Sheryl Cruz reconciles with cousin Sunshine Cruz after long-standing rift

Whatever falling-out that happened between Sheryl Cruz and her cousin Sunshine Cruz, a few years back, is over. Sheryl, who is cast in the upcoming ABS-CBN “fantaserye” Galema with Sunshine, confirms that they have buried the hatchet. Sheryl tells PEP, “Everything is good between the two of us. Wala na yung mga problema dun sa past. We already put it in the past. We’re moving forward.”


Nagkasama muli ang magpinsang Sheryl Cruz at Sunshine Cruz sa bagong ABS-CBN afternoon “fantaserye” na Galema, matapos ang ilang taong hindi pag-uusap.

Matatandaang nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawang actress-singer, sanhi ng pambabatikos kay Sheryl diumano ng mga pinsang niyang sina Sunshine at Geneva Cruz dahil sa hindi pag-uwi mula sa Amerika ni Sheryl nang yumao ang ama nitong si Ricky Belmonte noong 2001.

Kahapon, September 10, sa grand press conference ng Galema ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng media si Sheryl.

Nilinaw nito na maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Sunshine.

Ang magkapatid na Galela at Isabel ang ginagampanang karakter nina Sheryl at Sunshine, respectively, sa nasabing teleserye.

Sabi ni Sheryl, “It’s very nice and a bonding experience for the two of us.

“Kasi nga, it’s been a while since we last saw each other and we last talked.

“So, everything is good between the two of us. Wala na yung mga problema do’n sa past.

“We already put it in the past. We’re moving forward.”

Bukod pa dito, sinabi ng 39-year-old actress na natutuwa siya sa magandang takbo ng career ni Sunshine sa kabila ng pakikipaghiwalay nito sa asawang si Cesar Montano.

“Despite kung ano man yung pinagdadaanan niya ngayon in her personal life, hanga ako sa pinsan ko kasi she’s a good mother to three daughters.

“At ano talaga, yung best interest ng children, yun yung kanyang iniisip,” nakangiting wika ni Sheryl.



MOVING FORWARD. Ayon kay Sheryl, 2005 pa nang huli silang nagkausap ni Sunshine. Kamamatay lamang noon ng ama ni Sunshine na si Danny Cruz, kapatid ng ama ni Sheryl na si Ricky Belmonte.

Nang magkausap muli sila kamakailan sa set ng Galema, si Sunshine ang unang nagbanggit ng kanilang nakaraang tampuhan.

“Wala na yun. It’s already done,” ang sabi raw ni Sheryl kay Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya tungkol sa kanilang pagbabati: “I know naman na it’s hard to bite your tongue or to control what you want to say, lalo na pag emotions are in play, yung ganyan.

“But then, the thing is, sabi ko lang ganun, it’s just sad lang kasi para bang hindi muna inisip bago magbitaw ng salita, na I’m also hurting.

“Yun yun, e. Being a daughter, ganyan, losing a father.”

Sa kabila ng mga pangyayari, tinutuldukan na ni Sheryl ang nakaraang samaaan nila ng loob ni Sunshine.

“I’m just waiting lang. Di ba, kung sino yung nagbitiw ng salita, yung magsabi man lang ng ‘Ate, okay na tayo…’ Yung ganun lang.

“Kasi ako naman, hindi naman ako madamot sa aking pagbigay ng kapatawaran.

“I’m not a person who keeps a grudge.”

Iba pa rin ang magkadugo, mariin pang sabi ni Sheryl.

“Yung family mo, kayo-kayo pa rin naman in the end ang magtutulungan, magdadamayan, di ba?

“So, yung akin lang, iniisip ko na lang siguro dahil mas bata.

“And iniisip ko na lang din na kung ano man yung nangyayari ngayon na bond… between Sunshine and I, natutuwa yung [mga] tatay namin.”



BONDING AGAIN. Isa sa mga ikinatutuwa ni Sheryl sa pagsasama muli nila ni Sunshine ay ang pagpapakilala niya sa kanyang anak na babaeng si Ashley sa Tita Sunshine nito.

“Masaya ako, kasi meron na namang bagong nakilalang auntie yung aking anak!”

Bagamat may pinagdadaanan ang kanyang pinsan ngayon, malaki ang paniniwala ni Sheryl na kakayanin ni Sunshine ang lahat.

“Level-headed naman si Sunshine na pinsan ko. May pinag-aralan naman siya at kahit papa’no, she can carry her own. Di ba, yung ganun?

“She’s that kind of woman. So, I have utmost respect sa kanya pati sa class niya and the way she handles her personal life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sheryl, all-out ang suportang ibinibigay ng pamilya nila kay Sunshine.

Maganda rin daw na open si Sunshine sa pinagdadaanan niya.

“It’s nice that she talks about it because it’s one way of actually releasing, di ba, yung ano... yung masakit na nararamdaman….”



BONDING ON THE SET. Tuwing nagkakasama sa taping ng Galema, nagkakaroon daw ng bonding moments muli ang magpinsan.

Saad ni Sheryl, “Talagang musikero talaga, mahilig kaming making sa music, nagkakantahan kami sa loob ng tent.

“Tapos tawanan lang kami nang tawanan tungkol sa mga na-experience namin.

"But it’s not about kumbaga talking about our partners, yung ganyan.”

Ito raw ang paraan nila upang mapasaya or ma-uplift ang isa’t isa. Naiintindihan daw ni Sheryl ang hirap ng pagpapalaki ng isang single mother sa kanyang anak.

“Alam ko rin naman na hindi madali maging isa ka lang habang binubuhay mo or tinutustusan mo, lalo na tatlong mga anak na babae pa.

“Ako nga, isa lang.

“So, hangang-hanga ako sa pinsan ko, lalo pa tatlo-tatlo pa yung kanya.”

Katulad ni Sunshine ay hiwalay na rin si Sheryl sa kanyang asawa na si Norman Bustos, kung saan mayroon siyang isang anak na babae.

Bilang isang ina, inilarawan ni Sheryl si Sunshine na “proud mother” sa kanyang mga anak.

“As a mom, she’s very close to her daughters. She’s very proud of her daughters.”

Ngayon pa lamang daw ay nagpapakita na ng talent sa musika ang tatlong anak na babae ni Sunshine.

Wika ni Sheryl ukol dito, “Nakikita ko na yung beginning ng pagiging full-pledged na Cruz!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN