Lovi Poe continues to deny falling out with Jake Cuenca

Bagamat halata sa mga ikinikilos nina Lovi Poe at Jake Cuenca na hindi na katulad ng dati ang kanilang samahan, patuloy pa rin sa pagsasabi ang aktres na magkaibigan pa rin sila ng aktor.


Hindi man niya aminin ay may mga patotoong naging bitter umano ang paghihiwalay ng landas nina Lovi Poe at Jake Cuenca.

Bagay na mahirap para sa aktres, lalo’t si Jake ang isa sa mga bidang aktor ng pelikulang Lihis, isang indie film na idinirek ni Joel Lamangan at kabilang sa entries ng gaganaping Sineng Pambansa All-Masters Edition this September 11-24, 2013.

"Hindi sila nag-uusap nung nagsu-shooting kami," banggit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isa sa mga aktres na kabilang sa cast.

Noong September 8 ay parehong dumalo sa invitational premiere ng Lihis sina Lovi at Jake, with their other co-stars, tulad nina Joem Bascon, newcomer Isabelle Daza and her actress-mom, former Miss Universe Gloria Diaz.

Ginanap ang premiere night sa The Block ng SM North EDSA in Quezon City.

Lahat ng involved na dumalo—including character actors Jesse Evardone, Tony Mabesa, Racquel Villavicencio, and Jim Pebanco; plus the film’s producers and writer Ricky Lee and staff—ay on time for the premiere screening na naka-schedule ng ika-8 ng gabi.

Si Lovi lamang ang na-late kaya hindi siya nakabilang sa pag-introduce ng pelikula at ng buong cast.

Nakumpirmang lalo ng PEP ang hindi magandang samahan sa ngayon nina Lovi at Jake, kahit bilang co-actors na lamang, nang hindi pumayag ang aktres na sumama sa late dinner ng lahat ng involved kung naroon ang aktor.

Sa North Park Noodle House sa Tomas Morato, Quezon City nag-late dinner sina Lovi at mga kasama—minus Jake and Joem.

Sabi’y may maagang appointment si Joem dahil magpu-promote ang aktor sa Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN kinabukasan kaya nag-beg off ito.

As for Jake, may dahilan din ito para hindi na sumama sa grupo.

After the late dinner ay tinanong ng PEP si Lovi, among other things, tungkol kay Jake at sa naiparating sa aming hindi nila magandang naging samahan ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero itinanggi ito ni Lovi.

"No naman. We’re still good friends," sabi ng Kapuso actress tungkol sa kanila ni Jake.

Good friends still, but not that close and pleasant with each other?

"Oh, no, no..." tanggi uli ni Lovi.

Nagmamadali na sa pag-alis sa venue si Lovi that time.

ROCCO NACINO. Sumunod na tinanong ng PEP sa aktres ang tungkol sa isa pang aktor na balitang mas "on friendlier terms" siya—si Rocco Nacino, na kasamang bida ni Lovi sa bagong teleseryeng Akin Pa Rin Ang Bukas ng GMA-7.

Halatang nagliwanag bigla ang mukha ni Lovi pagkarinig sa pangalan ni Rocco, at sumilay ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

"We’re good friends pa rin ni Rocco. Walang problema," sabi niya.

Bukod sa nasabing teleserye, isa rin sa mga bida si Lovi ng weekly series na Titser, kung saan ibinalik din ang karakter ni Rocco bilang isang butihing alkalde na una niyang ginampanan sa Bayan Ko.

"May ibang days pa ang taping namin for that one," banggit din ng aktres.

Sinabi rin ni Lovi na hindi naaapektuhan ang kanyang trabaho ng kung anumang differences mayroon siya with anybody.

"Hindi naman po," maikling sabi niya, without mentioning Jake’s name.

CHALLENGING. Samantala, ang paggawa raw niya ng pelikulang Lihis, bilang kabahagi ng isang unusual triangle—involving her husband in the underground movement, portrayed by Joem Bascon, and his gay lover, portrayed by Jake Cuenca—ay nagbigay ng malaking challenge o paghamon kay Lovi.

Sabi ng multi-awarded actress, "Challenging siya, ’cause it’s ano, e... I had parang... it’s a very different genre for me.

"The script was really good.

"Of course, nakaka-challenge siya to be working with amazing actors and, I guess, with Direk Joel Lamangan.

"First time ko ito [to tackle a role in a gay love story]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTIMATE SCENES. Sa Lihis ay may matinding love scene sina Lovi at ang gumanap na husband niyang si Joem.

Hindi naman daw nailang si Lovi sa ginawa nila ni Joem.

"Okay [lang]... no naman. We worked together before. May mga [intimate] scenes din kaming nagawa.

"Si Joem naman, very maalaga and very mabait. So I’m thankful talaga."

Sa pagiging sexy and daring niya sa pelikula ay wala ring pag-aalangan si Lovi at this point.

"It’s a... kailangan naman sa script, e," sabi niya.

Bukod sa Lihis, may intimate scenes din si Lovi with Benjamin Alves sa Sana Dati, the Cinemalaya 2013 big winner (directed by Jerrold Tarog), na nakatakdang magkaroon ng commercial run simula sa September 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN