Aiza Seguerra on status of her lovelife: "Happy is an understatement."

Aiza Seguerra on Ryzza Mae Dizon: “Nakakatuwa ‘cause she’s ano… alam mo yung hindi siya yung maangas na bata, e. And, it’s always nice to see people na very down to earth, very humble, na umaangat. Lahat naman tayo natutuwa sa gano’n, so I’m very happy for her.”


Sunud-sunod ang pasok ng projects para kay Aiza Seguerra.

Kabilang na rito ang hit ABS-CBN TV series na Be Careful With My Heart, theater and movie projects, at ang parating na concert nila ni Charice.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Aiza sa kanyang birthday press conference na ginanap sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City, kahapon, September 10.

Sa September 17 ipagdiriwang ni Aiza ang kanyang 30thbirthday.

At ngayong magse-celebrate na siya ng kanyang birthday, tinanong ng press kung ano pa ba ang mahihiling niya.

Pabirong sagot ni Aiza, “Kasi yung gusto ko mahiling, hindi na mangyayari, e, imposible—pangarap ko tumangkad!

“Bukod dun, wala naman.”

Wala na raw talagang mahihiling pa si Aiza para sa kanyang kaarawan dahil maganda ang takbo ng bawat aspeto ng kanyang buhay—kabilang ang career, family, at lovelife.

Aniya, “Seriously, ano, I… I can’t ask for anything else, anything more.

“I am very happy siguro sa lahat ng aspeto ng buhay ko.

“Not just sa career, hindi lang sa lovelife, pero parang encompassing.

“And it’s funny rin na hindi ganito yung nararamdaman ko, ganito yung parang pagkapuro—pagkakumpleto niya.

“Saktong-sakto, di ba, tapos yung 30thbirthday ko.

“Kumbaga, I achieve a certain balance on all aspects of my life and I’m very happy about that.”

CONCERT WITH CHARICE. Kasunod ng kanyang birthday, gaganapin naman ang Power of Two concert nila ni Charice sa September 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Ani Aiza, “I’m just happy that ano, meron akong chance to work with her much more than the international…

“Kumbaga, ano ako, ewan ko, I’m not the type of person na, ’Uy, international ako…’

“Kumbaga, much more than the popularity, ang nagma-matter sa ‘kin, artistry.

“Ngayon, I got the chance to know that side of Charice, so I’m happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MYSTERIOUS LOVELIFE. Bukod sa magandang takbo ng kanyang career, kabilang sa ipinagpapasalamat ni Aiza ngayon ay ang pagkakaroon niya ng lovelife.

Kumusta nga ba ang kanyang lovelife ngayon?

Ayon kay Aiza, “Happy is an understatement.

“Siguro, I will not feel this complete if it weren’t for it.

“Kumbaga, things can go right in every aspect of your life.

“If that [lovelife] part is lacking, wala, e.

“But since she’s there, it’s just… it completes all of your... it completes everything, it completes the experience.”

Last week, nakakuwentuhan ni Kris Aquino si Aiza sa kanyang morning show na Kris TV. Kabilang sa mga inusisa ni Kris ang lovelife ni Aiza, na hindi naman niya masyadong idinetalye.

Sa ulat naman ni Anna Cañoneo para sa Interaksyon.com, ang beauty queen turned indie movie actress na si Liza Diño raw ang kasalukuyang nali-link kay Aiza.

Na-link din siya noon sa kanyang protégé na si Krizza Neri.

Ngunit bakit nga ba malihim si Aiza pagdating sa kanyang lovelife?

Sagot ng singer, “I’m not the type naman na magtatago or ganyan.

“Kumbaga, ayoko ng nagkakaroon ng limitasyon sa kalayaan ko to do whatever.

“But, I don’t want to talk about it also.

“Kumbaga, para sa akin, what I do, what we do together is our time, is our personal thing na.

"I don’t think I need to share to the public.”



SAME-SEX MARRIAGE. Kaugnay ng pagpasok niyang muli sa isang relasyon, patuloy pa rin ang pagsuporta ni Aiza na mapatupad din sa Pilipinas ang same-sex marriage.

Aniya, “Of course, I’m for it. I am for it.

“Kumbaga, ito nga yung nakakatawa, e, kasi if you ask people what same-sex marriage is all about, parang akala lahat nila pasok sa relihiyon.

"No, it’s above that, you know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ng Be Careful With My Heart star, “recognition of rights” ang habol ng mga miyembero ng third sex, lalo na kung pagpapakasal ang usapan.

Aniya, “Kumbaga, ang after lang naman ng third sex is the recognition of rights.

“Na parang nire-recognize kayo ng state, ng country ninyo na mapa-babae-lalaki, babae-babae, lalaki-lalaki, basta’t mahal ninyo ang isa’t isa at totoo kayong nagmamahalan, at you are willing to start a family and start a relation together, basta’t alam ninyong legal yun, may mga karapatan kayo.

“May mga karapatan ang third sex couples kagaya ng karapatan ng mga heterosexual couples.

“So parang, what makes homosexual couples less of a couple than heterosexual couples?

“Yun lang naman, e. Yun lang naman debate dun, e.

“Tanggal na yung religion side, tanggal na yun.

“Dun tayo sa recognition lang ng karapatan ng bawat mamamayan.”



THE “NEXT AIZA.” Samantala, makakasama naman ni Aiza sa Metro Manila Film Festival 2013 entry na My Little Bossings ang sinasabing susunod sa mga yapak niya—ang bagong child wonder na si Ryzza Mae Dizon.

Ito ang unang beses na makakatrabaho ni Aiza si Ryzza Mae sa isang project kung saan gaganap siya bilang nanay ng Eat Bulaga! mainstay.

Kuwento ni Aiza, “Nakakatuwa, sa totoo lang.

“Inaasar ko nga, e, sabi ko, ‘Wow, sosyal ngayon, a!’

“Kasi nung nag-shoot kami, may entourage na siya—siya, then her mom, her P.A. [personal assistant], her handler, her stylist, her parang make-up artist.

“Sabi ko, ‘O, parang ako nung dati nanay ko, a!’ Pero in jest lang naman.

“Nakakatuwa ‘cause she’s ano… alam mo yung hindi siya yung maangas na bata, e.

“And, it’s always nice to see people na very down to earth, very humble, na umaangat.

“Lahat naman tayo natutuwa sa gano’n, so I’m very happy for her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung bibigyan ng pagkakataon, kukunin ba niya si Ryzza Mae bilang protégé?

Sagot ni Aiza, “No, I mean as much as I would want to, parang I would rather na... like ako, I wasn’t anyone’s protégé naman.

“Kumbaga, may mga mentor ako in the sense na may gumabay sa akin and siguro if, di ba?

“I’d be willing to do that, pero I’d rather be, you know, just being on her side... that [she] will find her own path.

“Kasi, I’d rather her be known as Ryzza than ‘the next Aiza.’

“Tapos siya mismo, may sariling poknat ’yang batang ’yan, e, and it’s refreshing.

“So I don’t… alam mo yun? Huwag natin siya… hayaan natin siya to shine on her own.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN