Jessy Mendiola on suitor Sam Milby: "He’s very consistent and very observant."

Jessy Mendiola on status of her relationship with Sam Milby: "He’s a very good friend of mine at walang echos. Hindi ako yung tipong nagpapaligaw, nagpapaligaw… But he’s very sincere and he seems like a friend, like a really good friend. Like, he jives with my friends, my other friends."


Maganda ang pasok ng buwan ng Setyembre para sa Kapamilya star na si Jessy Mendiola.

Bukod sa magkasabay na covers sa Cosmopolitan at Esquire, malapit na ring magsimula ang teleserye niyang Maria Mercedes.

Kamakailan nga ay nakatanggap si Jessy ng isang video kung saan binati siya ng "good luck" ni Thalia, ang Mexican singer-actress na orihinal na gumanap bilang Maria Mercedes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa presscon para sa Cosmopolitan September 2013 issue na ginanap kahapon, September 10, sa 55 Events Place, Tomas Morato, Quezon City.

Pahayag niya, “I feel excited and happy also that Thalia, Maria Mercedes herself, talked to me and wished me luck.”

Sa paghahambing sa iba’t ibang telenovelas ni Thalia, wika ni Jessy, “Wala din naman akong masasabi kasi iba-iba din kami, e.

“I mean, Maria Mercedes is actually one of the most sensual soaps that Thalia did.

“And I can’t really compare kung ano yung pangit and ano yung maganda…

“Because kunwari, Marimar is very innocent and naïve… Maria la del Barrio is very bubbly and fun…

“While Maria Mercedes is used to being in the streets, being poor, being a breadwinner.”



DATING SAM MILBY. Maraming nakapansin na hindi man sabay na dumating sina Jessy at Sam Milby sa Star Magic Ball noong Sabado, September 7, ay nagkasama naman sila sa kalagitnaan ng programa.

Pag-amin ni Jessy, lumalabas talaga sila ni Sam.

Aniya, “I really can’t deny that we go out, but in groups.

“We never went out on dates na kaming dalawa lang. Palagi kaming marami.”

Sa tingin ba niya ay naging mas close na sila?

Sagot ni Jessy, “Siguro ganun na nga.

“But ako kasi, it’s really too early to tell. Kailan ba siya umamin [na nanliligaw]? Two weeks ago? Three weeks ago?

“It’s too early to tell kung close kami or not kasi nandun pa lang ako sa... siyempre kinikilala ko pa lang yung tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sa ngayon talaga, I’m more focused on what’s going on with me right now. Like, I have a Cosmo cover, I have Maria Mercedes.

"And I think that, that I’m not ready yet."

Ano ang kanilang “status” ngayon ni Sam?

Sagot ni Jessy, “He’s a very good friend of mine.

“He’s a very good friend of mine at walang echos. Hindi ako yung tipong nagpapaligaw, nagpapaligaw…

“But he’s very sincere and he seems like a friend, like a really good friend. Like, he jives with my friends, my other friends.

“And I think that’s a good thing na kapag ang isang tao alam na hindi ka pa ready, he takes his time.

"And para sa akin talaga, mas mabuti na rin muna yung ganun.”

SAM AS A SUITOR. Paglalarawan pa niya kay Sam bilang manliligaw, “He’s very consistent and very observant.”

Sa tingin ba ni Jessy ay mas makikilala nila ang isa’t isa kung magkakasama sila sa isang proyekto?

Sagot ng 20-year-old actress, “Siguro. Lagi namang ganun, di ba?

"Kasi kapag lagi naman kayong magkasama, mas nakikilala ninyo yung isa’t isa, ganun. So, we’ll see.

“Wala pa naman sa ngayong projects together, so I don’t want to really get ahead of things.

“Kung ano yung nangyayari ngayon, it is as it is.

"Kung ano yung sinabi niya on TV, yun na yun. Nothing more, nothing less.”

Ano ba ang opinyon niya sa pag-amin ni Sam ng kanyang nararamdaman para sa kanya?

“I’m very flattered and I’m very… I’m happy that he expressed his feelings on TV.

"But it was really a surprise kasi hindi ko naman alam na aamin siya.

“So, kahit ako, ‘Ha? Umamin siya?’ Na-pressure din ako.

"Pero, ganun, e… Yun ang nangyari, umamin na siya, alam na ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, wala na din naman akong masasabi or magagawa about that. Gusto niya yun, e.”

Bukod ba kay Sam ay may iba pang nagpaparamdam sa kanya?

Tugon ni Jessy, “Ayoko na lang magsalita kasi baka sabihin din ng mga tao, I’m assuming.

"But, oo, marami.”

Kabilang ba rito ang leading men niya sa Maria Mercedes na sina Jake Cuenca at Jason Abalos?

Sagot ni Jessy, “Si Jason may girlfriend, e… Tanungin n’yo na lang si Jake.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN