Yasmien Kurdi on showbiz comeback: “Ngayon ko lang nakita yung focus ko kung ano ba talaga ang gusto ko.”

Wala raw pinagsisisihan si Yasmien Kurdi sa naging desisyon niya noong pansamantalang iwan ang showbiz. Pahayag niya, “Everything I do, nagkakaroon ng lesson sa mga ginagawa ko... Kasi, hindi ko masasabing nagre-regret ako, kasi hindi nangyari yung mga ganoon, wala ako sa harapan ninyo.”


Masasabing nasa peak ng kanyang showbiz career si Yasmien Kurdi nang magdesisyon siyang tapusin ang kursong Nursing.

Puro lead roles na ang kanyang mga ginagampanan noon kaya nagulat ang marami nang panandalian niyang lisanin ang showbiz.

Pagkatapos nito, nabalitaan na lang na may asawa na siya at nagkaanak na.

Pero ayon kay Yasmien, wala siyang pagsisisi sa mga naging desisyon niya sa buhay.

“Wala naman po akong regrets.

“Marami po akong nakuhang experiences in life na yung mga experiences ko, tinuruan niya ako kung ano ang gagawin ko.

“Kung sino ako ngayon, dahil yun sa mga experiences ko.”

Sino na ba siya ngayon?

Aniya, “I think ano, di ba dati, hindi ako vocal? I think, ngayon, mas naging appreciative ako.

“Everything I do, nagkakaroon ng lesson sa mga ginagawa ko, may mga ganoon.

“Kasi, hindi ko masasabing nagre-regret ako, kasi hindi nangyari yung mga ganoon, wala ako sa harapan ninyo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa pocket presscon para sa finale ng Anna KareNina noong September 5.



NO CONTRACT. Kamakailan lang ay nabanggit ni Yasmien na wala pa siyang kontrata sa GMA-7 kahit habang ginagawa niya ang Anna KareNina.

Ano na ang estado niya ngayon sa Kapuso network?

Sabi ng StarStruck alumna, “I think, positive naman po, under negotiation pa rin po. But I think, positive po ang outcome.

“Nakausap ko po si Tita Lilybeth [Rasonable, VP for Entertainment TV] and masaya naman po ako."

Dagdag ni Yasmien, “Siyempre gusto kong kumanta, gusto kong mag-hosting.

“Hindi naman puwedeng artista na lang ako forever, gusto kong mag-explore.

“Di ba, ganoon po, dapat mag-experiment kayo sa sarili ninyo?

“Hindi puwedeng hanggang dito lang ang limitation mo, hindi na kayo hahakbang.

"Siyempre, dapat may project. Yun ang gusto ko sana.

“Anyway, okay naman, naiintindihan ko naman po.”



BACK TO SHOWBIZ. Bakit parang ngayon lang siya nagkaroon ng mas maraming gustong gawin o kakaibang drive pagdating sa kanyang showbiz career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Yasmien, “Hindi ko alam.

“Kasi, di ba, after kong mag-Nursing, trinay [tried] kong hanapin ang sarili ko?

“Kasi dati, ang dami kong gustong gawin—gusto kong mag-nurse.

“Minsan, iniisip ko, ’Ano ba talaga ang gusto kong tahakin sa buhay?’ Wala akong focus in life.

"Ngayon ko lang nakita yung focus ko kung ano ba talaga ang gusto ko.

“Dati, iniisip ko, ’Gusto ko ba talagang maging artista?’

“Noong maging normal ako na mamamayan, ang nangyari, yung mga tao, nagpapa-picture pa rin sa iyo.

“Yung mga tao, artista ka pa rin sa paningin nila. Hindi ka man nakikita sa TV, artista ka pa rin sa paningin nila.

"Wala ka nang magagawa, artista ka na forever.

“Yun pala ang consequence kapag pinasok mo ang showbiz, forever ka pa rin in showbiz.

“Kahit mamamatay ka at hindi ka na nag-aartista, artista o dating artista ka pa rin sa paningin nila.”


NEW PERSPECTIVE. Positibo o negatibo ba ang pananaw niya sa mga sinabi niya?

Sabi ni Yasmien, “Dati, naramdaman ko, parang, ‘Ano ba ito?’ Hindi na ako makawala, ang daming Filipino sa ibang bansa.

“Pero dahil sa nangyaring yun, naging positive siya sa akin, kasi nalaman ko ano ba talaga ang gusto ko.

“Naramdaman ko siya na, ‘Ay, ano ang ginagawa ko, nagdu-duty ako, pero hindi pa rin ako masaya?’

“Siguro, meron lang akong maling ginagawa, kailangan ko lang itama.”

Naitama na ba niya?

“I think, I think so,” sagot niya.

Nag-aral ng Nursing si Yasmien at plinano rin niyang ituloy yun sa pagme-medicine.

Pero ngayon, na-realize niyang pag-aartista pala ang talagang gusto niyang gawin?

“Oo,” mabilis na pag-amin ni Yasmien.

“Siyempre, kapag teenager ka, kung anu-ano ang naiisip mo.

“Kahit sino naman yatang teenager, walang ka-focus-focus, shift nang shift, hindi mo alam kung ano.”


CONFUSED. Inamin din ni Yasmien na may panahon na bigla na lang siyang sasakay ng jeep, magpupunta ng Quiapo o pupunta sa anumang lugar na gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Nagugulat sila, kasi makikita nila, kasakay nila ako sa jeep.

“Tapos minsan, naglalakad ako sa kalye kapag may duty.

“Kung minsan, meron kaming CHN—Community Health Nursing, magpupunta kami sa mga barangay, magpapaka-normal ka.

“Pero dumating sa point na nagmu-Muslim ako, para hindi nila ako makilala kapag nasa Quiapo ako.

“Nag-e-enjoy lang din po ako, kasi... ewan ko kung bakit ganoon ang nararamdaman ko noong buntis ako.

“Gusto kong maggala, lalakad ako sa Ayala.

“Minsan, magugulat na lang ang husband ko, ‘Nasaan si Yasmien?’

“‘Umalis. Iniwan ang phone.’”

Tapos na ba siya sa ganoong stage?

“Oo naman, tapos na!” natatawang sabi niya.

“At least ngayon, alam ko na kung paano mamimili sa GMA.”


MORE ROLES. Sa magandang pangangatawan niya ngayon, puwedeng sabihin na kahit na nanay na siya sa totoong buhay ay puwede pa rin siya sa kahit na anong klase ng roles.

Aminado naman si Yasmien na sa edad niyang 23, mas matutuwa siya kung hindi lang mommy roles ang maibibigay sa kanya.

Sabi nga niya, “Yung mommy role ko ngayon sa Anna KareNina, okay lang po siya, pero sabi ko nga, ang bata ko pa rin naman po.

“Ang hirap namang maging mommy. E, ngayon, sa Anna KareNina, pinapatanda nila ako…

“Pinapaitim nila buhok ko, pinapa-losyang nila ako para lang hindi kami magmukhang mga bata.

“Kasi nag-post ako ng picture sa Instagram, wala akong make-up, sabi mukha raw kaming magkakaedad.

“So, ayaw nila, pero siyempre, compliment yun sa akin,” pagmamalaki naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN