Joyce Ching cites pros and cons of dissolution of loveteam with Kristoffer Martin

Joyce Ching on relationship with boyfriend Kristoffer Martin: “Ang maganda sa amin ay lagi kaming nag-uusap, never kaming nawalan ng communication. At kung may konting problema, pinag-uusapan namin, inaayos kaagad namin at hindi pinatatagal.”


Nanghihinayang ang Kapuso star na si Joyce Ching na parang tuluyan nang nabuwag ang KrisJoy loveteam.

Nabuo ang KrisJoy loveteam nila ng real-life boyfriend niyang si Kristoffer Martin sa youth-oriented show ng GMA-7 na Tween Hearts noong 2010.

Bukod sa kanilang dalawa, sa Tween Hearts din nabuo ang tambalan nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio at nina Bea Binene at Jake Vargas.

Nang magtapos ang Tween Hearts noong 2012 ay hindi na nagkasama sina Joyce at Kristoffer bilang magka-loveteam, kahit paminsan-minsan ay nagkakasama sila sa TV guestings.

“Oo nga po, e, nanghihinayang ako, pero hindi po talaga kami pinagsasama,” sabi ni Joyce nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa SM Clark Pampanga, noong September 8.

“Nanghihinayang ako sa loveteam namin kasi medyo strong naman din yung sa amin.

“At saka sobrang ang tagal na rin nilang [mga tagahanga] na naghihintay at parang ang tagal na naming pinaghiwalay masyado.

“Ang iniisip ko lang, baka maisip nila [GMA-7] na pagbalikin kami, wala na, napagod na ang fans sa kahihintay.”

Pero sa kabilang banda, maganda naman daw na pinaghiwalay sila ni Kristoffer.

Ayon kay Joyce, “Come to think of it, maganda rin na hindi muna kami pinagsama kasi, at least, naggu-grow kami as artists.

“Nagkaroon kami ng sari-sarili naming careers.

“Kumbaga, nakakapag-solo kami na puwede kaming i-partner sa iba at hindi yung na-stuck lang kami sa isa’t isa.”



REAL-LIFE SWEETHEARTS. Kahit hindi na sila pinagtatambal, sa tunay na buhay naman ay walang naputol sa kanilang relasyon bilang magkasintahan, na magta-tatlong taon na ngayon.

Ayon sa Kapuso tween star, “Kebs. Joke lang! Oo, masaya kami sa personal na buhay.

“Nagbibiruan nga kami na kahit hindi kami magkasama sa projects, at least kami pa rin ang magkasama.

“Marami nga ang nagtatanong kung wala bang nangyayaring selosan sa amin.

“Kami naman kasi, pag trabaho ang pinag-uusapan, wala talagang selosan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka, wala naman pong dahilan para magselos dahil sobrang honest and loyal din naman siya.

“Yun ang nakakatuwa.”

Ibig sabihin ba nito ay wala silang napagdaanang problema sa kanilang relasyon?

Ayon kay Joycve, “Wala pa namang major problem, so far.

“Siguro yung mga problema namin, tampuhang pautot lang.

“Yung parang gusto lang naming magpalambing sa isa’t isa, yun lang.

"Pero wala naman talagang mabigat na problema.

“Ang maganda sa amin ay lagi kaming nag-uusap, never kaming nawalan ng communication.

“At kung may konting problema, pinag-uusapan namin, inaayos kaagad namin at hindi pinatatagal.”



NO COMPETITION. Hindi rin daw problema sa kanila kung sakaling mas sikat ngayon si Kristoffer kumpara kay Joyce.

Aniya, “Hindi po. Wala sa amin ang ganoong insecurities, suportado namin ang isa’t isa.

“At saka, kaming dalawa, very understanding kami sa kung ano man ang nangyayari sa careers namin.

“Ako, personally, natutuwa ako for him kasi alam ko kung gaano siya kadesidido sa career niya.

“Lahat ng magagandang bagay nangyayari sa kanya, ikinatutuwa ko talaga.

“Kahit siya, sobrang proud siya sa akin at sa relationship namin.

“Kaya parang sa isang babae, ‘Weeh, weeh,’ parang ganoon na natatawa pa siya.”



CONSTANT ASSURANCE. Sa ngayon ay halos hindi raw sila nagkikita dahil sa pagiging abala nila sa kanya-kanyang proyekto sa Kapuso network, pero lagi raw silang may assurance sa isa’t isa.

Pahayag ng 18-year-old actress, “Totoo ‘yan na ngayon nga, halos hindi kami nagkikita kasi wala ako sa Sunday All Stars, tapos may iba pa siyang trabaho.

“Ako naman, busy sa taping ng Anna KareNina, na kahit patapos na ay may kasunod din akong gagawin agad, yung Dormitoryo.

“So, talagang halos wala na kaming time para sa aming dalawa.

“But we make it a point na meron kaming free day para sa aming dalawa at kung papayagan kami ng mga magulang namin, pinu-push din namin talaga na magkita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa amin din kasi, kung wala kaming oras, naiintindihan namin kasi pareho naman kaming nasa showbiz, di ba?"

Dagdag pa ni Joyce, “Darating talaga yung point na magiging busy ang isang tao.

“Basta kung may opportunity kasi na ibinibigay sa iyo ang network, kailangang i-grab mo, di ba?

“Puwede naman kaming mag-usap sa phone o pa-text-text, minsan sa Skype.

“Pag mahal mo kasi ang isang tao, gagawa at gagawa ka talaga ng paraan.

“Para yung relasyon ninyo, kahit physically ay hindi kayo nagkikita, pero naa-assure ninyo ang isa’t isa.

“Yun kasi ang importante dun na kayong dalawa pareho ay gumagawa ng way.”



KONTRABIDA ROLES. Nabanggit namin kay Joyce na tila ginu-groom siya ngayon ng GMA-7 bilang isang young character actress.

Pero may mga artistang galing sa ibang network na ganito rin ang tinatahak na career sa GMA-7. Isa nga rito si Charee Pineda na kontrabida sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

Ano ang komento ni Joyce tungkol dito?

Aniya, “Sa akin naman, hindi ko tini-take ‘yan as a competition, kasi may edad naman sila compared sa akin.

“At saka, tiwala naman ako sa network kung ano ang ibibigay nila sa akin, like ngayon sa Dormitoryo, balik-kontrabida ako.

“At ang kokontrabidahan ko ay kontrabida rin—si Lauren [Young].

“Doon nga ako excited kasi si Lauren ay kontrabida rin… patarayan ang labanan.

“The more, the merrier, at saka magkakaiba naman kami ng way ng pag-arte, magkakaiba rin kami ng aura.

"So, okay lang sa akin.

“Kung ano ang ibigay sa akin na role, okay lang ako.

“Kasi, ang ibig sabihin ay pinagkakatiwalaan ka ng network at importante yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN