Melai Cantiveros and Jason Francisco confirm they are expecting a baby

Kinumpirma ni Melai Cantiveros na nagdadalang-tao siya sa uanng anak nila ng kasintahang si Jason Francisco. Inamin din ng dalawa na nagbabalak na silang magpakasal.


Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang comedienne na si Melai Cantiveros sa pag-aming buntis nga siya sa anak nila ng kasintahang si Jason Francisco.

Ginawa ng former Pinoy Big Brother housemates ang pag-amin sa panayam sa kanila ni Boy Abunda na ipinalabas sa The Buzz noong Linggo, September 8.

“Positive na positive, two lines, over... over kabuntisan!” pagkumpirma ni Melai tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Masaya ba siya?

“Sobra sa pagka-happy...

"Noong malaman ko talaga, hindi ako kinabahan.

“Kasi, gusto naman talaga namin ni Jason, sinasabi lang namin na, ’A, ganun-gano’n.’

"Pero noong magkabalikan kami, parang gusto na talaga namin na i-level up ang aming relationship."

Isang taong nag-break sina Melai at Jason.

Paano nalaman ni Melai na nagdadalang-tao nga siya?

Kuwento niya, “Palagi akong nilalagnat, so nagpa-check-up ako.

"Doon ko nalaman na positive nga. Sabi ko, ’Anong positive?’ Positive daw na buntis ako.

“Magkaaway pa kami nun, tapos sinamahan niya lang ako.

"Noong sinabi ko sa kanya, talagang nawala ang kanyang pagkagalit.”

Sabi naman ni Jason, “Siyempre, naging masaya naman ako. Pinagluto ko agad.”

MADE IN THE PHILIPPINES. May usap-usapang "made in Singapore" ang kanilang baby.

Pero paglilinaw ni Jason, “Philippines... Kasi, noong time na ‘yan, parang inisip namin na talagang gusto namin.”

Ayon kay Jason, napag-uusapan nila ni Melai na sana pagtuntong nila ng 25 years old ay mayroon na silang baby. Na siya namang nangyari dahil paraho silang 25 ngayon.

Nagiging maselan daw ang pagbubuntis ni Melai.

Aniya, “Ayokong sumuka, kasi baka masuka ko yung bata! Kaya pinipigilan ko, nilulunok ko yung suka ko.”

Sabi naman ni Jason, “Ako naman, ’Huwag ka namang ganyan, kasi hindi ko alam ang gagawin. Huwag mo rin naman akong pag-panic-in.’”

Sino ang mga unang tinawagan ni Melai nang malaman niyang buntis siya?

“Yung Mama ko, tinawagan ko. Sabi ko, ’Ma, buntis ako.’

"’Ha?’ Hindi siya naniniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’Buntis ako.’

“Kapag ganyan hindi na ’ko magloloko, kasi buntis nga ako. Hindi na nagsasalita..."

Si Jason naman ay umuwi sa Mindoro noong isang linggo. Ang pagsasabi ba sa kanyang pamilya na buntis si Melai ang dahilan ng pag-uwi niya?

Sabi niya, “Yung tatay ko, nalaman niya.

"Masaya naman sila. Lalo na ang lola ko, masaya.”

SHOWBIZ CAREER. Nag-aalala ba sila sa magiging kalagayan ng kanilang showbiz career ngayong buntis si Melai?

Sagot ni Melai, “Kami namang dalawa, meron naman kaming savings.

"Hindi naman ganoon kalaki, pero alam mo yung kailangan.

"Mag-three months muna siya, mabuo muna siya, maging stronger siya bago ako bumalik sa trabaho.”

Sabi naman ni Jason, “Parang twenty-five years ng buhay ko, ibinigay ko sa family ko.

"Ngayon, magkaka-baby na ’ko, parang in-expect ko... siyempre ang pera, nauubos ‘yan.”

May nasusulat na magtatrabaho raw si Jason sa ibang bansa. Totoo ba yun?

Sabi niya, “Almost five months ako na walang trabaho, puro guest lang.

"May naka-lineup nga na parang serye raw, pero hindi naman natuloy.

“Nagpapasalamat nga ako na nag-Wansa [Wansapanataym] ako ulit, salamat.

"Tapos, si Sir Deo [Endrinal], sabi niya, bibigyan daw ako ng second chance... salamat.

“Siyempre, yung seaman, fallback ko ‘yan.”

Pero pag-aartista ang gusto niya?

Sabi ni Jason, “Gusto ko na.

"Basta sabi ko, kasama siya [Melai], nakikita ko rin siya. Parang siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.

"Kagaya niyan, parang mabubuntis siya, ako muna yung magwo-work. Kung may ano sa akin, ganyan-ganyan.”

Pareho silang breadwinner ng kani-kanilang mga pamilya. Ano na ang mangyayari ngayong buntis si Melai?

Ayon kay Melai, “Noong last year, nagpaparamdam na...

"Noong nagkabalikan kami ni Jason, sabi niya [her mother], ’Mag-aasawa ka na ba?’ Naramdaman nila.

“Sabi ko, ’Hindi naman. Pero paano kung darating dun?’

"Sabi niya, ’Okay lang naman, basta patapusin mo muna ang kapatid mo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad naman ni Jason, “Puro mga lalaki naman ang kapatid ko.

"Binigyan ko naman sila ng chance na makapag-aral, may nakatapos din.

"Inisip ko naman, mga lalaki, so kaya nilang mag-survive.

"Pero siyempre, nanay ko, lola ko...

“Pero sabi ko nga, ’Noong hindi naman ako artista, nakaka-survive tayo.’ Ipaparanas ko rin sa kanila yung magandang buhay.”

WEDDING PLANS. Ang tanong ng karamihan ngayon: Magpapakasal na ba silang dalawa?

Sabi ni Melai, “Napag-uusapan na namin, pero ang plano, pagdating na lang namin sa GenSan.”

Ayon naman kay Jason, “Imi-meeting ko...

"Siyempre dalaga, nag-iisa, gusto ng mommy niya, ng lola niya, sa simbahan.

"Kahit sa amin, gusto sa simbahan.”

Paano nangyari ang proposal?

Kuwento ni Melai, “Paggising ko, pinamumog niya ’ko.

"Buntis... tamad talagang magmumog ang buntis, sa totoo lang.”

Ibinuko naman ni Jason na kahit naman daw hindi buntis ay tamad daw talaga magmumog si Melai.

Dugtong na kuwento naman ni Melai tungkol sa proposal, “Pagtingin ko sa salamin sa CR, ’I love you, Ga. Will you marry me?’

"Sabi ko, ’Huh?!’ Hindi na ko nakamumog!” natatawang sabi niya.

Patuloy ni Melai, “Tinabihan ko siya sa kama, tapos ibinigay niya sa akin yung kahon ng singsing.

"Tapos, pagbukas ko, walang singsing.

"Tapos sabi niya, ‘Yan na muna, wala pa tayong pera.’

“Pero maya-maya, kinuha niya [yung singsing], isinuot niya.

"Pero umiyak siya... doon ako na-touch.

"Siyempre, dapat ako ang iiyak, di ba?”

Bakit umiyak si Jason?

“Siyempre, kung ako naman mayaman, siyempre ganyan-ganyan, ibibigay ko lahat sa kanya.

“Sabi ko, naiyak din ako sa presyo!” biro ni Jason.

Dugtong pa niya, “Dati, ibinibigay ko sa kanya, P1,500, P2,500...

"So, this time, gusto ko naman, mag-level up.

"Siyempre, pag mahal mo, pag-iipunan mo.

“Naiyak man ako sa presyo, at least napasaya mo siya.”

FUTURE PARENTS. Hindi raw muna nila pinag-uusapan kung ano ang gender o anong pangalan ang gusto nila para sa kanilang anak. Nagdarasal muna raw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong malapit na silang magka-baby, ano ang mga pagbabagong nakikita nila sa kanilang dalawa?

Ayon kay Melai, “Mas mature na kami.

"At saka, hindi na rin ako nagseselos. Parang confident na rin ako na sobrang love niya ako."

Sabi naman ni Jason, “Ang maipapangako ko sa ‘yo, hindi ako magkaka-second wife.

"Pero sana lang, lambingin mo rin ako. Lalo na kapag parang nauumay na ako.

"Kasi, dumarating ang point na nauumay.

“Tapos, palagi niyang tinatanong kapag nanonood ako ng TV, may sexy, ’Crush mo ‘yan?’

"Ililipat ko na agad. Sabi ko, ’Huwag ka namang ganyan.’

“So, iniisip ko sa kanya, mag-trust ka sa akin.

"Siguro, mas lalong magiging matiyaga ako. Yung nakikita ko, ayoko nang mangyari sa ‘yo.

“Pati yung mga napagdaanan ko, ayoko nang ibigay sa ‘yo ‘yan.”

Sabi naman ni Melai, “Ako naman, ang maipapangako ko sa ‘yo, ako naman, always there for you.

“Yung pinagdaanan natin sa ating relationship, kinaya natin yun, kasi sobrang love natin ang isa’t isa and I will always love you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN