Lian Paz admits to dating Cebuano cager-businessman

Inamin ni Lian Paz na nakikipag-date siya ngayon sa basketbolistang si John Cabahug. Sabi ni Lian, “Hindi naman ako nakikipag-date kahit kanino, so mako-consider ko na siya lang talaga ang idine-date ko.”


Kasama ang dating EB Babes dancer na si Lian Paz sa cast ng upcoming early primetime series ng GMA-7 na Prinsesa Ng Buhay Ko, na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Bago para kay Lian ang karakter na ginagampanan niya rito dahil kontrabida siya.

“Ako si Yvette, G.R.O. Very challenging kasi first time kong gagawa ng ganitong role.

"Palaging bait-baitan ang role ko na ginagawa dati. Ngayon, iba. Kailangan ng masusing pag-aaral!” natatawang sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lian sa pictorial ng kanilang teleserye sa Studio 7 ng GMA Network noong September 2.

Natuwa raw ang dancer turned actress nang makatanggap ng offer mula sa Kapuso network.

“Nakakatuwa, oo, kasi GMA. Binigyan ako ng opportunity na, ‘eto, makapagtrabaho rito at makasama pa sa primetime, di ba?

"So, pagbubutihan natin para hindi masayang ang opportunity.

“Sana tuluy-tuloy na, di ba?”

PAOLO CONTIS. Nasa Kapuso network din ang estranged husband ni Lian na si Paolo Contis. Kaya may posibilidad na magkasalubong silang dalawa o posible ring magkasama sila sa isang programa.

Ano ang masasabi ni Lian dito?

“Posible. Naku, kung mangyari man yun, e, privilege, di ba?

"Not for anything, talaga namang magaling na actor ‘yang si Pao. Gawin nating mentor,” biro pa niya.

Gusto niyang makasama si Paolo sa isang proyekto?

“Oo naman,” nakangiti niyang sabi.

Kumusta na ang estado ng relasyon nila ni Paolo simula nang magkahiwalay sila?

Ayon kay Lian, “Okay naman. Nagti-text siya tungkol sa mga bata, mga ganoong bagay lang.”

Mas okay ang relasyon nila ngayon?

“Oo, mas okay kami ngayon. Pagdating sa mga bata, minsan pinapakuha niya sa nanay niya, tapos magkikita sila sa mall.”

Tanggap na niya ngayon na hindi na sila mabubuo bilang pamilya?

Sagot ni Lian, “Tanggap ko na... ano ba, tanggap ko na.

"Whatever it is, tanggap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung separation effect, matagal na rin naman kaming hiwalay. Actually, isang taon na rin pala. Siguro, better na ganun.

"Noong maghiwalay kami, tapos na-forgive ko siya, mas nakakausap ko siya na tao kaming dalawa.

“Dati, hindi kami nakakapag-usap nang maayos. Hindi ba, nakakapagod din?

"Better ngayon na mas mature parents kami for our kids.”

Natatandaan namin noon na sinabi ni Lian na umaasa pa rin siyang magkakabalikan sila. Ano ang nangyari?

Sabi naman ni Lian, “Oo, hindi matanggap, e.

"Pero kasi, kapag natanggap mo na ang isang bagay, doon ka pa lang makakapag-usap at makakapag-relay talaga.”

JOHN CABAHUG. Hindi kaya naging madali sa kanya ang pag-move on at pagtanggap sa sitwasyon nila ni Paolo ay dahil open na rin siya na magkaroon ng bagong karelasyon?

Saad ni Lian, “Hindi, mas tinanggap ko na kasi ang reyalidad na ako ang nandito para sa mga anak ko at hindi ako dapat magpaka-engeng, di ba?

"Tapos, yung mga magulang ko, nandiyan lang talaga sa tabi ko kahit na anong mangyari.”

Nali-link ngayon si Lian sa basketball player at businessman mula sa Cebu na si John Cabahug.

Sino nga ba si John sa buhay niya ngayon?

Natatawang sagot ni Lian, “Siya ang nagpapasaya sa akin. Pakilig-effect lang!”

In a relationship na sila?

“Hindi naman... ang nangyari kasi, friendship kami noong high school.

"Magkatrabaho kami, kasi ini-endorse ko ang product nila, yung Skinmate, at happy ako kasi naka-up na rin yung billboard sa Edsa.

"So, yun, madalas kaming magkasama and we treat each other as special friends.

“Hindi naman ako nakikipag-date kahit kanino, so mako-consider ko na siya lang talaga ang idine-date ko.”

Nanliligaw si John sa kanya?

“Yes, oo,” pag-amin ni Lian.

Ano ang reaksiyon niya sa nagsasabing parang ang bilis niyang naka-move on at makahanap ng iba?

“Ay, hindi, kaya nga I’m taking one step at a time, kasi na-trauma na rin tayo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba na ang expectation natin ngayon kung magkaroon ka man ng relationship. Hindi na tulad dati na, ’O sige, go! Love, love, in love, in love!’

“Siyempre, ang priority ko, yung dalawang anak ko na.”

Kumusta ang dalawang anak nila ni Paolo na sina Xonia at Xalene? Naka-adjust na ba ang mga ito sa set-up nila ngayong hiwalay na sila ni Paolo?

Sagot ni Lian, “Ay, oo, at saka nakakatuwa si Xonia, alam na niya ang schedule ng Papa niya. ’If it’s Monday, Papa.’

"Kasi, nag-aaral na rin si Xonia. Pero wala naman kaming schedule talaga ni Pao.

"Open naman ako, siyempre tatay nila yun, e.

“Bakit ko naman sila ide-deprive dun, di ba? That’s very bad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN