Tom Rodriguez not yet fully recovered from illness

Hindi pa man lubusang gumagaling ay um-attend pa rin si Tom Rodriguez sa presscon para sa Cosmo Bachelor Bash, kung saan sila ni Alden Richards ang nasa cover. Pagkatapos nga ng presscon ay kinailangan pa niyang bumalik sa ospital para magpa-checkup.


Galing pa ng St. Luke’s Hospital si Tom Rodriguez nang magpunta siya sa press conference para sa Cosmo Bachelor Bash 2013 na ginanap sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, September 10.

Isa si Tom sa Top 10 Centerfolds this year, kung saan sila ni Alden Richards ang nasa cover.

Na-confine si Tom sa hospital at halatang hindi pa lubusang gumagaling nang humarap siya sa media kahapon. Kaya naman ang kalagayan nito ang unang kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Ayon sa Kapuso actor, na nagmamadali na ring umalis dahil kailangan niyang bumalik ng hospital para magpa-checkup, “I feel much, much better than I did before.

“But my platelet count and white blood count is so beyond normal. Regularly, I have to have CBC [complete blood count] para lang ma-monitor.”

Na-confine daw si Tom noong Biyernes at kinailangan niyang magpa-release kahapon para sa press conference ng Cosmo.

Bakit hindi na lang siya nagpasabi na hindi siya makakarating?

Paliwanag niya, “Marami na rin kasi kaming ibang commitments.

“Dapat may shooting ako today, yung Let’s Take A Chance from Regal Films, na kinansel namin because of my condition ngayon.”

Ang Let’s Take A Chance ang pelikula nila ni Carla Abellana, na gumaganap na asawa niya sa GMA-7 primetime series na My Husband’s Lover.

Hindi naman dengue ang sakit niya?

“Yun ang hindi pa ma-rule out kasi ang platelet count ko, mababa.

“So we have to keep monitoring. We have CBC, complete blood count test, para makita kung nag-stabilize na ba, umaakyat na ba.”

Nararamdaman ba ni Tom na ang pagkakasakit niya ang isa sa posibleng kapalit ng kasikatang tinatamasa niya ngayon mula nang gampanan niya ang karakter na Vincent sa My Husband’s Lover?

Natawa ang aktor at saka sinabing, “Nararamdaman ko na, pero masasanay rin naman ako at alam kong mag-a-adjust din ang katawan ko sa ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COVER BOYS. Gaya ng nabanggit kanina, sina Tom at Alden ang cover ng Cosmo Men ngayong taon.

Kaya tiyak na marami ang mag-aabang kung gaano kaseksi o ka-daring ang gagawin nila sa Cosmo Bachelor Bash sa September 24 sa World Trade Center.

Ayon naman kay Tom, “Nagkaroon lang ako ng minor setback ngayon, pero plano ko pa rin, sana makakabalik ulit ako sa gym.

“Makakabalik ako sa preparation... para makapag-prepare pa ako sa Bash.”

Kailangan pa rin ba niya ng masinsinang preparasyon para sa Cosmo Bachelor Bash?

Saad niya, “Bumagsak kasi ang katawan ko dahil sa pagkaka-hospital. Tapos, sa schedule namin sa work, halos every day kaming may schedule.

“Dalawang araw lang sana sa September ang day-off ko. Pero buti na lang, dahil sa pagkaka-hospital, nakapagpahinga rin ako ng ilang araw.

“So, todo-workout ulit in between takes, in between taping.”

Ngayon lang nangyari na nag-double cover ang Cosmo Men. Posibleng makumpara sina Tom at Alden sa pagrampa nila sa Cosmo Bachelor Bash.

Ano ang masasabi ni Tom dito?

“Well, sa akin, kanya-kanya naman kami. May sariling diskarte, may sariling ganun.

“So, okay lang naman siguro ma-compare.

“But for me, hindi ko na lang pinapansin because I usually don’t base how I am or who I am myself on other people.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN