Hiro Peralta regrets end of loveteam with Kim Rodriguez

Minabuti ni Hiro Peralta na manatili bilang Kapuso kaysa lumipat siya sa ibang network. Paliwanag niya, “Nandito po ang mga kaibigan ko at yung lifestyle ko po, from GMA. Medyo magkaiba po kasi ang lifestyle ng artists ng GMA at ABS. Nandito po ang mga kaibigan ko, feeling ko, dito na ako lumaki.”


Hanggang ngayon, ang desisyon ni Hiro Peralta na magpapalit ng screen name ang naitatanong sa kanya ng entertainment press.

Marami pa rin ang hindi aware na ang ginagamit na niyang apelyido ay “Peralta” at hindi na “Magalona.”

Sabi ni Hiro, “Most of them nako-confuse po, pero yung iba, hindi naman po.

“Kasi yung accounts ko po sa social media po, may nakalagay po doon na Hiro Magalona Peralta.

“Kasi, yung Magalona naman po, middle [name] ko po.”

Final na ba talaga na ang gagamitin niyang screen name ay Hiro Peralta?

“Final na po!” natatawang sabi niya rin sa pocket presscon ng Anna KareNina noong September 5 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Kaya ba niya napili ang ang tunay na pangalan ay may dalang suwerte ito sa kanya?

“Tingin ko naman po, although yung Magalona po, nakatulong din po sa akin.

“Parang na-miss ko rin po yung pagiging Magalona.

“Mga tao po kasi, ang tawag sa akin, Hiro, e... parang nasanay po ako na ang tawag na sa akin Hiro Magalona.”



RELATIVES. Ang ina ni Hiro ay second cousin ng namayapang singer-rapper na si Francis Magalona, ama ng magkakapatid na Maxene, Frank, Saab, Elmo, at Arkin Magalona.

Lumaki raw sa Seattle, Washington si Hiro kaya hindi niya ikinakaila na hindi siya malapit sa mga Magalona sa showbiz.

Limang taon na rin sa Pilipinas si Hiro, pero hindi rin daw naging daan yun para magkalapit pa rin sila ng mga kamag-anak niya sa Magalona side.

Bakit hindi pa rin siya naging malapit sa mga Magalona gayong halos lahat sila ay nasa Kapuso network din?

Tugon ni Hiro, “Hindi po talaga, actually, my mom, she’s not even close to her siblings.

“My mom, she’s close to my dad’s relatives. Kumbaga, lahat po kaming magkakapatid, close po kami sa father side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, ina-acknowledge naman po nila ako na relative.”

Sila ni Elmo, hindi rin ba sila close?

“Hindi po, e, hindi rin po kami nagpapansinan.”

Pero magkakilala sila?

“Opo, nagkaeksena rin po kami sa Tweets for My Sweets, pero hindi po kami nagpapansinan.”

Aware ba si Elmo na magkamag-anak sila?

“Opo, aware naman po. Nagkuwento po minsan si Krystal [Reyes] na sabi raw po ni Elmo, pinsan ko.”

Bakit hindi sila nagpapansinan?

“Hindi ko po alam, e. For me, bakit po ako hindi pumapansin, kasi feeling ko po, nahihiya ako."

Aminado si Hiro na nerbiyoso siya.

“May anxiety po kasi ako, meron akong fear sa rejection.

“For example, this certain group of people po, gusto akong kausapin, inuunahan po ako ng anxiety ko.”



TELESERYE’S END. Malapit nang magtapos ang Anna KareNina at nalulungkot daw si Hiro dahil dito.

“Malungkot po na mag-e-end na, pero enjoy po kasi ang show. Yung director po namin, naging director na namin.

“Mommy po namin sa Tween Hearts si Direk Gina, siya ang director namin sa Tween Hearts.

“Tapos, sina Derrick [Monasterio], sina Barbie [Forteza], Joyce [Ching], parang Tween Hearts din po—first time kong ma-feel na approachable na at home lang po.”

Ang kapareha ni Hiro sa soap ay si Joyce at sa hiwalay na panayam ay ibinuko ng young actress na sobrang naiilang si Hiro sa kanya.

Kahit nga sa pictorial nila, ilang na ilang daw si Hiro na maging sweet kay Joyce.

Pag-amin ni Hiro, “Opo, opo, before po.

“Kasi, naisip ko po si Kristoffer Martin. Friends po kasi kami ni Kristoffer at biglang pumasok sa isip ko si Kristoffer noong pictorial.

“Parang nag-freeze na ako at talagang kinakabahan po ako.

“Ang ginawa ni Kristoffer, tinawagan niya ko, and he said na, ‘Okay lang ‘yan. Bakit iniisip mo ako, trabaho lang ‘yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, meron pa po, dumalaw si Kristoffer sa set at tinutulak niya ako kay Joyce.”

Pero nang magkausap naman daw sila ni Kristoffer, nawala na ang kaba at pagkailang niya.

Kailangan pala niya ay assurance na walang magagalit? Hindi ba mahirap yun sa klase ng trabaho niya?

Sabi ni Hiro, “Kasi po ako, gusto ko po, kakausapin ko muna yung ka-loveteam ko.

“Kung meron man po na karelasyon na, we’re only actors here, we’re just pretending.

“Bale nga po, yung mga followers din ng KrisJoy, hindi naman sila nagagalit, sinasabi nila na, ’Ang galing-galing ninyong dalawa.’

“Pero, sinasabi ko na, ’Yung napapanood ninyo, hindi ako at si Joyce, sina Bryan yun at si Nina, nagpi-pretend lang kami.’

“Kumbaga, yun po ang sinet ko sa mind ko. Pagdating sa set, ako po si Bryan at siya si Nina.”



ON KIM RODRIGUEZ. Sila ni Kim Rodriguez ang magka-loveteam noon sa Tween Hearts.

Natawa si Hiro nang tanungin namin kung hindi nanghihinayang na hindi silang dalawa ni Kim ang itinuloy na loveteam.

Sabi niya, “Kanina pa nga po, sa live chat namin ako tinatanong.

“Siguro po, naka-sampung tanong na sa akin puro kay Kim, ‘Kumusta na kayo ni Kim?’ Kasi dati po, more than friends ang closeness namin.”

Nanghinayang ba siya na hindi na sila magkasama?

“Nanghinayang po,” pag-amin niya.

“Kanina, magkasama kami at sinasabi ko, ‘Sana ako na lang ka-loveteam mo, ‘no?’

“Sabi naman ni Kim, ‘Loka ka, ayaw mo namang mag-reply sa akin!’”

May ganoon naman pala siya, hindi siya nagre-reply dito?

Natawa ito saka sinabing, “Siguro po, hindi po kasi ako nagsasabi na naging kami.

“Pero meron na po kaming mutual understanding since... wala naman kaming relasyon, kami ang magka-loveteam.

“So, bakit po hindi pa namin medyo… hindi naman totohanin kung hindi, wala munang commitment with other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Committed kami with each other but not as parang partners na couple.”



NETWORK TRANSFER. Tatlong taon na sa showbiz si Hiro at aminado ito na dati ay naisipan niyang lumipat ng network noong wala siyang ginagawa.

Sa ngayon, wala pa raw siyang alam kung may nakalinya na sa kanyang bagong programa kapag nagtapos na ang Anna KareNina.

“Wala pa pong sinasabi. Pero sabi po nila Ms. Annette [Gozon-Abrogar], for buildup daw po.

“Inaalagaan daw po ako for buildup ng leading man daw po.

“Sabi po nila, nasa akin daw po ang looks, matangkad daw po ako.

“Sabi nila, huwag na raw po akong… well, dati po kasi, nagkaroon ako ng offer from other network.

“Nagkaroon po talaga ng time na sobrang tempting ng offer talaga na nagdalawang-isip po talaga ako na baka kunin ko.

“Kasi, wala na po akong Tween Hearts and noong time na yun, wala na po akong ginagawa.

“Nagkaroon po ako ng thinking na hindi na ako nagagamit dito, so nakipag-meeting po ako doon.

“Yun nga po, nakipag-meeting kami ni Tito John [Fontanilla] sa ABS-CBN.

“Pero, yun nga po, after a week, bigla po nila akong binigyan ng Cielo de Angelina, after Cielo, ito na po agad.

“Kaya sabi ko, yun din po ang iniisip ko, while kinakausap ang kabila, ang isip ko, ayaw ko pong umalis dito.

“Nandito po ang mga kaibigan ko at yung lifestyle ko po, from GMA.

“Medyo magkaiba po kasi ang lifestyle ng artists ng GMA at ABS."

Dugtong pa niya, “At saka yun nga po, nandito po ang mga kaibigan ko, feeling ko, dito na ako lumaki.

“So, why not wait?

“May iba nga po riyan, eight years na naghihintay, walang nangyayari.

“At saka, noong time naman na wala akong ginagawa, nag-aaral naman po ako at may business naman ang family namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero gusto raw sana ni Hiro na magpa-manage sa GMA Artist Center.

Aniya, “Co-manage po sana, kasi feeling ko, kapag Artist Center ka, meron kang security.

“May wall ka na masasandalan na feeling mo, gagamitin ka nila agad, hindi ka masasayang.

“Parang yun po ang iniisip ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN