Court finds Rosanna Roces guilty of violating contract with GMA-7

Quezon City Regional Trial Court’s ruling claims former StarTalk host Rosanna Roces violated her contract when she appeared on rival show The Buzz in 2004.


Hindi nalusutan ni Rosanna Roces ang kasong isinampa laban sa kanya ng dati niyang home network na GMA-7 walong taon na ang nakalilipas.

Napatunayan ng Quezon City Regional Trial Court na guilty ang aktres sa paglabag sa kontrata nito bilang StarTalk host noong 2004.

Taong 2005 nang kasuhan siya ng GMA Network ng breach of contract matapos siyang lumabas sa kaparehong showbiz-oriented talk show format sa ABS-CBN, ang The Buzz, gayong hindi pa tapos ang kanyang kontrata.

Ayon sa pitong-pahinang desisyon ni Presiding Judge Alfonso C. Ruiz III ng RTC Branch 216, hindi sapat ang pagpapaalam ni Rosanna sa StarTalk na nais na niyang mag-retire sa showbiz upang mapawalang-bisa ang kasunduan nila.

Malinaw raw na nilabag ng aktres ang kanilang kasunduan dahil ilang araw lang matapos niyang ianunsiyo na plano niyang mag-quit sa showbiz ay naglabas ng teasers ang ABS-CBN na mapapanood ang aktres sa The Buzz.

“She cannot unilaterally dismiss a contract which she voluntarily entered into with the mere declaration that she is retiring from show business, and then escape the obligations stated in the contract,” paliwanag pa ni Judge Ruiz.

Noong 2007 ay sinubukang umapela ni Rosanna na i-dismiss ang kaso ngunit hindi siya pinaboran ng korte.

Halos dalawang milyon ang sinisingil na danyos ng GMA-7 kay Rosanna para sa “liquidated damages” na nagkakahalaga ng P1.5 million, P400,000 para sa “exemplary damages,” at "attorneys fees and cost of suit" na nagkakahalaga naman ng P100,000.

Bukas ang PEP sa panig ni Rosanna tungkol sa desisyon na ito ng korte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN