po gagampanan yung role ko,” sabi ni Zaijian sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

FAVORITE ROLE. Ilan sa mga pinagbidahang serye ni Zaijian ay ang May Bukas Pa (2009), Noah (2010), at Lorenzo’s Time (2012).

Nagkaroon siya ng special appearance sa Juan dela Cruz noong June at kamakailan ay ginampanan ang true-to-life story ng Pilipinas Got Talent singing child sensation na si Roel Manlangit sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

As expected, ang pinaka-unforgettable role para kay Zaijian ang May Bukas Pa, kung saan siya nakilala bilang si Santino. Ito rin ang kanyang naging ticket to fame.

“Kasi yun yung napapakita ko sa mga bata kung paano nila makikilala nila ang sarili, dun po ako nabigyan ng break na sumikat kaya di ko po makakalimutan ‘yon,” sabi niya.



CONSEQUENCES OF FAME. Marami raw naging pagbabago sa buhay ni Zaijian mula nang sumikat siya.

Sabi niya, “Kasi po nung di ako sikat, hindi pa po ako kilala ng mga tao, tsaka konti lang yung kaibigan ko, wala pong nakakakilala sa akin.

“Pero ngayong artista na ako, ang sarap po sa feeling na marami pong taong humahanga, tsaka nakakagaan sa loob na marami pong fans at yung mga taong sumusuporta.

“Dati marami po kaming time sa isa’t isa [sa pamilya], pero nung nag-artista, nawalan na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero okay lang po, marami pong nagbago… nakapagpatayo ako ng bahay at nagkaroon po kami ng sasakyan na gustung-gusto ko dati.”

Ang sasakyan na tinutukoy ni Zaijian ay ang Toyota Super Grandia.

Ngayon daw ay naibibili na niya ng mga laruan ang kanyang dalawa pang kapatid.

Ano ang mas gusto ngayon ni Zaijian: Ang maraming trabaho o ang magkaroon ng oras para maging normal na bata?

“Siguro po parang parehas po. Kahit busy po ako, marami po akong nagagawa, tsaka enjoy,” tugon niya.

Ano naman ang pakiramdam niya kapag ikinukumpara siya sa ibang child stars?

“Wala naman po, kasi po sa tingin ko, pare-parehas lang kami, kanya-kanya po kami ng talent.”



ADVICE TO CHILD-STAR WANNABEES. Maraming mga bata ang gustong mag-artista, tulad niya. Ano ang maipapayo ni Zaijian sa kanila para magtagumpay sa showbiz?

“Sana po pagbutihan n’yo pa po at magtiwala kayo sa sarili n’yo.

“Kasi nung una po, nahirapan din po ako, pero nung nakita ko ang sarili ko [na umaarte sa TV], parang nag-enjoy din ako.

“Ipagpatuloy n’yo po ang pag-arte n’yo.”

Marami na ring nakatrabahong mga artista si Zaijian na maituturing na mga institusyon sa industriya at mga bigatin, pero sa kanilang lahat, namumukod-tangi sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino sa mga hinahangaan niya. Parehong naging guests ang dalawa sa May Bukas Pa noon.

“Si Miss Lorna, sinabi po niya sa akin ang galing-galing ko pong artista at ipagpatuloy ko raw po at pagbutihan ko raw po,” sabi ni Zaijian.

Sa kasalukuyan ay sa pag-aaral ginugugol ni Zaijian ang kanyang oras. Nararanasan niya ngayon ang pagiging normal na estudyante, gaya ng pagkakaroon ng mga kaibigan na aniya ay sobrang nae-enjoy niya.

“Minsan nga po nililibre nila ako, pero ayaw ko po.

"Tsaka yung mga kaibigan ko, para pong ang gaan ng loob ko sa kanila, tsaka mababait po sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, sinabi ni Zaijian na nami-miss din niya ang pag-arte. Sa ngayon ay break muna siya sa showbiz.

Si Zaijian ang nanalo sa PEPsters’ Choice 2013 1st quarter para sa Male Child Star of the Year category, at nominado rin siya sa 2nd quarter.

Ang mga katunggali niya sa nasabing kategorya ay sina Izzy Canillo, James Carlo “Bimby” Aquino Yap Jr., Mark Justin Alvarez, at Renz Valerio.

Upang iboto ang inyong mga paboritong nominado, bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list para sa mga kategorya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN