Barbie Forteza on Derrick Monasterio: "Sobrang close na po namin, pero hindi pa kami."

Sa edad na 16 ay nagsisimula nang maging independent ang Kapuso young actress na si Barbie Forteza. Saad niya, “Gusto kong maging independent. Kasi, hangga’t kasama ko ang parents ko, feeling ko, hindi ako matututo on my own. Hindi naman sa gusto kong lumayo sa kanila, kaya lang, wala kasi akong mapupuntahan, wala akong mararating at matutuhan kung palagi lang akong dumedepende sa kanila.”


Twelve years old lang si Barbie Forteza nang magsimula sa showbiz sa pamamagitan ng primetime series na Stairway to Heaven, kung saan gumanap siya bilang batang Rhian Ramos.

Ngayon ay 16 years old na siya.

Kumpara sa ibang mga kabataan na kasing-edad niya, may sarili na raw ipon at investments si Barbie.

Mayaman na ba siya ngayon?

Natatawang sagot niya, “Hindi naman mayaman, pero kumbaga, nasusustentuhan ko yung needs ng family ko at ng sarili ko rin.”

Yung ibang mga kaedad niya, nanghihingi pa ng pera sa kanilang mga magulang. Pero si Barbie, siya na ang sumusuporta sa pamilya niya.

Aniya, “Yun naman po ang ikinabibilib ko sa sarili ko dahil eyebags, pimple, pawis, luha ko ang puhunan ko talaga.

“At ako talaga ang naghu-hold ng sarili kong pera.”

Maraming mga artista na nagsimula nang maaga sa showbiz, pero nang magkaedad na ay halos hindi makita o na-enjoy ang kanilang mga pinaghirapan.

Sa parte niya, gaano ka-secure si Barbie sa mga kinikita niya?

Saad niya, “Yung nanay ko, siya po ang nagha-handle ng income ko.

“Once in a while, nai-spoil ko naman ang sarili ko.

“Halos lahat din naman po sa bangko, halos sa akin din naman po nakapangalan.

“Kahit po yung van, sa akin na rin po nakapangalan.”



INDEPENDENCE. Sa ngayon daw, ang mga magulang pa rin ni Barbie ang nagbabayad at nag-aayos ng finances niya at mga dapat bayaran.

Pero pagtuntong daw niya ng 18 ay siya na ang magiging responsable sa lahat ng ito.

“Actually, ang dami ko na pong plano kapag eighteen na ako,” sabi niya.

Isa na raw rito ang bumukod ng tirahan.

Sabi niya, “Siguro kung financially hindi ko pa kaya, gusto ko munang magkaroon ng sarili kong sasakyan. Yung ako ang magda-drive.

“Ngayon po kasi, balak kong mag-driving lesson after ng Anna KareNina. Puwede na raw po kasi kapag sixteen, student’s license.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag humiwalay naman po ako, same condo building pa rin, different unit lang.

“Gusto kong maging independent. Kasi, hangga’t kasama ko ang parents ko, feeling ko, hindi ako matututo on my own.

“Hindi naman sa gusto kong lumayo sa kanila, kaya lang, wala kasi akong mapupuntahan, wala akong mararating at matutuhan kung palagi lang akong dumedepende sa kanila.”

Okay lang ba sa mga magulang niya ang plano niya kapag nag-eighteen na siya?

“Masaya sila kasi yung paraan ng pag-iisip ko, hindi na pang-teenager, as in gusto ko nang humiwalay agad.”

Saan nagmula ang ganitong kaisipan niya?

Ayon kay Barbie, “Mas natatakot kasi ako siguro kung lalaki ako na walang alam sa buhay.

“Yung sabihin natin na book-wise lang, pero hindi street-smart.

“Yung experience… gusto kong matutunan hindi galing sa mga magulang ko, hindi galing sa libro—ako mismo.”



DERRICK MONASTERIO. Samantala, bukas na sina Barbie at Derrick sa estado ng kanilang relasyon.

Paglalarawan pa nga ni Derrick sa kanila ni Barbie, “More than friends na, but less than lovers.”

Umapela naman si Barbie at sinabing, “Sinabi ko na yun dati, gaya-gaya naman ‘to!”

Natatawang sabi pa niya, “Opo, totoo po yun. Kasi, sobrang close na po namin, pero hindi pa kami.”

Ano ang kaibahan ng “more than friends” sa “sila na”?

Sagot ni Barbie, “Hindi po siya nanliligaw, walang I love you. Walang sweetness.

“Actually, kaya nga gusto ko ang commitment namin sa isa’t isa ngayon kasi wala yung…

“Nagsisimula kasi ang relationship na nagpapanggap na.

“Kunwari sweet, kunwari ganoon, nagpapakitang-tao na, nagpapa-impress.

“Sa aming dalawa, kung sweet man, natural. Kumbaga, hindi sapilitan.

“Walang gustong i-achieve sa buhay. Natural lang sa amin.”

Kapag nakakausap naman ng press si Derrick, parang gustung-gusto niya talaga si Barbie. So, paanong hindi pa nanliligaw ito sa kanya?

Natatawang sabi ni Barbie, “On-cam, kailangan naman po siguro naming ipakita na gusto namin ang isa’t isa, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Off-cam, mas makulit kami.”

Lumalabas ba silang dalawa?

“Opo, lumalabas kami, pero hindi date.

“Di ba, ang date, mga first impression? Kami, wala talaga.

“Para kaming pinagbiyak. Iisa halos ang ugali naming dalawa.”

Ano ang pagkakaiba ng loveteam nila ni Derrick sa loveteam nila noon ni Joshua Dionisio?

Sabi ni Barbie, “Ayoko naman pong mag-compare.

“Si Joshua po, siyempre, siya naman po ang una kong naka-work, naka-loveteam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN