Gwen Zamora on dream wedding: “A big wedding here and a small wedding in Europe somewhere.”

Gwen Zamora on marrying boyfriend Raymund Romualdez: “Siguro it has to be at the right time, we’re not both financially stable. And then, if we’re ready, then we’ll think about it. Pero as of now, we’re opening a business together—I don’t think we have time for that.”


Kahit nalalapit na ang pagtatapos ng Binoy Henyo ng GMA-7, aminado si Gwen Zamora na nahihirapan pa rin siyang gampanan ang kanyang role bilang kontrabida.

Paliwanag niya, hindi naman kasi siya maldita sa tunay na buhay. Dagdag pa ang kagustuhan ng character niya sa teleserye na maging ina samantalang sa tunay na buhay ay wala pa siyang planong magkaanak.

“Gusto talaga ng character ko na maging mother—iyon yung drive niya.

“And I’ve never been a mom and I don’t plan to be a mom anytime soon.

“So, parang crazy naman ‘etong girl na ito!” nangingiti niyang sabi tungkol sa pagnanais ng kanyang ginagampanang karakter na maging isang ina.



KONTRABIDA ROLES. Malaking tulong daw para maitawid ni Gwen ang kanyang role sa Binoy Henyo ang acting coach niya sa set.

Naging cooperative din daw ang co-actors niya, gaya ni Luis Alandy na gumaganap na asawa niya sa serye.

Wala namang kaso kay Gwen kung ma-typecast siya sa mga kontrabida roles; na ginawa na niya sa Aso Ni San Roque, Biritera, Alakdana, at ito ngang Binoy Henyo.

Pero awkward daw na lagi siyang binibigyan ng mother role.

“Lahat ng mga past roles ko, mother-mother, gusto kong maging mother... Can I get married first?” biro ng 22-year-old actress.

Itinanggi naman ni Gwen na tanggap lang siya nang tanggap ng projects kahit hindi niya gusto ang role para lang hindi siya mabakante ng matagal.

Paglilinaw niya tungkol dito, “Before I accept a role, my manager explains the whole character to me.

“Tapos, pag hindi ko masyadong feel or if I feel I won’t be able to perform as well as I could, we decline.”

Pabor daw siyang sumunod sa mga yapak ni Bing Loyzaga na kahit anong kontrabida role ay kayang gampanan.

“I like Bing Loyzaga, we worked together in Enteng Kabisote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s fun and I like her voice, parang super high pitch ng boses niya.”



LOVELIFE. Pagdating naman sa lovelife, hindi nag-aalangang pag-usapan ni Gwen ang kasintahan niyang si Raymund Romualdez, anak ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

Ipinagmalaki pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ipinagluto niya kamakailan ang kasintahan.

Lahad ng Kapuso actress, “I was in the kitchen all day, kasi we’re like cost-cutting because we’re saving money for the future, blah, blah, blah...

“So, all day I cooked for him like three weeks worth of food, inilagay ko sa ziplock.

“Every serving, inilalagay ko sa ziplock, then inilagay ko freezer para pag gusto niya ng ulam, ilalabas na lang niya, iinitin lang niya.”

More than a year na silang magkasintahan ni Raymund, pero iginiit ni Gwen na hindi sila magka-live in.

“No, hindi. I just visit him in his place,” sabi niya.

Nakilala na raw ni Gwen ang pamilya ng kasintahan at wala naman daw problema sa pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Kamakailan ay nag-celebrate ng birthday si Gwen.

“I just turned 23 last month [August] and he’s just 26 years old, so…”

Ano ang regalo sa kanya ni Raymund?

“Golf set, Dunlop yung brand, and then Polaroid camera.

“Basta, hinati nila ni Ellen Adarna [ang gastos]. So, yun lang and then party.”

Si Ellen ang model-actress na kaibigan ni Gwen.

Speaking of Ellen, natanong ng PEP kay Gwen kung totoong magku-quit na ito sa showbiz para bumalik sa Cebu City.

Sabi niya, “She’s not quitting, she’s gonna go back home and come back and forth once in a while, so walang definite quit.

“But she’s still gonna come back and forth doing showbiz pa rin—yun ang alam ko.”



MARRIAGE PLANS. Wala pa raw planong magpakasal si Gwen. Hindi ba niya nakikita ang sariling magpapakasal kay Raymund?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uhm, I don’t want to jinx it, so let’s just go with the flow,” sagot niya.

Hindi ba niya hinihintay na mag-propose sa kanya si Raymund?

“Siguro it has to be at the right time, we’re not both financially stable.

“And then, if we’re ready, then we’ll think about it.

"Pero as of now, we’re opening a business together... I don’t think we have time for that.”

Ano ba ang ideal marrying age para kay Gwen?

Tugon niya, “I’ve always envisioned twenty-four.

“I mean, like maybe engaged by twenty-four and married by twenty-four or twenty-five years old."

Patuloy pa niya, “When I was younger, twenty-four ang gusto ko, but now siyempre nag-iiba yung gusto natin, kaya gusto ko pakasal at the age of twenty-five.”

Ano ba ang mauuna, baby o kasal?

“Kasal muna siyempre, kasi it’s hard when you have a kid before marriage, you’ll gonna put the kids in a difficult position.”

Gusto ba ni Gwen ng big wedding?

“Not naman big, basta something memorable... memorable place kahit simple lang.

“Kasi I’m Catholic, so mahihirapan ako kung beach yung wedding, so gusto ko may church.

“I was talking actually this a couple of weeks ago… it’s either I do it here…

“Like a big wedding here and a small wedding in Europe somewhere, that’s what I was thinking.”

Natawa si Gwen sa tanong kung sino ang gagastos.

“I guess, half-half, but not naman yung super half-half, like, I’ll pay for my necessities lang,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN