Luis Alandy wants to work with Sheena Halili again after Binoy Henyo

Isang docu-drama base sa rebolusyon noong panahon ng Kastila ang gagawin ni Luis Alandy para sa GMA News TV. Kuwento niya, “Itong Katipunan, maraming mga bata ang makakapulutan ito ng aral tungkol sa ating bayani na si Gat Andres Bonifacio.”


Nalungkot si Luis Alandy nang matanggap niya ang final script para sa early primetime series ng GMA-7 na Binoy Henyo.

Sinabihan na raw sila noong simula pa lang na good for nine weeks lang ang istorya ng Binoy Henyo.

Pero pakiramdam ni Luis ay mas matagal pa sa nine weeks silang nagtatrabaho sa series dahil sa magandang samahan ng buong cast at crew.

Sabi ni Luis nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Batasan Hills, Quezon City, last week, “Ito nga ang cast na walang mga intriga.

“Kaya happy kaming lahat sa set, siguro dahil nga ang bida namin dito ay si David Remo, nakaiwas kaming lahat sa mga ingtriga.

“Naging maganda ang working environment ng bata at pati kaming lahat, maayos ang pakikipagtrabaho namin sa bawat isa.”



GOOD RAPPORT. Ayon kay Luis, maganda rin ang naging rapport nila ni Sheena Halili habang ginagawa nila ang Binoy Henyo.

Sina Luis at Sheena ang gumaganap na mga magulang ni David (as Binoy) sa teleserye.

Hindi raw inakala ni Luis na magiging close sila ni Sheena dahil first time lang niya itong nakasama at naka-partner sa isang proyekto.

Ngayon at patapos na ang Binoy Henyo, kabilang daw sa mami-miss ni Luis ay ang pakikipagtrabaho kay Sheena.

Sabi ng aktor, “Sobrang masayahing tao kasi si Sheena.

“Kahit pagod na kaming lahat, siya lang ang parang hindi napapagod sa amin.

“Nahawa na siya kay Binoy, wala ring tigil iyon sa pagiging playful sa set."

Dagdag pa ni Luis, “Nami-miss nga namin ‘yang si David kapag tapos na siya sa set.

“Maaga kasi siyang kunan ng mga eksena kasi may cut-off time siya. Ngayon, mas mami-miss namin siya kasi patapos na ang show.

“Hopefully, magkasama ulit kaming lahat sa isa pang mas malaki pang project dito sa GMA.”



HISTORICAL DOCU-DRAMA. Habang wala pang bagong sisimulan na teleserye si Luis ay gagawin muna niya ang eight-part docu-drama ng GMA News TV na Katipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Katipunan ay tungkol kay Andres Bonifacio at ang pagkakatatag niya ng isang rebolusyonaryong samahan.

Si Sid Lucero ang gaganap na Andres Bonifacio, samantalang si Luis ang gaganap bilang Emilio Aguinaldo.

Sabi ni Luis, “Exciting ang project na ito kasi magaganda ang mga ginagawang original series ng GMA News TV, tulad ng Bayan Ko and Titser.

“Itong Katipunan, maraming mga bata ang makakapulutan ito ng aral tungkol sa ating bayani na si Gat Andres Bonifacio.

“Bukod sa amin ni Sid, kasama rin sa Katipunan sila Benjamin Alves, Paolo Contis, Dominic Roco, Mark Herras, at marami pang iba.”

First time gumawa ng ganitong klaseng proyekto si Luis at excited siya sa pagganap bilang si General Emilio Aguinaldo.

Sabi niya, “Kahit sino namang aktor ay matutuwa sa opportunity na ito.

“I haven’t portrayed any real-life character in Philippine history before kaya excited na rin akong simulan ang project na ito.

“I will do my own research on my character para handa ako when we start shooting the docu-drama.”



MMFF COMPETITION. May sisimulan ding isang indie film si Luis, ang Binhi, na kalahok sa indie section ng Metro Manila Film Festival ngayong December.

Saad niya, “It’s been a while since gumawa ako ng indie film, nagkasunud-sunod kasi ang mga TV projects natin sa GMA.

“The last indie film I made was Kalayaan [Wildlife] with Direk Adolf Alix.

“But I have a small role sa Death March na idinirek din ni Direk Adolf and may special guest role ako sa Instant Mommy ni Eugene Domingo.

“Ngayon, mas may time na akong gumawa ng movies dahil medyo maluwag na ang schedules natin.

“I’m just happy because bago matapos ang taon, puro magaganda ang mga projects na nagawa natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN