Rocco Nacino on Lovi Poe: "Masarap siyang pasayahin!"

May isang bagay raw na gustung-gusto ni Rocco Nacino na ginagawa sa kanya ni Lovi Poe. Kuwento niya, “Yung guguluhin niya yung buhok ko, tapos magagalit ako. And then aayusin niya tapos hahawakan niya ang pisngi ko at papangitiin ako. ’Yon! May move ‘yon, e. May move yung si Lovi para mawala ang galit ko. Gano’n na ang bonding namin. That’s how close we are. Nakakatuwa... nakakatuwa.”


Nagsimula na noong September 9, Lunes, ang bagong primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Pangunahing tampok dito sina Lovi Poe, Cesar Montano, at Rocco Nacino; mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Ito ang ikatlong pagkakataon na naging leading man ni Lovi si Rocco.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor noong Linggo, September 8, ay tinanong namin siya kung may mga pagbabago ba kumpara sa una at ikalawang beses na nagkatrabaho sila.

Tugon ni Rocco, “Uhm… just the same. Its’ just that… it’s happier, mas masaya sa set.

“Mas masaya kami. Mas deep… mas deep ang closeness naming dalawa.”

FROM FRIENDS TO LOVERS. May mga nagsasabing bagay raw talaga sila ni Lovi, not only as partners onscreen kundi maging sa totohanan din kung magiging sila nga.

Puwede naman talaga na mula sa pagiging close friends ay magkaroon sila ni Lovi ng romantic involvement, di ba?

“We’ll see!” sabay ngiti ni Rocco.

“Unang-una, siyempre ipina-prioritize namin ang trabaho namin. And very blessed kami na binigyan kami ng ganitong klaseng project.

“At siyempre, gusto naming tutukan ‘to.

“Kung ano kami ngayon, alam namin na masaya kami parehas. We’re letting it stay that way, kumbaga.

“At kung anuman ang mangyari sa susunod, ako naman… open naman ako sa lahat, e. Kumbaga, my doors are open.

“Nasabi ko na nga nang mag-guest ako sa StarTalk na… may nabuksan.”

May naging pahayag si Lovi na kung mauuwi sa ligawan ang closeness nila ni Rocco, natatakot daw siya na baka masira ang friendship nila.

Ano ang masasabi ni Rocco dito?

“Siyempre lahat ng magkaibigan, iyon ang kinatatakutan. Pero… it’s always a risk, kumbaga.

“At nasa stage kami ngayon na ini-enjoy namin ang company ng isa’t isa. And, yun nga, we’ll never know.

“Pero ako, siyempre if time permits, di ba, who wouldn’t court her?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But we’re just doing so much. At siyempre, gusto lang naming i-hold kung ano ang meron kami ngayon.”

TOUCH. During their unguarded moments sa mga pagkakataong magkasama sila, may nangyayari nga bang paghaplos niya sa baywang ni Lovi?

Ito raw ang isa sa basehan kung bakit may mga nag-iisip na parang may something special na sa pagitan nila.

“Ako, sweet talaga ako sa kanya. Kasi masaya ako na naglalambing sa kanya.

“Malambing naman kasi talaga ako and I enjoy na nilalambing ko siya. Masarap um-effort!” sabay tawa ni Rocco.

Dagdag ni Rocco, “Masarap siyang pasayahin!”

Bakit baywang ang type niyang haplusin kay Lovi?

“Kasi siyempre nakaalalay ako sa kanya. Kaya gano’n!” tawa na naman ni Rocco.

Anong paglalambing naman ang gustung-gusto niyang ginagawa sa kanya ng aktres?

“Yung guguluhin niya yung buhok ko, tapos magagalit ako. And then aayusin niya tapos hahawakan niya ang pisngi ko at papangitiin ako.

“’Yon! May move ‘yon, e. May move yung si Lovi para mawala ang galit ko.

“Gano’n na ang bonding namin. That’s how close we are.

“Nakakatuwa... nakakatuwa.”

COSMO BACHELOR BASH. Malapit na naman ang inaabangang annual Cosmo Bachelor Bash. Balitang dapat sana ay kasama ulit si Rocco ng iba pang hunk actors na rarampa dito, pero minabuti niyang huwag na lang daw munang sumali.

Totoo bang umiiwas muna siya sa anumang magre-require magpakita ng hubad niyang katawan habang ginagawa niya ngayon ang filmbio na San Pedro Calungsod: Batang Martir, na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival sa December?

“Oo, e, tumanggi muna ako sa Cosmo Bash," pagkumpirma niya.

“Para kumbaga, in character na po ako, e. Napi-feel ko na po yung character ko [as Pedro Calungsod].

“Gusto kong i-hold ‘yon. I don’t wanna do too much para hindi ako makalas sa character ko.

“Lalo na sabay-sabay kong ginagawa ngayon ang San Pedro Calungsod, Akin Pa Rin Ang Bukas, yung character ni Mayor Joseph sa Titser, tapos magkakaroon ng part two yung Bayan Ko...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami nang roles, baka masiraan na ako ng ulo!" tawa niya.

“Kaya ayoko ring i-tire ang sarili ko dahil kailangan mo talagang mag-prepare para sa Cosmo Bash.

“So, gusto ko rin ngang i-embrace yung image ko bilang Pedro Calungsod.”

DIFFERENT CHARACTERS. Hindi ba siya nalilito sa iba-ibang role na magkakasabay niyang ginagampanan ngayon?

Ayon kay Rocco, “Yung getting into character and yung pagkalas mo sa character mo, very important.

"Kapag hindi kayang i-handle ng isang aktor ‘yon, e, mahihirapan siya.

“At iyon ang itinuturo sa mga workshops namin na… siyempre, you have to be yourself pag-uwi mo.

“Kaya minsan talaga, nakakapagod na ginagawa ko ang apat na character.

“Pagkauwi ko, nakakaiyak din minsan. Na… ’Sino na ba ako?’”

Pero mayroon ba sa mga karakter na ginagampanan niya sa kasalukuyan na gusto niya at okey lang na kanyang madala sa totoong buhay?

“Ay, a… never akong gano’n. Kasi ayokong mawala kung sino si Rocco Nacino.

“Kaya pag-uwi ko, as much as possible, si Rocco Nacino ako.”

Ano ba ang mayroon sa katauhan niya na wala sa iba at talagang hindi niya gugustuhing maalis sa kanya?

“Yung best quality? Ang pagiging… the explorer in me. Na gusto ko i-experience lahat.

“Kaya napapasaya ko ang buhay ko dahil gusto ko, sinusulit ko ang buhay.”

At si Lovi na sinasabing siyang pinaka-close na babae sa puso niya ngayon, kailangan din na i-explore nang husto ang isang Rocco Nacino?

“I’m always open!” napahalakhak na reaksiyon niya.

CHAREE PINEDA. Kasama rin sa cast ng Akin Pa Rin Ang Bukas si Charee Pineda. Sa istorya ay makakarelasyon ni Rocco ang aktres.

First time pa lang nilang maging magkatrabaho pero kapansin-pansin na agad-agad ay naging at ease sila sa isa’t isa. At ito raw ay matapos ang kanilang torrid kissing scene.

“Ngayon, hindi na nga kami naiilang,” pag-amin ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, a… it [kissing scene] paved the way to break the ice sa amin.

“At ngayon, close na kami. Nag-uusap na kami. Nagkukuwentuhan na.

“Ako, nag-o-open up na nga sa kanya. Siya rin sa akin.

“Through that scene, na-break nga yung ice.

"Pero before nun, siyempe may konting ano… first time naming makatrabaho ang isa’t isa kasi, e. Hindi maiiwasan ‘yon.

"Pero siyempre, bilang mga aktor at aktres, kailangan talaga na i-work out n’yo yung chemistry n’yo.

“And it worked!”

WORKING WITH LAURICE GUILLEN. May pressure ba siyang nararamdaman working with Direk Laurice Guillen?

Sabi ni Rocco, “Nung simula, opo.

“Ngayon, medyo siguro may hint na ako kung papa’no siya magtrabaho.

“Basta, prepared ako. Basta alam ko na yung lines ko. Hindi ko na kailangang dalhin yung script ko sa set.

“Iyon lang naman ang kailangan niya—you do your homework. So medyo nagagamay ko na kahit papa’no.

“But still, kada eksena with Direk Laurice, nakaka-pressure pa rin.

"Katulad ng sinasabi niya na, ’Rocco, ito ang eksena, ang camera mo, ito ang space mo, paglaruan mo.’

“Parang, ’Gano’n?’ Parang, ’Ano ang gagawin ko?’

“Binibigyan niya kami ng freedom so it’s nice.

“Kumbaga, natututo ako kada taping. Nag-aaral ako,” panghuling sabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN