Akihiro Blanco reveals Mocha Uson is his first kiss on- and off-screen

Bilib daw si Akihiro Blanco sa mga katrabaho niyang sina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid sa pagiging professional ng mga ito. Ang Megastar ay kasama ni Akihiro sa "tawa-seryeng" Madam Chairman samantalang ang singer-songwriter naman ay kasama niya sa gag show na Tropa Mo Ko Unli.


Aminado ang Artista Academy alumnus at TV5 Talent Center artist na si Akihiro Blanco na nao-overwhelm siya sa pagdating ng sunud-sunod na blessings at magagandang proyekto na natatanggap niya sa telebisyon at sa pelikula.

Sabi ni Akihiro, “Ayun nga po, e, talagang hindi po ako makapaniwala, akala ko nananaginip lang ako.

“After po talaga ng AA [Artista Academy], talagang nagulat ako.

“Nag-umpisa iyan sa ‘Robin Dude,’ yung sa Istorifik [Pidol’s Kuwentong Fantastik] po ng TV5.

“Tapos nagkaroon ako ng entry sa CineFilipino, ito pong Mga Alaala ng Tag-ulan.

“Nagulat po ako na kinuha po ako nina Direk Ato [Bautista] at saka ni Tito Mon [Confiado].

“Si Tito Mon po kasi, friend niya yung mommy ko, close po sila.

“Nag-request sila na ipasok po ako sa indie na yun. Ayun po, tinanggap ko po yung offer.

“Nalaman ko sexy po, e. Pero nalaman ko rin na puwede naman palang hindi maghubad nang sobra, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Akihiro sa presscon ng walong full-length films at sampung short films na kabilang sa 2013 CineFilipino Film Festival kahapon, Setyembre 10, sa Resorts World Manila.



COMING-OF-AGE MOVIE. Ginagampanan ni Akihiro sa Mga Alaala ng Tag-ulan ang role ng isang teenager na mai-in love sa babaeng mas matanda sa kanya, na ginagampanan naman ni Mocha Uson.

Kasama rin sa cast sina Mon Confiado, Issa Litton, at Lance Raymundo.

Kumusta naman ang naging karanasan niya sa paggawa ng kauna-unahan niyang pelikula?

Ayon kay Akihiro, “Talagang naging kumportable ako na makatrabaho sila.

“At saka eto yung pinakagusto kong sabihin, na-enjoy kong gumawa ng indie. Kasi kahit first time ko ito, na-enjoy ko talaga, e.

“At saka siguro kung magkakaroon pa ako ng ibang films, etong unang film ko na ito kay Direk Ato, hindi ko makakalimutan.”

Kumusta namang katrabaho si Mocha?

“Si Mocha, alam naman natin na matapang talaga si Mocha. Pero lumaban din ako!” natatawang sabi ni Akihiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging kumportable akong katrabaho siya.

“Minsan yung ibang babae na nahihiya-hiya, minsan nagkakailangan kayo, si Mocha ginagawa niya talaga yung character niya kung ano siya.

“Kaya mabilis akong natuto at mabilis naming nagawa yung trabaho namin.”

Sabi ni Akihiro, “lumaban” siya kay Mocha. Ibig ba niyang sabihin ay “lumaban” siya sa halikan dahil nga sexy ang tema ng pelikula?

“Opo!” sabay tawa niya nang malakas.

Kahit daw sexy ang pelikula ay wala naman siyang frontal nudity o butt exposure. Hanggang saan lang ang kaseksihang ipinakita niya sa movie?

“Siguro ipapakita lang dito yung top ko, topless lang po, tapos yung halik-halikan.”

Kahit naman daw si Mocha ay hindi rin todo-hubad at naka-two piece daw ito noong gawin nila ang intimate scene.



FIRST KISS. Inamin din ni Akihiro na si Mocha ang first kiss niya, hindi lang sa showbiz kundi sa pati sa totoong buhay.

Batang-bata pa raw kasi noong magkaroon siya ng first girlfriend kaya walang nangyaring kiss.

Aniya, “Grade six pa lang po ako noon, parang puppy love lang ganun.

“So, bale si Mocha po talaga yung first kiss ko.”

Nadala ba siya sa halikan nila?

“Nadala? Actually, oo, kasi lalaki ako, e!” at natawa na naman siya.

Nakaka-relate daw siya sa role niya rito bilang isang inosenteng teenager.

“Actually, pasok ako sa character ko dito, e. Kasi yung character ko dito, virgin po ako.

“Halimbawa hinalikan ako ni Mocha, siya propesyunal kumilos, ako parang hindi gumagalaw yung labi ko.”

So, ngayon ba marunong na siyang humalik?

“Oo naman!” sabay tawa ulit nang malakas.

“Nakapag-praktis na po. Pero trabaho lang po lahat sa amin.”



GETTING AHEAD OF AA WINNERS. Ano ang pakiramdam na naunahan pa niyang magkaroon ng pelikula ang winners ng Artista Academy na sina Vin Abrenica at Sophie Albert?

Sagot ni Akihiro, “Natutuwa po ako na may nagtiwala sa akin para sa unang pelikula ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, natutuwa rin po sila para sa akin, lahat po sila sa AA.

“Nagkuwentuhan nga po kami kasi magkasama po kami sa new show namin, yung Tropa Mo Ko Unli.

“Lahat po sila kino-congratulate ako at saka manonood po sila sa premiere night, lahat po silang AA, manonood.”



MORE PROJECTS. Bukod sa kanyang pelikula, abala rin si Akihiro sa tapings ng kanyang dalawang shows sa TV5—ang Tropa Mo Ko Unli at ang Madam Chairman.

Anak siya ni Sharon Cuneta sa tawa-seryeng Madam Chairman. Kumusta katrabaho si Megastar?

Aniya, “Sobrang saya po, lagi po siyang nakatawa. At saka wala ka talagang makikita na malungkot siya, lagi siyang naka-smile.

“At saka ang bilib ako sa kanya, lahat ng lines niya, lahat ng gagawin niyang acting, alam niya lahat pag nag-take na.

“Talagang professional po siya.”

Ramdam niya ba na parang anak na rin ang turing sa kanya ni Sharon?

“Opo, ang tawag ko nga po sa kanya, ‘Mommy.’ Ang tawag niya naman sa akin, ‘Anak.’

“Nagtu-tweet pa nga kami minsan ni Ms. Sharon.”

Kasama naman niya sa Tropa Mo Ko Unli sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Edgar Allan Guzman, Empoy, Alwyn Uytingco, Jasmine Curtis-Smith, Valeen Montenegro, Ritz Azul, Eula Caballero, at ang mga co-finalist niya sa Artista Academy.

Sa lahat daw ng kasama niya sa naturang gag show, kay Ogie siya bumilib.

Saad ni Akihiro, “Si Kuya Ogie, unang-una, napaka-professional niya.


“Yung pagpasok niya pa lang sa TV5, alam mo yung hindi siya umaarte na kasi Ogie Alcasid na siya. Napaka-professional niya at napakabait na tao.

“Tinuturuan niya kami kasi kami yung mga bago, yung Artista Academy, tinuturuan niya kami ng tama naming gagawin.

“Tapos lahat kami nakikinig sa kanya, siyempre kasi isa na siya sa mga beteranong comedian, lalo na sa mga gag show, dahil galing siya sa Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka napakasaya namin dahil kasama naman siya at sina Ate Gelli sa Tropa Mo Ko.

“Kasi dati may Tropang Trumpo sila, tapos ngayon ibinalik at pinagsama pa sa Lokomoko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN