Barbie Forteza wants to play an all-out kontrabida in teleserye

Barbie Forteza wants to do an indie film. She explains, “Gusto ko yung indie kasi mas realistic. Walang sampalan, walang sigawan. Kasi, wala naman po talagang ganoon sa totoong buhay. Kung meron man, as in rare na nangyayari. E, sa teleserye, gabi-gabi may ganoon. Gabi-gabi, may itinutulak sa stairs. Gabi-gabi, may nilulunod sa pool. May pinapasabog na bus!”


Bagamat malapit nang matapos ang GMA-7 primetime series na Anna KareNina, hindi pa raw alam ng mga bida ritong sina Barbie Forteza, Joyce Ching, at Krystal Reyes kung sino sa kanilang tatlo ang tunay na Anna Karenina sa istorya.

Sabi nga ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung puwede raw sana ay silang tatlo na lang ang tunay na Anna Karenina.

Natatawang sabi niya, “E, kasi, kapag sinabi ko ang isa sa amin, iisyu, di ba? So, para safe, tatlo kami.

“Ngayon po, hindi pa talaga namin alam. Sa final script pa po namin malalaman.”

Kahit daw madalas silang magkakasama, hindi raw nila napag-uusapan ang tungkol dito.

Sabi ni Barbie, “Hindi po namin napag-uusapan. Hindi siya big deal sa set namin.

“At saka, ano naman ‘to, hindi ‘to sapawan talaga.

“At saka, alam naman namin na kaming tatlo, may napatunayan kami rito sa show.

“So, hindi naman ‘to contest na ang reward, e, sino ang totoo.

“Yun lang ang flow ng story, pero lahat naman kami, may kanya-kanya kaming character.”

Natutuwa raw si Barbie kapag nakakabasa siya ng mga komento na siya ang gusto ng mga manonood na maging tunay na Anna Karenina.

“Marami pong nagsasabi sa Twitter, tapos marami raw pong likes sa Facebook.

“Siyempre po, nakakatuwa dahil maraming umaasa na puwedeng ako.”

Aminado si Barbie na nalulungkot siya sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye dahil isa raw ito sa pinakamasayang set na nasamahan niya.

“Nakakalungkot talaga kasi maraming… kahit sa mga senior stars, may nabuo na ring bonding po talaga.

“Kay Ms. Sandy [Andolong], kay Ms. Valerie [Concepcion], sa lahat po, may bonding na rin po sa amin.

“Kay Direk Gina [Alajar]… hindi lang sa aming mga bagets kaya nakaka-miss.



PASSING THROUGH AWAKWARD STAGE. May follow-up project na ba siya pagkatapos ng Anna KareNina?

“Sa ngayon, wala pa pong balita, pero magsa-Sunday All Stars po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Umalis po kasi ako sa SAS dahil hindi kaya ng schedule. Kaya after ng Anna KareNina, balik SAS po ako.

Dugtong pa ni Barbie, “Actually, ang maganda naman po sa GMA, lahat sa tweens, nabibigyan ng chance.

“Ngayon po, si Thea [Tolentino], may lead na siya. Binibigyan lahat ng chance.”

Si Thea ang bida sa afternoon soap na Pyra, Babaeng Apoy.

Masaya siya kapag may ibang nabibigyan ng lead role, tulad ni Thea?

“Opo,” sagot ni Barbie.

“Kasi nabubuhay… di ba, dati ang tawag sa amin, awkward stage?

“E, ngayon, kami ang namumuno sa lahat ng shows. Biglang nabigyan ng chance yung mga awkward stage na magkaroon ng break.”

Patuloy niya, “Nakakatuwa, kasi sa generation namin, kami yung nagka-break.

“Nakakatuwa kasi hindi kami nababakante.

“Kumbaga, yun na yun, doon na umiikot ang competition.”

KONTRABIDA ROLE. May gusto ba siyang gampanang role sa susunod na teleserye niya?

Sagot ni Barbie, “Gusto ko pong magkontrabida, serious kontrabida. Gusto ko namang ma-try.

“Kasi, palagi na lang ako yung mabait. Actually, gusto ko pong i-try lahat.

“O kaya mag-i-indie films muna ako.

“Gusto ko yung indie kasi mas realistic. Walang sampalan, walang sigawan.

“Kasi, wala naman po talagang ganoon sa totoong buhay. Kung meron man, as in rare na nangyayari.

“E, sa teleserye, gabi-gabi may ganoon.

"Gabi-gabi, may itinutulak sa stairs. Gabi-gabi, may nilulunod sa pool. May pinapasabog na bus!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN