Kris Lawrence wants proposal to Katrina Halili to be special

Kris Lawrence on relationship with Katrina Halili: “We’re happy, I have never… our relationship is at strongest point. We’re stronger than ever, we’re happier than ever. Ang bonding namin, iba.”


Nagbabalik sa OPM scene ang Prince of R&B na si Kris Lawrence.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kris kahapon, September 12, sa pocket presscon ng kanyang pinakabagong album, ang Spread the Love, sa Timog Avenue, Quezon City.

“It’s a compilation of songs that I’ve written since 2007,” pagbabahagi ni Kris sa media.

Inamin ni Kris na matagal ding ne-delay ang release ng kanyang album ngunit hindi naman ito naging haldang upang mailabas na ito.

Kuwento ng R&B singer, “I was supposed to release it 2009 pero nung time na yun, uso mga revivals.

“So, naki-join ako sa revival trend… so na-stuck yung ilang songs ko sa archive sa computer.

“And I was about to dish it out to other artists in case naghahanap sila ng kanta.

“Last minute, I pulled back and held it, and then, yun naisip namin ni Tito Arnold [Vegafria, his manager] na ‘My god, ang tagal ko na walang album! Four years na!’

“Tamang-tama, I had seven songs that were done so I just wrote five more.”



“STRONGER THAN EVER.” Bukod sa career, maganda rin ang takbo ng lovelife ni Kris Lawrence. Kaya naman kinamusta ng press ang relasyon nila ng Kapuso actress na si Katrina Halili.

“We’re happy, I have never… our relationship is at strongest point,” ani Kris.

Dagdag niya, “We’re stronger than ever, we’re happier than ever.

“Ang bonding namin, iba.”

Ang bonding time ngayon nina Kris at Katrina ay ang pag-e-exercise at ang pagdyi-gym.

Kuwento ni Kris, matagal na raw niyang pinipilit si Katrina na mag-gym.

“Ayaw talaga niya, tamad. She was just blessed with a sexy body.

“She doesn’t gym, she doesn’t work out, she was just blessed like that.”

Ngasisimula nang bumalik si Katrina sa teleserye kaya naman pursigido siyang bumalik ang kanyang sexy figure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagdyi-gym na siya at siya ngayon ang humahatak sa ‘kin,” kuwento pa ni Kris.

“Parang every day, she’s so inspired and sobrang natutuwa ako.

“Actually, last night, when we came home, I realized this and said, ‘Babe, alam mo, ang ganda ng bonding natin ngayon. Gym, gym talaga!’”



NO WEDDING PLANS YET. Isa pa sa inaabangan ngayon kina Kris at Katrina ay ang pagpapakasal. Ngunit ayon kay Kris, wala pa muna silang balak magpakasal ngayong taon.

Aniya, “No, not this year. I don’t think maiisip ko in two months.”

Ang wedding proposal na ginawa ni Zoren Legaspi para sa asawa nitong si Carmina Villarroel daw ang isa sa mga inspirasyon ng binabalak niyang proposal kay Katrina.

“Kailangan ko muna mag-isip ng idea parang yung mag-top [gaya] yung ginawa ni Zoren.

“Zoren definitely set the standard for men, and I’m a guy.”

Pero paglilinaw ni Kris, hindi naman niya balak na kasing engrande ng ginawa ni Zoren ang kanyang wedding proposal kay Katrina.

Aniya, “No naman, just something very special.

“Joke lang naman about the one na I have to top Zoren but, you know, I want it to be special like that.”

Ngunit ayon kay Kris, hindi raw gusto ni Katrina ang mga ganitong klase ng sorpresa.

“But you know, she hates surprises.

“She hates surprises that’s why I have to find a way na wala…”

Sa ngayon, balak ng dalawa na magkaroon ng participation ang anak nila na si Katrence sa kanilang magiging kasal.

“You know, napag-usapan din namin [na] gusto namin si Katy ang flower girl.”

PARENTING 101. Samantala, malaki rin daw ang ipinagbago ng buhay ngayon ni Kris dahil sa kanilang anak ni Katrina. Kabilang na rito ay ang madalas na paglabas niya kasama ang mga kaibigan.

Kuwento Kapuso talent, “From 100, siguro naging 20.

“When I’m out with my friends and we’re drinking and I’m getting drunk, I get a flash of Katy, tapos feeling ko nagi-guilty ako, kasi nandun lang sa bahay si Kat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, uuwi ako.”

Bukod sa pagpa-party, hindi na rin daw madalas gumagastos sa kung anu-anong bagay si Kris ngayong isa na siyang ama.

Kuwento pa ng singer, “My spending went down a lot, hindi na… hindi ka na puwedeng mag-splurge-splurge here.”

“Ayun, spending… ano pa, mentality, more mature,” dagdag pa niya.

“I have to watch my behavior, I have to watch the things I say.

“When I talk na kasi… I have to be responsible because she’s gonna pick it up.”

Pagdating naman sa pagdidisiplina, sino sa kanila ni Katrina ang mas mahigpit?

Sagot ni Kris, “Feeling [ko] ako, ako yung mas disciplinarian.

“Kat is more of the spoiler so, you know, I’ve read that kailangan may balance na kahit gusto ko rin mag-spoil, kung yung mommy nag-i-spoil, don’t spoil her.

“Kasi you have to bound to it para may balance.”

Sa darating na linggo, gaganapin naman ang first birthday ni Katrence na maiging pinaghahandaan nina Kris at Katrina dahil ito ang unang beses na gagawin nila ito.

Ang tema raw ng magiging birthday party ng kanilang anak ang "Candy Land."

Ani Kris, “We’re excited, we’re nervous”

“This Saturday, we’re gonna buy the prizes for the kids’ games.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN